Chapter 11

672 7 0
                                    

MAS MAAGANG nagising si Candice

Kinabukasan, nalabasan niya sa sala si Ambet. Nakahiga ito sa sofa at hubad-baro. It was six-thirty in the morning, and he could use some more sleep. Kaya, walang ingay siyang bumalik sa silid, kinuha ang kumot na ginamit niya, at ikinumot iyon sa hubad na katawan nito. She did it as gently as she could upang huwag magambala ang pagtulog nito.

Pagkatapos, dumeretso siya sa kusina at naghanap ng mailuluto. Nagpiprito na siya ng hotdog nang maramdaman niya ang presensiya nito. Lumingon si Candice, and there he was, staring back at her, looking like a demigod. Hubad pa rin ito sa pang-itaas ngunit may tuwalya nang nakasampay sa batok.

"Ngumiti siya. 'Coffee?'"

Tumango si Ambet at lumapit sa maliit na mesa. Nang makaupo, pinanood siya nitong magtimpla ng kape.

"More sugar, please," sabi nito nang akmang isasara na niya ang jar na may asukal. "I like my coffee sweet and no cream, please."

Sinunod ni Candice ang nais ni Ambet. Nang mai-serve ang kape, binalikan niya ang piniprito.

"Nakita kong tirang rice, so, isinangag ko. Fatty, yes, pero sayang naman ang kanin." Nang matapos, hinayaan siya nitong maghain. Magkasalo silang nag-­almusal.

Alas-otso, nakagayak na ito sa pagpasok sa opisina. "Uuwi na lang ako nang maaga para makabili na tayo ng regalo para kay May-Ann, 'tapos ay ihahatid na kita sa place ni Macy," anito habang inaayos ang suot na kurbata.

Nilapitan niya ito. "There's a better and faster way to do it," sabi ni Candice habang tinutulungan ito sa ginagawa. "When you're tying your tie, look at the mirror para hindi ganyang kakapa-kapa ka. Geez, didn't Therese tell you that?"

Silently, she congratulated herself dahil napagtagumpayan niyang gawing kaswal ang tono nang bigkasin ang huling pangungusap. Tila na-mesmerize si Ambet. Hindi ito nagsalita hanggang sa matapos ang pagkakabit ng necktie.

Para ngang wala itong narinig. "Maraming VCDs sa rack, manood ka na lang kung naiinip ka," bilin nito nang papaalis na. "You can call Macy or anybody. Darating ako bandang two, pero iiwan ko na rin itong duplicate key ng pad. Kung maisipan n'yo ni Macy na lumabas, just leave a note on the refrigerator door. Bye."

Nang makaalis si Ambet, idinayal agad ni Candice ang numero ni Macy. Sinabi niyang nasa pad siya ni Ambet.

"Ohmigod, really?" thrilled na reaksiyon nito. "Kayo na ba, ha, Ate Can? Kayo na ni Kuya Ambet?"

"Oh, geez, come on, Macy! Naiinip lang ako sa San Joaquin kaya sumama ako sa kanya dito sa Manila. Saka nagpapasama siya sa akin sa pagbili ng birthday gift kay May-Ann Fernando."

Napabuntong-hininga siya pagkatapos. "But I have to tell you something, Mace... in person. I really need someone to talk to about this."

Nakaamoy ng excitement ang nasa kabilang linya. "Tell you what. Wala akong classes this morning. Pupuntahan kita riyan."

"I'd appreciate that. Naiinip na rin ako rito."

Nang maibaba ang telepono, ang desktop computer naman ni Ambet ang binuksan niya. Kinuha ni Candice mula sa kanyang dalang bag ang CD-ROM na naglalaman ng scanned picture nito. Ini-attach ni Candice iyon sa e-mail message niya kay Caroline. Binuksan din niya ang inbox ng kanyang Yahoo account. She was pleased to discover it was jampacked with unopened mails.

Pagkatapos, naligo na siya at nagbihis. Nanood na lang siya ng TV habang naghihintay kay Macy.

KINUHA ni Candice mula sa kanyang wallet ang maliit na larawang inumit niya sa kuwarto ni Ambet sa villa. Sinabi niya ang size na gusto niyang ipakopya sa naturang picture.

Dearly Beloved - CamillaWhere stories live. Discover now