***
I met this man named PEE when we were in college. He was my friends' boyfriend at that time and to be franked with everyone, na tipuhan ko sya kaagad the day nung pinakilala sya nong kaibigan ko. Well, we cannot deny the fact na, grabe talaga yung sex appeal nya. For me sya yung the best example ng Tall, Dark and Handsome ^^.
Hindi ko na i dedetalye kung paano sila nagbreak nong kaibigan ko kasi sa kanila na yun lol.
soooo, forward tayo....
Pagkatapos namin gumraduate, may trabaho na ako. obkurs nuh? bawal tamad kasi madaming nag expect na magkatrabaho kaagad kasi fresh grad lol. At syempere dahil may work na, may karapatan na magka jowa, haha may ipakilala na din sa pamilya sa wakas for the first time. haha forda kilig ang ferson non. lol
I met this guy named "A" sa isang social media platform, at first hindi ko talaga sineryoso kasi nga online and LDR kmi. Visayas ako, nasa Luzon sya. Anlayo beh. hahaha but guess what?! Tumagal kami beh!
It's not a healthy relationship to be exact but it took us 4 years before we figure it out na hindi talaga kmi para sa isa't isa. Akalain mo yun!
Now let's talk how "Me" and "PEE" reunited. lol
While i'm in a relationship pa with A, nagchachat na kami nun ni Pee kasi we were friends eh. I actually treated him like a friend only and nothing else. And yeah, gusto ko sya nong college ako but I don't have plans of being one of his GF. Chaaar. Syempre marunong din naman akong lumugar and to tell you honestly, I don't think i'm one of his type kasi sa nakikita ko sa mga Ex's ya. Beh, ichapwera talaga ako. Hindi naman sa ganun talaga ako kapangit but I can tell na, it's impossible talaga na magka something kami beh. BASTA! hahahaha
So ayun na nga, kaka chat namin noon. Napagdesisyunan namin na magkita for breakfast since both kaming nasa night shift non. Kami pa non ni A, and I don't really mind meeting this man kasi mahal ko naman si A and as friends lang talaga turing ko ky Pee and if i'm not mistaken, may jowa din sya nong time na yun. Move forward--- we were having breakfast not just once, not twice but ilang beses din yun naulit. And it stops! kasi nagalit na yung boyfriend ko. Hindi ko na din maidedeny na kasalanan ko din kasi hindi na ako aware sa mga ginagawa ko with Pee. We were friends but we both says I LOVE YOUs. Sabi ng jowa ko non, walang magkaibigan na nag iiloveyou'han. I fought for him, sabe ko meron and kmi yun ni Pee. I really don't mind saying iloveyou kay Pee kasi nga kaibigan ko lang talaga sya until such time na narealized ko na parang micro cheating na yung ginagawa ko. Kasi parang may something na eh, nakaramdam na ako ng something so I had to stop. Lagi kasi syang bino-brought up ng jowa ko sa away namin. Chinat din sya ni A tas minura. So nagstop yung communication namin tas naging okay na ulit yung relationship namin ni A but natapos din yun after 4 yrs dahil toxic na kami pareho.
Moving forward!!!!
Nagkajowa ulit ako, His name is X. Isang workplace lang din kami. He's a nice guy. Masaya naman kami, 2 years and 7 months din kami nun. Konting detalye lang sa kanya. He's a feminine type. First GF nya ako, so it turns out na ako yung nagdadala ng relasyon namin kahit na mas matanda sya sa akin ng 2 years. Siya yung best example ng nonchalant. Hindi sya nakakaramdam na nagtatampo na ako. Hindi din siya nakikipag usap or nags-share ng problems nya everytime na may iniisip siya tapos whenever that happens, nababalewala nya ako. I don't really mind it at first kasi yun agad yung unang problemang na experience ko sa kanya but nilawakan ko yung pag intindi ko kasi alam ko na hindi talaga ako ang priority nya until such time na hindi ko na nakayanan- sinabe ko sa kanya yung issue. I tried but he invalidates me. I got disappointed at that time but hindi pa rin ako sumuko kasi i still have hopes na he'll work it out. But hindi talaga beh. Hindi sya marunong magcommunicate hanggang sa na adopt ko na din na everytime na may dinadamdam ako, kinikeep ko na lng sa self ko at hindi na nagsasabe sa kanya and act like nothing's happen. Hanggang sa napagod na din ako. Ako talaga yung unang nag approach sa kanya kaya nagwork kmi at may kasalanan nga din ako sa kanya kasi somehow naging part din sya kung bakit tuluyan kaming naghiwalay ni A. I used him as a reason para tuluyan talaga akong bitawan ni A, kasi habol-habol pa ako ni A non, pero kasi ayaw ko na. At alam na alam nya yun kasi inubos nya din ako. So nag give up na din ako. Kasi wala talaga akong nakikitang bakas na ma se-save pa yung relationship. I gave him chances many times until such time na naubos na ako at hindi na nakaramdam pa ng love sa kanya.