"FOR HE can see that even wise men die."
Kasunod ng unang sprinkle ng abo ng yumaong si Don Amante Davila sa San Joaquin River, inihagis ni Candice ang hawak na puting bulaklak. "Au revoir, Lolo... till we meet again."
Sinimulang kantahin ng mga naiwan ang paborito nitong awit na "Somewhere." Mahigit sa dalawampung tao ang nakapuwesto malapit sa cliff. Mula roon ay tanaw ang ilog. Sa hanging bridge, naroroon ang pari at mga kapamilya ng namatay.
Naglaro sa isip ni Candice ang masasayang alaala ng kanyang abuelo. "Someday, somewhere, we'll find a new way of living. We'll find a way of forgiving... somewhere." Awtomatikong namutawi sa kanyang bibig ang lyrics ng kanta habang tumutulo ang kanyang luha. Ngayong ibinubudbod na ang abo ng kanyang lolo, saka niya naisip na labis niya itong mami-miss sa buhay niya, and that she had lost him forever.
Labing-apat na taon na ang nakararaan nang umalis siya ng San Joaquin kasama ang kanyang half-sister na Canadian. Since then, she had never come back to visit her grandfather dahil sa tampo niya sa kanyang ama nang muli itong mag-asawa. She was twelve at that time.
Divorcée ang mommy niya na isang Canadian nurse. May isang anak ito sa una nitong asawa. Ang daddy niya, si Dr. Benedicto Davila, ay medical student noon sa Quebec. Nang makapagtapos ito, nagpakasal ang dalawa roon. At nang maipanganak siya, nagpasya ang mga ito na sa Pilipinas mamuhay.
Dalawa lang na magkapatid ang kanyang daddy at Tita Elsie, na isa ring manggagamot. Nag-expand ang San Joaquin Community Hospital na pag-aari nila nang magtulong ang magkapatid sa pamamalakad niyon.
On her twelfth year, namatay sa breast cancer ang kanyang mommy. Just eight months later, isinagawa sa kanya ng ama ang tungkol sa plano nitong pagpapakasal sa high school sweetheart na matagal na ring biyuda. Noon siya nagpasyang bumalik sa birthplace niya.
Agad niyang kinontak si Caroline, who was eight years her senior, at isang dance performer sa capital city, Ottawa. Nakatira ito malapit sa kanilang apartment sa Quebec. Bago muling ikinasal ang kanyang ama, dumating si Caroline sa San Joaquin upang sunduin siya.
Caroline had always liked to travel, at hindi pa ito nakararating sa Pilipinas, kaya sinamantala ang pagkakataong bisitahin siya. Her half-sister could have been accused of kidnapping, although her dad never did. Isinama siya nito sa Maynila at inayos ang kanyang papeles upang makabalik sa Canada. Hindi naman iyon naging mahirap dahil doon siya isinilang.
Isinekreto nila iyon sa daddy niya, ayon na rin sa kahilingan niya. Sa Maynila, nagpadala si Candice ng telegrama sa kanyang Lolo Amante, nagsasaad na lilipad na siya patungong Ottawa kasama si Caroline. She never came back since then.
Mula nang magkaayos silang mag-ama sa telepono noong labing-anim na taong gulang siya, naging regular ang pagdalaw nito sa kanya sa Canada, provided hindi nito isasama ang stepmother niya o kahit alinman sa mga kapatid niya sa ama.
She had two, sina Rachel at JR. She never cared to see or know anything about them. Nang mga panahong iyon, kasi, naging abala na si Candice sa kanyang ballet career. She had been dancing since she was four, at ang impluwensiya ni Caroline ang nagtulak sa kanya sa career na iyon.
"Hold my hand and we're halfway there. Hold my hand and I'll take you there. Somehow... someday... somewhere..."
Sa pagtatapos ng awitin, nagmulat siya ng mga mata. Kinuha niya ang kanyang corsage mula sa pagkakaaspile niyon sa kanyang puting bestida, saka inihagis sa ilog. "Goodbye, Lolo Amante."
Nang matapos ang seremonya, isa-isa na silang bumalik sa kani-kanilang sasakyan. Mailap sa kanya sina Rachel at JR, pansin niya sa ilang araw niyang pamamalagi sa San Joaquin. Mas malapit pa nga sa kanya ang mga anak ng Tita Elsie niya. Maybe because they were closer to her age. Isa pa, nagkikita-kita silang magpipinsan kapag nadadalaw ang mga ito sa Canada.
YOU ARE READING
Dearly Beloved - Camilla
RomanceThings got weird nang basabin ang last will and testament ni Don Amante, ang lolo ni Candice. She inherited his villa, pero may bonus ang manang iyon: doon din titira ang business partner nitong si Ambet Yuson. Her grandfather had hatched a matching...