Chapter 1

0 0 0
                                    

(Disclaimer: All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental.)

"Ako na po diyan, Ma! Mag pahinga kana po muna" Sabi ni Margarette at saka nito inagaw ang pamaypay na nilalagyan ng burda.

"Alam mo mare sobrang swerte mo sa mga anak mo. Tignan mo itong si Garette sobrang sipag, mabait, matalino, at higit sa lahat maganda rin ito. Di na ako mag tataka kung pag pipilahan ito ng mga sangkatutak na monark dito sa lugar natin" Sabi ni Madam Brenda.

"Naku! Eh syempre nag mana yata yan si Garette sa akin." Naka ngiting sabi ni Mabel.

"Hay nako Madam Brenda! Wala na po mag kakagusto sa akin at tyaka mas pinili ko nalang po na tulungan muna sila Mama at Papa. Sayang naman po itong negosyo nila kung wala ring mag papatuloy nito sa mga susunod na henerasyon. Okay na po sa akin na nakapangasawa na si Maise ng mga monark at mas nababagay siya roon." Tugon naman ni Margarette kay Madam Brenda.

"Hanggang bente siyete naman yung criteria nila. Ilang taon kana ba, Garette?" Tanong nito.

"Dalawampu't pito po. Magiging dalawampu't walo na ako sa susunod na buwan"

"Ayun sakto! May ilang linggo ka pa bago ka mag dalawampu't walo. May pag asa ka pa para mapili ng mga monark!" Nakangiting sagot ni Madam Brenda.

"95 zint po lahat."Pag babago ng usapan ni Margarette at inabot niya ang pamaypay kay Madam Brenda. Binigay naman nito ang pera sa kaniya at saka nag paalam

"Oh s'ya alis na ako. Kung mag bago man ang isip mo Garette, may nalalapit na sayawan sa bahay ng mga Ghetaldi sa araw ng sabado ng gabi, malay mo makahanap kana roon" Sabi nito at umalis sa kanilang pwesto.

Napabuntong hininga nalang si Margarette at saka umupo rin sa tabi ng kaniyang ina na si Mabel. Ngumiti si Mabel sa kaniya.

"Gusto mo bang pumunta sa sayawan?" Tanong nito.

"Ma, alam mo naman po na hindi ako mahilig sa mga sayawan at saka di ko po pinangarap magkaroon ng koneksyon sa mga monark. Sapat na sa akin na makasama ko po kayo ni Papa." Sabi ni Margarette at isinandal ang kaniyang ulo sa balikat ng kaniyang ina.

"Gusto ko lang naman na maging magaan ang buhay ninyo ng mga kapatid mo. Ayaw ko na mahirapan kayo katulad sa amin ng Papa mo." Tugon ng kaniyang ina.

"Ma naman! Wag mo po sabihin 'yan. Sobrang swerte nga po namin ng kapatid ko kasi nagkaroon kami ng masipag at mabait na magulang. At saka po nakakaya naman natin eh" Sabi ni Garette. Ngumiti lang ang kaniyang ina at tumayo na ito. Inayos na nito ang kanilang paninda at saka ito itinabi sa kanilang storage room.

"Mag ayos kana at uuwi na tayo. Malapit ng dumating ang Papa mo. Kailangan na natin makauwi ng maaga" Sabi ni Mabel.

"Opo, Ma" sagot nito. Nag ayos na si Mabel at Margarette ng kanilang pwesto. Nang matapos na sila mag asikaso ay saka naman nila isinarado ang pinto ng kanilang pwesto at nag abang ng masasakyan. Huminto ang kalesa sa kanilang harapan. Dali dali namang sumakay ang mag ina. Matapos ang sampung minuto ay nakarating sila sa kanilang bahay.

Hindi kalakihan ang kanilang bahay ngunit hindi rin maliit. Mayroong dalawang palapag at apat na kwarto sa taas nito. Mayroon parin silang katulong na siyang hindi lumisan sa kanila simula palang ng maliit si Margarette. Ang kanilang pamilya ay nabibilang sa middle class. Ang kanilang ama na si Marvin ay isang negosiyante at siya ay may ari ng isang sapatusan sa sentro ng Burnham. Ang isa naman nilang negosiyo ay nasa kanlurang bahagi ng Burnham na kung saan ang ina nito na si Mabel ang siyang nag aasikaso. Tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay. Sumunod sa kaniya ay si Maise at ang bunso naman nilang kapatid ay si Marjorie. Si Maise ay dalawampu't lima palang at nakapangasawa ng isang maharlika sa kanilang lugar. Si Marjorie naman ay labing pito palang at kasalukuyang nag aaral.

"Magandang hapon po, Madam Mabel at Madam Margarette" Sabi ni Linda at saka nito tinulungan na ihubad ang mga sapatos nila.

"Magandang hapon din po Manang Linda" Sagot ni Garette. Ngumiti si Manang Linda at saka nito itinabi ang kanilang mga sapatos. Pag katapos ay kinuha niya ang tsaa na kakapainit lamang niya at ibinigay ito kay Mabel at Margarette.

"Ma, Ate!" Sigaw ni Marjorie at saka ito bumaba papuntang sala.

"Ako ang nakakuha ng mataas na marka sa buong school kaya nabigyan po ako ng scholarship for college sa Cantenbury School" Sabi ni Marjorie.

"Congratulations, Anak! Malaking tulong ang scholarship lalo pa't hindi pa okay ang business ng Papa mo." Sabi ni Mabel.

"Oo nga, Ma. Sana maging okay na po lahat katulad ng dati para naman hindi na po kayo mapagod ni Papa sa pag tratrabaho" Tugon ni Marjorie.

Bigla namang may narinig silang busina sa labas ng kanilang bahay. Hudyat na dumating ang kanilang Ama. Dali dali namang lumabas si Margarette upang buksan ang kanilang gate. Pinasok ng kaniyang Ama ang kanilang sasakyan at saka naman isinarado ulit ni Margarette ang gate. Sinalubong ng yakap ni Marvin ang kaniyang panganay at saka ito ngumiti.

"Kamusta ang anak ko?" Tanong ni Marvin kay Margarette.

"Okay lang ako, Pa. Ikaw po ba? Kamusta po ang trabaho?" Tanong nito.

"Nakakapagod pero kakayanin. Baka kasi biglang pumayat ang anak ko, kawawa naman" Pang aasar nito.

"Papa naman eh!" Sabi ni Margarette. Nag tawanan ang mag ama at pumasok sa kanilang tahanan.

Natapos ang hapunan. Umakyat na si Margarette sa kaniyang kwarto upang makaligo at makapag pahinga. Habang nag susuklay ito ay bigla naman niyang naalala ang kaniyang mga gamit na naiwan sa sala. Umalis ito sa kaniyang kwarto at nag lakad papuntang sala upang kunin ang kaniyang gamit nang madaanan niya ang kwarto ng kaniyang magulang. Bigla itong nakarinig ng pag tatalo kaya naman inilapit niya ang kaniyang tenga sa pinto.

"Hindi natin pwede alisin si Manang Linda sa bahay dahil wala na ring tatanggap sa kaniya. Matanda na si Manang at sa atin nalang umaasa para may maipadala sa mga apo niya. Hindi ba't napag usapan na natin ito noon pa?" Sabi ni Mabel.

"Alam ko pero wala na tayong mapapasahod sa kaniya. Wala na ding masiyadong kita ang negosyo natin dahil dalawa nalang ang tauhan natin doon. Kakaunti na lamang ang produkto na nagagawa ng mga tauhan natin." Problemadong sagot ni Marvin sa kaniyang asawa.

"Hindi parin sapat ang dote na ibinigay ng asawa ni Maise para maiahon tayo. Baka sa mga susunod pang buwan ay maisara na ang negosyo natin" Dagdag nito.

Pumatak ang pinipigilang luha ni Margarette matapos marinig ang pag tatalo ng kaniyang magulang. Hindi nito alam kung papaano nito matutulungan ang kaniyang magulang. Hindi rin kasi sapat ang kinikita nila ng kaniyang ina sa pag bebenta at pag buburda ng pamaypay. Kailangan niyang gumawa ng paraan para mapagpatuloy pa ang kanilang negosyo at maisalba sa paghihirap ang kaniyang pamilya.

'Kung mag bago man ang isip mo Garette, may nalalapit na sayawan sa bahay ng mga Ghetaldi sa araw ng sabado ng gabi, malay mo makahanap kana roon' Bigla niyang naalala ang sinabi ni Madam Brenda sa kaniya.

'Kailangan kong makahanap ng asawa kapalit ng dote para maisalba pa ang negosyo nila Mama at Papa' sabi nito sa kaniyang sarili. Umalis na ito sa tapat ng kwarto ng kaniyang magulang at kinuha ang kaniyang gamit bago ito bumalik sa kaniyang kwarto. Nag sulat ito ng liham sa kaniyang kapatid.

Mahal kong Mai,

Alam kong kagulat-gulat ang mga susunod kong sasabihin sa'yo ngunit sana'y matulungan mo ako. Pumunta ka sa bahay sa araw ng sabado at tulungan mo akong makapag ayos. Mag dala ka ng bagay na nilalagay sa iyong muka. Ano na nga bang tawag doon? Basta dalhin mo iyon!

Wag na wag mo ring kakalimutang mag dala ng mga damit na iyong sinusuot sa magarbong sayawan. Kailangan kong makapunta sa sayawan. Kailangan kong makakuha ng asawa.

Nagmamahal,
Garette

Monarchy Series: Remember my nameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon