"When the right time comes"
Sana makita na kita. Sa loob nang isang buwan naramdaman ko kung paano maging masaya. Hindi ko maikakaila na naging parte ka ng teenage life ko.
Alam kong kapag may umalis ay may babalik pero sana ang babalik ay ikaw pa rin. Hindi ko man alam kung ano at saan kita matatagpuan hindi pa din ako susuko pero, sana kasabay nang paghahanap ko sayo ay abg paghahanap mo din sa akin.
Alam kong dadaan ako sa maliit na butas nang karayom bago kita makita or worst baka hindi kita makita.
Lahat na ata nang paraan ginawa ko mahanap ka lang, facebook, twitter, instagram at marami pang iba pero lumipas ang tatlong taon walang Sidney Kristoff Shaffer akong nahanap.
Sabi ko sa sarili ko kapag nakapag-tapos ako at nakapag-trabaho hahanapin kita no matter what happen. Kahit pangit tignan dahil babae ako gagawin ko matahimik lang ako, simula kasi nang makatext kita at makausap sa cellphone three years ago may puwang kana sa puso ko ay palagi ka nang nasa isip ko.
Mark my words.
Hahanapin kita Sidney Kristoff Shaffer...