Skateboard ride through life.

15 0 0
                                    

Karaniwang araw lang yun nung una ko siyang nakita. Ako na nakaupo sa swing at sya na napadaan lang gamit ang skateboard nya.. habang hinahabol ng tingin ng mga babae sa paligid.

Matangkad sya, maputi at Blonde na kulot kulot ang buhok nya. Mukha nga syang Labanos na May noodles sa ulo na nakasakay sa skateboard e XD

Sya ata yung anak nung magasawang bagong lipat ng bahay dito e. 1 Block away lang sila sa amin.

yun yung nakita ko sya, pero..paano ba kami nagkakilala? :)

*Flashback*

Kabababa ko pa lang ng bus galing sa school ko. Oo, bus. Mejo may kalayuan kasi sya sa bahay e. At kailangan ko pang maglakad mula sa welcome hanggang sa pangalawang kanto, mejo malayo kasi malawak dito e.

Habang naglalakad ako, unti unting tumutulo ang ulan. O.O hinalungkat ko yung bag ko, walang payong =_= paktay tayo.

Bahagyang lumakas yung pagpatak ng ulan kaya naman binilisan ko na rin ang paglalakad. Ilang minuto pa ay tuluyan na ngang bumagsak ang ulan kaya kumaripas ako ng takbo.

Narating ko yung unang kanto at hinihingal na ko. ang layo kaya!

"Ahay ahay ahaaay ate tabi !! " sigaw ng isang binata. nilingon ko sya at nakita kong ang bilis ng takbo ng skateboard nya at....BLAG. Nabunggo nya ako.

"Ouuuuch ;_; pasensya na. nakaharang ako! Di ko sinasadya!" Dali kong paumanhin sa lalaki.

"ah nako. Ako may kasalanan. sorry sorry!" sabi nya at hinatak naman ako patayo. "Diba ikaw yung anak nung kaibigan ni mama? uhh..AYY UMUULAN PALA!! tara tara!" pagmamadali nya at pumwesto sa tabi ng skateboard nya. "Tara na! magkakasakit tayo neto oh." pangaaya nya sakin. "nako di ako marunong mag skateboard, pasesnya na." sagot ko naman sa kanya. "Angkas kita~ ^^" nakangiti nyang sabi.

nanlaki naman ang mata ko sa sagot nya. "ah eh ano.. kasi.. " utal utal akong nagsalita.. "tara naaaa" at binuhat ako papatong sa skateboard.

"Ako nga pala si Zelo. Bagong lipat lang kami dito. :)" Sabi nya, habang umaandar kami gamit ang skateboard nya. Nasa likod ko sya at nakahawak sya sa balikat ko. ugh, awkward ah? kesa naman mahulog ako x)

"ah, kaya pala parang di ka pamilyar. Ako nga pala si Marielle"

*end*

"Marielle~ Good Morning Ü" Narinig kong sigaw ni Zelo kasabay ng tunog ng pagkaskas ng gulong ng skateboard nya sa kalsada. Madalas nya ginagawa yun, dadaan sa tapat ng bahay para lang mag good morning sakin,nakakatuwa nga e. Para syang alarm clock. Ang aga aga nyang magising para magskateboard at mag good morning sa mga kakilala nya dito. At parang kami pa nga lang ata kilala nya dito e.

Dumungaw ako sa bintana at nakita ko si Zelo na di pa kalayuan.

"Zelo!! Good Morning! :))" Bati ko rin sa kanya, may kaway pang kasama. Lumingon sya ng nakangiti at kumaway pabalik.

Ako pa lang ata kaibigan nya dito kaya ganyan yan e. Ilang linggo na kaming magkakilala pero wala pa kaming matinong paguusap,mejo nahihiya ako :'> ang pogi e hahaha.

--

Tanghalian na, * ding dong *

pumunta ako sa pinto at agad agad binuksan. Mama't Papa ni Zelo..at si Zelo. Pinitik nya noo ko =_=

"Araaay!!" >_< ano trip nito?!

"Di mo dapat binubuksan kaagad yung pinto, panu pala kung mamamatay tao kami? edi patay na kayo? aish. tignan mo muna kung sino! :p" sabi sakin ni Zelo. Nakataas ang kilay at naka crossed arm. Abay ang taray neto ah. Dinaig pa ako.

"Para kang tatay! na nanay! :'p oo na oo na! tara tita tito pasok po kayo iwan nyo na lang si Zelo jan sa labas. :'p" Pagbibiro ko, nag pout naman ang dambuhalang bata at tska nag belat sakin. aynako, kanina parang tatay na parang nanay, ngayon parang bunsong kapatid. Sige Shabu pa Zelo =__=''

Sinarhan ko sya ng pinto at ngumiting tagumpay. 

"Hahaha! Belat. ;p" bigla naman sumulpot si Zelo na parang kabute sa harap ko. Ayyy shunga, may pintuan nga pala sa likod. >_<"

"tss. Hahaha! Lika na nga, kain na tayo~" Sabi nya sabay hatak sakin papuntang dining area. Epal lang talaga to e ;D

Skateboard ride through life.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon