Chapter 5

6 3 0
                                    

Umalis narin kami agad sa lugar ng mga aswang dahil hindi ko rin kayang magtagal pa roon, lalo na't alam kong mga aswang sila. Kahit pa sabihin nilang may mga maamo silang mukha, hindi parin sila mapagkakatiwalaan!

Sunod kaming pumunta kung saan ako nakita nila Deborah noon. Doon sa may maraming malalaking puno dahil ang next naming hahanapin ay yung pinuno ng mga kapre!

"Ano bang trip ng Reyna niyo at puro elemento ang pinapahanap niya?" tanong ko sa dalawa.

"Ah...ano yung trip?" inosenteng tanong ni Deborah.

"Uhm. Trip, yung ano..." nakita kong nag-aantay ng sagot si Deborah sa akin. "Ang hirap naman ipaliwanag. Basta sagutin mo nalang ayon sa pagkakaintindi mo."

Nagkibit balikat ang dalawa. Halatang hindi naintindihan ang sinabi ko kanina, malamang may halong english eh. Hirap na hirap na rin ako makipag-usap sa kanila. Sana naman matuto na silang mag english, awa nalang oh!

"Wala naman na kasing ibang naninirahan dito. Pare-pareho lang kaming mga elemento." kwento ni Deborah. "Hindi ba, nasabi na rin sa iyo na may tatlong kaharian dito? Yung dalawang kaharian ay hindi kasundo ng Reyna. Bali magkakaaway ang tatlong kaharian, at ayon ang naging dahilan ng digmaan noon." dagdag niya.

Ah. So, ayon pala ang dahilan kung bakit hindi kasali ang pangalan ng dalawa pang kaharian dito sa binigay na papel ng Reyna.

Hanggang ngayon pala, hindi parin sila okay. Sayang naman. Sila sila na nga lang yung nagtutulungan, nag-away-away pa. Hindi na kaya nila maayos iyon? Ano kaya ang reason ng pinag-awayan nila? Siguro malala, nagkaroon ng digmaan eh. Sana hindi nalang maulit. Kawawa naman ang mga inosenteng naninirahan dito, walang kaalam-alam.

Huminto kami nang mapunta na kami sa pinaka-dulong lugar kung saan may mga malalaki punong nakatayo roon. Kung titignan mo nang mabuti ay normal lang na puno iyon.

Sure ba silang nasa tamang lugar kami?Napailing naman ako sa naisip ko. Ang kapal naman ng mukha mong kuwestyonin sila, Amara. Eh, taga rito 'yan sila, tapos ikaw dayo lang!

"Hintayin niyo ako rito." sabi ni Elora sa amin.

Nagulat ako nang biglang naghiwalay ang yung katawan niya sa paanan niya. Lumitaw rin ang malalaki nitong pakpak, ngunit hindi nagbabago yung maamo niyang mukha. Hindi parin talaga ako sanay sa biglaang transformation niya. May after shock parin akong nararamdaman.

"Sobrang amo ng mukha niya para maging isang manananggal." sabi ni Deborah sa tabi ko at bahagya pa akong siniko para magising ako sa pag-iisip-isip.

Totoo naman kasi. Napaka-amo ng mukha niya at hindi mo talaga aakalain na isa siyang manananggal.

"Hanggang ngayon, hindi parin talaga ako makapaniwala kapag nakikita ko si Elora na humihiwalay yung katawan. Ako kasi ganito lang yung kaya kong gawin." sabi ni Deborah sa tabi ko.

Napatingin ako kay Deborah nang bigla siyang naging maliit. Kasing liit siya ng kutsara. Ang angas! Nakakainggit! Gusto ko rin tuloy magkaroon ng powers kaso ang magagawa ko? Isa lang akong hamak na normal na tao.

Napanguso ako. Bumalik naman na sa original na laki ang katabi.

"Siguro kung nandito pa si Lolo Mil, panigurado marami na siyang naituro sa akin." may bahid ng lungkot ang kaniyang boses at kahit hindi siya nakatingin sa akin ay kitang kita ko rin ang lungkot sa kaniyang mga mata.

Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya.

"Ano ka ba. Nandito pa naman kami ni Elora, eh. Tsaka, kahit wala si Lolo Mil mo ay pwede mo parin naman pag-aralan ang mga iyon. Alalahanin mo lang lahat ng sinabi sa iyo ng Lolo mo. Tiyak na matutuwa iyon dahil kahit wala na siya ay nag-aaral ka parin. Su-supportahan ka namin." malambing kong sabi sa kaniya.

The Lost TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon