Kung Saan Tayo Nagsimula: Chapter II

5 0 0
                                    

Tyrone:

Alas-nuwebe na nang makauwi si Tyrone. Naabutan niya ang kasintahan na nanonood ng isang sikat na Korean show sa Netflix. Libangan talaga ni Bea ang manood ng Korean shows. Wala namang hilig si Tyrone dito bagamat paminsan-minsan ay sinasamahan niyang manood ang kasintahan.

“Oh, you’re home.” Matamlay na bati ni Tyrone sa nobya.

“Of course. Di ba sabi ko sa’yo, by 8, uuwi na ako?” Ani Bea na pinagtaasan pa ng kilay ang nobyo.

Nagkibit-balikat lang si Tyrone.

“I thought you would be late. Baka kako magkasiyahan pa kayo ng mga kawork mo kaya di na kita hinintay. Sumama na lang din ako sa mga kawork ko magdinner.”

Ramdam ni Tyrone na nakatitig sa kanya si Bea. Nakatalikod siya dito habang nag-aalis ng sapatos. Alam niyang naiinis si Bea. Base din sa experience niya, alam niyang sasabog ito at magkakasagutan sila na maaring mauwi sa kama o sa pagwalk out.

“Di. Isa lang.” Pakiusap nito.

Luminga-linga si Bea. Siniguradong walang tao saka mabilis itong kinintalan ng halik.

“Yes! Makakatulog na ako ng mahimbing.” Sabi ni Tyrone na akala mo ay nanalo sa lotto.

“Ewan ko sa’yo. Umuwi ka na nga.” Natatawang sabi ni Bea sa nobyo.

Kumaway ito at saka sumakay sa nakahintong jeep.

Natatawang-napapailing na lang siya sa inasal ng kasintahan.

2024

Naputol ang pagbabalik-tanaw ni Bea nang biglang magvibrate ang phone niya.

Gerard: I’m home. Grabe ang traffic sa may Cubao. I hope you are too.

Bea: Ako din. Good night.

Gerard: Good night, OM. Stay awesome!

Napailing na lang si Bea. Kahit kailan talaga bolero itong si Gerard.

Muling nabaling ang isip niya sa nobyo. Ewan niya ba, di na sila madalas mag-away lately. Di na tulad dati na talagang halos buwan-buwan, may pag-aawayan. Kahit maliliit na bagay. Pero naaayos naman agad. Hindi naman umabot sa puntong halos maghiwalay na.

Magaling manuyo si Tyrone at madalas kesa sa hindi ito talaga ang nanunuyo sa kanila lalo na kung tinotopak siya.

Ewan niya ba kung bakit lately, parang napapagod na siya. Napapagod na siyang makipag-away.

Ngayon lang siya nakaramdam ng pagod na ganito. Siguro nga dahil masyado na silang matanda para mag-away pa sa mga simpleng bagay. Siguro ganito na talaga kapag matagal na. Siguro napag-awayan na nila lahat ng pwedeng pag-awayan kaya ngayon wala nang mapag-awayan.

Dapat ay masaya siya. Pero bakit parang nalulungkot siya sa isiping iyon.

Ganito ba talaga kapag matagal na?

Napabuntong-hininga na lang siya at saka pinatay ang TV. Di niya na din naman nasusundan ang pinapanood. Mabuti pang magpahinga na lang siya.

Kung Saan Tayo NagsimulaWhere stories live. Discover now