"Minsan nga ay napagkakamalan silang emo punk o satanista dahil sa suot nila," patuloy na paliwanag ng driver.
Natutuwa naman si Andrew at nagkakasundo sila ng matanda sa mga gusto nila parehas. Napag-usapan nga din ng mga ito ang tungkol sa mga rock and dark band, na medyo sumentro sa amo ni Mang Simeon.
"Mahilig po ba kayo sa rock band?" tanong ni Andrew.
"Medyo, pero hindi membro ng rock band itong amo ko ah. Goth lang talaga siya," sagot ni Mang Simeon.
"Hindi po ba nakakaasiwang pinag-uusapan natin siya sa mismong harap niya?" naitanong bigla ng binata at parehas namang na napalingon ang dalawa sa kinauupan ng dalaga.
Actually, mismong si Andrew na ang naaasiwa thinking that the Goth lady was just listening behind them.
"Hindi siya nakakarinig may suot-suot siyang headset mula pa kanina. Tingin mo ba kakausapin kita nang ganito kung naririnig tayo niyan? Ipinapapaliwanag ko lang sa 'yo dahil napansin ko kasing namutla ka nang makita mo siya kanina," natatawang paliwanag ni Mang Simeon.
Kung hindi lang madilim sa loob ng kotse ay baka nakita na ng matanda at ng amo nito ang pamumula nang pisngi ni Andrew. Nakakahiyang isipin na sa gaanong paraan pa siya makikita ng amo ni Mang Simeon, aminado pa naman ang binata na medyo cute ang dalaga kahit pa hindi niya masyadong naaaninag ang hitsura nito.
"Akala ko po kasi na..."
"Na multo siya?" Natawa naman roon si Mang Simeon.
"Hindi kita masisi. Kahit ako ay kinilabutan noong una ko siyang makita. Nakakatakot ang get-up niya sa dilim." Napailing na lamang ang matanda habang natatawang nakatingin sa amo.
"Pero mukhang tahimik po siya." Kumento ni Andrew.
"Ganiyan talaga siya. Nasasanay na nga lang ako, eh. Noong nasa Inglatera pa kami ay ako na ang driver niya. Kung dito ay abnormal ang fashion na ganiyan, doon ay naglipana sila kaya nasanay na rin ako." Kuwento ni Manong sabay inom sa hawak-hawak nitong hot chocolate.
Namangha naman si Andrew sa kuwento ng matanda. Hanep din itong si Manong, nakarating na sa England. Samantalang ang pinakamalayong bansa na narating ng binata ay ang India, nang minsang mag-family and business trip sila roon. Hindi pa naging maganda ang experience niya dahil kamuntikan pa siyang maipakasal sa dalagang anak ng kasosyo ng Daddy niya.
"Manong, dito na lang po ako," sabi ni Andrew nang makatapat na sila sa gate ng village kung saan siya nakatira.
YOU ARE READING
GOTH GIRL
RandomA high school student, Andrew develops feelings for a mysterious Goth girl in his class. Their budding romance faces challenges when another student, Lucas, expresses interest in her, creating a love triangle. After some tension and misunderstanding...