Personal Stylist

28 2 0
                                    


"Masama pala ugali ng idol mo eh" komento ni Nico, kinwento ko kasi sa kanila yung nangyari nung isang araw about kay Ciro na pumunta sa salon namin at ako ang hinahanap na mag make up sa kanya


Kinwento ko simula nung nag trespassing siya sa VIP room habang may client ako up until doon sa pag bibigay sakin ng tip na two thousand na may kasamang pag tawa na kinainsulto ko


Sa sobrang sama ng loob ko hindi ko pa din ginagastos yung two thousand na yun, nasa cabinet ko, kapag nakikita ko umiinit ulo ko.


Wag na wag siya ulit pupunta sa salon, kahit gaano siya kagwapo kung ganun siya makitungo saakin, it's a no. Kung kaya niyang kaya-kayanin ang ibang tao, mas ibang tao ako, hindi ako magpapapakaya sa kung sino lang, hindi naman niya ako pakain


"Okay lang yan, atleast gwapo, no bodies perfect diba, tingnan mo ikaw" banat naman ni Tin at tinuro si Nico gamit yung wings ng manok na kinakain niya kaya irita nito tinaboy ang kamay ni nito


Sabado ngayon at sa sobrang curious nila sa pagtatagpo naming ng childhood crush ko nag plano sila na magkita kita kami at kumain ng unli wings kahit exam week na naming sa lunes, literal na hindi makakapag review kapag walang vitamin c, c for chismis


"Hoy FYI, I'm perfect, matalino, mabait, mapagmahal, maka-Diyos, caring, higit sa lahat gwapo, walang tapon to boy!" pakikipag away niya, tahimik na lang kami na nakikinig sa dalawa


"no! may kulang ka! Ano yung kulang niya Fay" tumingin kaming apat kay Fay na busy sa pagsisimot ng chicken wings niya


"Huh?" takang tanong niya na parang may sariling mundo


"Anong kulang kay Nico, yung sinabi mo sakin noon?" sabi sa kanya ni Tin


"Pre oh bina-backstab ka!" pag gagatong ni Owen


"Ah... kulang sa sex appeal" gulat kaming lahat na tumingin kay Fay, maliban kay Tin na tawang tawa


"Grabe ka Fay, sabi ko sayo wag kang magsasama kay Tin eh" sabi ko na natatawa, ito naming si Nico ay parang hindi mag process sa sinabi ng pinaka demure at tahimik naming na kaibigan


"Dapat talag pre hindi natin to kinaibigan, nakakasira ng dangal" oa naman niya, si Tin naman ay tawa lang ng tawa, napapatingin na nga ibang customer dito sa unli wings na kina-kainan naming


"Hoy! Hindi ako nagturo dyan hahahaha nagulat din ako ng sabihin niya yan, hoy pag tanggol mo ako" tulak ni Tin kay Fay, si Fay naman ay natatawa lang din dahil sa tawa ni Tin, napaka oa naman kasi tumawa


"Totoo naman hahahaha kaya walang nag kaka-crush sayo nung high school, puro ka kasi aral" pang ri-real talk sa kanya ni Fyang


"Pre okay lang yan, kuya dalawang order ng buffalo wing yung triple spicey" pag order ni Owen


"Ikain mo na lang ng buffalo wings para madagdagan hotness mo" pang aasar pa lalo ni Owen at talaga nag high five pa sila ni Tin


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon