Tyrone:
Napabuntong-hininga si Tyrone habang nakatitig sa kanyang cellphone. Paminsan-minsan ay pinipindot niya ang lock button nito. 04:30 PM ang mababasa sa kanyang screen.
Bakit nga napakabagal ng oras kapag Lunes?
Ginalaw-galaw ni Tyrone ang kanyang mouse para naman di magsleep ang screen. Kanina niya pa tapos ang trabaho niya. Nakapagsend na siya ng QA Audits for the day kaya’t wala na siyang ginagawa.
“Ty, kumusta?” Napalingon siya sa tumawag.
Palapit sa kanya ang kawork niyang si Elaine. TL si Elaine ng isa sa mga CS inbound teams nila.
“Hi, ‘Laine. May ipapadispute ka ‘no?” Biro niya dito.
“Hoy, hindi ah. Bakit lumalapit lang ba ako sa’yo pag may pinapadispute ako?” Sagot nito na pabiro pa siyang inirapan.
Mukhang di pa ito dumadating.
Nagchat ulit siya dito para muling icheck kung nasaan na ito.
Umabot ng sampung minuto bago ito nagreply.
“Sorry, babe. Kumain pa kami ng mga kawork ko. I’ll be home at about 8 pm.”
Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi niya maiwasang madisappoint lalo’t inaasahan niyang makasama mag-dinner ang nobya.
Matagal-tagal na din mula nung huli silang nagkasamang kumain. Simula nang mapromote ito na Operations Manager ng isang BPO company ay sobrang naging busy na ito. Napadalas na din ang pagtravel at pakikipagmeet up sa mga bosses nito na nasa ibang bansa pa.
Naisip ni Tyrone na sana sumama na lang siya kay Elaine at sa team nito na mag-eat out.
Sakto naman at nagchat si Elaine at nagsend ng group pic nito at ng team. Mukhang nasa isang Samgyup restaurant ito at ang team nito.
Nagheart react na lang si Tyrone at saka nagreply:
Pwede humabol?
Agad ding nagreply si Elaine:
Oo. Sama mo ba jowa mo?
Tyrone: Hindi eh. Medyo madedelay siya.
Elaine: Sige, habol ka. Wait ka namin. Malapit ka lang naman ‘no?
Tyrone: 15 minutes. Magmomotor ako.
Elaine: Yeyyy!!! See you, Ty!
Agad na bumaba si Ty. Iniwan niya na ang gamit at mabilis na umalis.
Bea:
Sa isang Filipino restaurant naisipan ng mga kawork ni Bea magdinner. Halos one week din sila sa India at bagamat masarap ang Indian food, di nila maisawang mamiss ang Filipino food.
“OMG, I miss sinigang!” Sabi ng kawork ni Bea na si Charm. General Manager si Charm. Tatlo sila ng Team Lead na si Gerard na pinadala sa India upang makipagmeeting sa mga big bosses dun.
“Grabe naman ‘to, akala mo naman 1 year na nawala.” Biro ni Gerard.
“Sanay ang dila ko sa Filipino food. Anong magagawa ko?” Sabi Charm.
Napangiti na lang si Bea sa kulitan ng dalawa.
Paminsan-minsan ay sinisilip niya ang phone. Hinihintay niyang magreply si Tyrone. Nakita niyang naka-seen ang message niya pero wala itong reply.
“Uy, itong isa, mukhang iba ang namimiss.” Panunudyo ni Charm.
“Di naman. 1 week lang naman kaming di nagkasama.” Tanggi ni Bea.
“Eh ano kung 1 week, di mo na ba siya namimiss?” Tanong ni Gerard.
“Hmm, siguro dahil na din sa tagal namin. Comfortable na kami sa set-up. Di na namin masyadong hinahanap ang isa’t-isa.” Pag-i-explain ni Bea.
Napatango-tango na lang ang dalawa.
Di din nagtagal ay natapos nila ang pagkain. Naisipan ni Bea na magbook na lang ng Grab pauwi. Mukhang di siya masusundo ni Tyrone kahit ichat niya ito. Nakaoffline na nga ang binata. Naisip niyang baka nakatulog ang nobyo.
Bagamat naiintindihan niya na baka pagod lang ito, di niya maiwasang malungkot. Isang linggo din silang hindi nagkita pero parang wala lang dito iyon. Siguro nga ay tama ang explanation niya sa mga kaibigan. Siguro sa isang relasyon dumadating ang punto na sobrang sanay niyo na sa routine na parang di na hinahanap ng dalawang taong magkarelasyon ang isa’t-isa. Di tulad noon.

YOU ARE READING
Kung Saan Tayo Nagsimula
Romance8 years. Halos isang dekada na ang relasyon nila. Minsan ay napapaisip si Tyrone kung itutuloy pa ba nila o ititigil na. Di na sila nagkakausap ni Bea nitong huli. Para bang nanlalamig na unti-unti. Pero paano naman ang halos isang dekadang relasyon...