VII

1 0 0
                                    

Abigail POV:

“Come to the canteen. ASAP.”

Isang malalim na paghinga ang ginawa ko pagkatapos kong mabasa ang text galing sa bruhilda na ’yon. Itinago ko na ang cellphone ko sa bag at naglakad patungo sa canteen. Mahirap na, baka magtatalak-talak pa ’yon siya.

Isang linggo na rin ang nakalipas, at isang linggo na akong binubwisit ng babaeng iyon. Palibhasa’y wala akong magawa sa kahit anong pinag-uutos nito sa akin, kahit na wala namang kabuluhan. Una, okay pa eh, pero habang tumatagal, gusto ko na lang itong suntukin.

‘Kung hindi lang ako bina-blackmail nun, hindi ko susundin ang pinag-uutos ng impaktang ’yon.’

‘Impaktang maganda, you mean.’

Sinampal-sampal ko ang aking sarili para matauhan na mukha lang ang maganda sa babaeng ’yon. ‘Argh, pati sarili ko kalaban ko na ngayon.’

Pagkapasok ko pa lang sa canteen, tanaw na tanaw ko na ito. As usual, nakaupo lang ito mag-isa sa may dulo habang busy sa kanyang phone... walang pakialam sa nakapaligid dito. Lahat nga ay napapatingin sa gawi nito, at ang ate niyo parang sanay na sanay sa atensiyon na ibinibigay ng mga estudyante.

“Ano na naman kailangan mo, mahal na prinsesa?” punong sarkasmong tanong ko rito nang makarating sa gawi niya.

“Love the sarcasm, Ms. Rockefeller.” nakangiting sabi nito, pero dahil alam ko ang likaw na bituka ng babaeng ito, alam ko agad na ang mga ngiting ganun niya ay pawang nagbabanta.

Huminga na muna ako ng malalim bago umupo sa bakanteng upuan. Now we're facing each other.

“So ano nga?” Sumulyap pa ito sa akin bago itinuon ulit ang atensiyon sa kanyang cellphone.

“Go to the mall, buy this one.” Sabi nito at tiningnan ko yung litratong pinakita niya sa kanyang cellphone.

“Carbonara?!” Hindi makapaniwalang saad ko rito.

“Yeah, isn’t it obvious?”

“Put— may carbonara dito sa canteen, Helina!” Hindi ko na talaga mapigilan ang pagkairita ko rito.

“I don't like the taste of carbonara here. And my name is Catalina, not Helina. Don’t call me the way you want.” saad nito bago ako inirapan. Napairap din tuloy ako rito. Ang ganda kaya ng Helina, pinagsamang first name at second name niya, noe.

“Bibili na lang ako ng ingredients sa palengke, lulutuan na lang kita. Ang layo-layo ng mall, beh. 𝘒𝘢𝘭𝘢 𝘮𝘰 𝘮𝘢𝘥𝘢𝘭𝘪 𝘭𝘢𝘯𝘨 ’𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘰𝘳𝘢𝘴 𝘮𝘢𝘩𝘪𝘨𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘣𝘺𝘢𝘩𝘦 𝘱𝘢𝘱𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘥𝘶𝘯.” bulong kong saad sa huli.

“Whatever, I'll be waiting for you at home.” At inayos na nito ang mga gamit, indikasyong aalis na ito sa kinauupuan niya.

“Also, make it fast. I'm craving carbonara right now.” Pahabol pa nito at umalis na hindi man lang ako niyaya kumain o lumingon man sa akin. Napasimangot tuloy ako ng wala na ito.

‘Aich, hindi pa ako kumakain.’

Mas okay na sigurong ako na lang ang magluto at bumili ng ingredients doon sa palengke kesa pumunta pa ako ng mall na mahigit dalawang oras ang byahe. Hush.

Buti na lang talaga ay wala na akong afternoon class kaya puwede na akong umuwi. Habang palabas ako, nag-message na muna ako kay Kelly na uuna na ako rito. Nag-reply naman ito na “Sige at mag-ingat ka pauwi, beh.” May pasok pa kasi si Kelly hanggang mamaya.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang makita ko si Manang Luz, ang isa sa mga kaibigan ni Nanay. Close rin ako rito dahil nga noong bata pa ako, mahilig ako kumuha ng mangga sa kanilang punuan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crossed PathsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon