Pagkapasok ko sa kwarto ay dumiretcho agad ako sa higaan. This day is so tiring and kind of stressful. Sa umaga ay maaga akong gumigising para maghanda sa pagpasok sa eskwelahan, pagkatapos ng klase ko ay diretso naman kaagad ako sa nakuha kong part-time job. Buti na lamang at mabait ang amo ko at pumayag na sa gabi na lang ang schedule ko kahit 6pm to 11pm lang.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit ako palaging hindi nakakauwi ng maaga, hindi ko na balak sabihin kila mama na nagtratrabaho ako dahil kahit umiyak pa ako sa harapan nila at hindi rin naman nila ako paniniwalaan. Sapat lang ang sahod ko para bayaran lahat ng gastusin ko sa paaralan. Pati ang allowance ko ay ako na ang nagproprovide dahil ang pera na binibigay ni Tito Arthur ay binabawasan pa ni mama.
Hindi sapat ang isang daan para sa isang linggo kaya pinilit ko talagang humanap ng trabaho. Madalas akong nalilipasan ng gutom dahil na rin sa hindi sapat na pera, ang perang dapat ay ibibili ko sa pagkain ay itinatabi ko na lamang para may ipambayad ako sa mga gastusin sa eskwelahan. Hindi naman kami mahirap at hindi rin mayaman, kumbaga nasa gitna lang.
Pagkatapos ko mag pahinga ay tumayo na ako para maligo at para makapag review na rin dahil may exam kami bukas. Habang nagreview ay bigla kong naalala ang ipon ko.
"One, two, three, four, five" bilang ko sa perang naipon ko, wait, ang alam ko 10k na ang ipon ko, ah?? Bakit parang mababawasan? Saan napunta yong 5k??
Hinalungkat ko ang buong kwarto ko para hanapin yung pera, hindi pwedeng mawala iyon. Pambayad ko iyon sa tuition. Mangiyak-ngiyak ako habang naghahanap, halos baliktarin ko na ang buong kwarto para mahanap ngunit wala talaga.
"Nasan na ba yun???? Sigurado akong nailagay ko yun dito." Mangiyak-ngiyak na sabi ko.
Noong napagod akong maghanap ay bumaba ako para tanungin kila mama kung may nakita ba silang pera. Habang pababa sa hagdan ay nakita kong nasa sala si ate habang pinapakita ang mga pinamili niyang bagong damit.
"Ma, tignan mo 'to. Bagay ba??" Rinig kong sabi ni ate.
"Anakkkk, ang ganda ganda mo talaga!" Natutuwang wika ni mama.
Napalingon sila saakin ng tuluyan na akong makababa.
"Ahh ma, baka po may nakita po kayong 5k sa kwarto ko," mahinahon kong sabi.
"Pinagbibintangan mo ba kami??!!" galit na sigaw ni mama.
"Ma, hindi po. P-pambayad ko po kasi yon sa tuition ko, b-baka lang po n-nakita ninyo," utal utal kong sabi.
"Bakit ba pinagbibintangan mo kami??? Dahil lang sa limang libo ay nagkakaganyan ka na??" pasigaw na sabi ni ate.
"A-ate hindi, k-kailangan ko lang po kasi talaga yung p-pera."
"Ang kapal ng mukha mo! Para lang sa limang libo ay pagdadamutan mo na kami??!! Bakit ha?! Ikakamatay mo ba 'yang pera mo na 'yan??!!" galit na sabi ni ate
"Ate, alam niyo naman na nag iipon ako para sa tuition ko," naiiyak kong sabi.
"Lakas naman ng loob mong manunbat para lang sa limang libo, samantalang kami naman ang nagpapalamon sayo! Tandaan mo, kung wala kami ay baka sa kalsada ka ngayon natutulog! Wala kang utang na loob!" mahabang sabi ni ate
Magbigat ang loob kong pumasok sa kwarto dahil sa mga narinig ko, palagi na lang bang ganito?
Why do I have to suffer like this??
Sa sobrang sama ng loob ay hindi ko na nagawa pang mag review, nawalan na ako ng gana sa lahat. Hindi ko na alam kung paano ko pakikisamahan 'tong pamilya na 'to.
ringggg..ringgg....
"Sino ba tong tumatawag ng pagka aga-aga," inis kong sabi.
"Helloo, Elysee??? Nandito na ako sa school, wala ka pa bang balak pumasok??"Malakas niyang sabi
"Ke aga-aga, Karen. Napakaingay mo" paos kong sabi
"Nasaan ka na ba??? "
"Papunta na" sabi ko kahit ang totoo ay nandito pa lang ako sa bahay.
"Bilisan mo, ayan ka na naman sa papunta papunta mo! Alam kong nandiyan ka pa sa bahay niyo," pasigaw niyang sabi.
Itong babaeng, 'to hindi talaga maawat ang bunganga, hindi yata ito nawawalan ng energy.'.
Pagkatapos naming mag-usap ay bumaba na agad ako para sana makapag-almusal ngunit wala na palang tirang ulam at kanin.
Nagmadali na nga lang ako dahil malilate na rin naman ako, sa school na lang siguro ako kakain.
"Manong, dito na lang po sa tabi," wika ko sa driver dahil malayo pa lang ay tanaw na tanaw ko na ang kaibigan kong si Karen.
Si Karen ang nag-iisa kong kaibigan, mula elementary ay madaldal na talaga siya. Kapag tatahimik siya ay it's either wala sa mood or kaya naman ay may problema.
"Elyseeeeeeee!!!!! "Sigaw ni Karen habang tumatakbo palapit saakin.
Napatingin tuloy ang ibang estudyanteng naglalakad papasok. Ano ba tong babae na to, hindi ba to tinatamblan ng hiya?? Sigaw nang sigaw, napaka-raming tao.
"Ano ka ba naman, Karen. Ang ingay-ingay mo, mahiya ka nga. Pinagtitinginan ka ng mga tao, oh, turo ko sa mga estudyante.
"Bakit ako mahihiya?? Tinitignan nila ako kasi maganda ako, duh." Pilya niyang sabi
"Tara na nga, malilate na tayo."
"Ay wow? E kung inagahan mo rin kaya ang gising para nakapasok ka ng maaga? "Wika ni Karen
"Teka, bakit ba paos at maga na naman 'yang mata mo? "Curious na sabi ni Karen
"Secret" tipid kong sabi
Ever since ay hindi talaga ako mahilig mag kwento ng mga ganap ko sa buhay, naiintindihan naman iyon ni Karen. Basta raw ay sabihan ko siya kapag hindi ko na kaya.
Pagkadating namin sa room ay wala pa yung teacher, ngayon pa lang ay kinakabahan na ako dahil nga ay hindi ako nakapag review.
Sigurado naman akong mahihirapan nanaman ako, lalo at ABM strand pa ang kinuha ko kahit hindi naman ako magaling sa Math. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko ito kinuha e, nakigaya na lang kasi ako kay Karen dahil na rin sa wala naman akong kaibigan sa ibang strand. Ilang minuto lang ay dumating na rin ang teacher na magpapa-exam saamin.
"Good morning, class! "masigla niyang sabi
"Good morning, Mr. Castro," Sabay Sabay named Bati.
"Bakit parang ang tatamlay niyo naman? Nakatulog ba kayo ng maayos? "Natatawang sabi ni Sir Castro
"Hindi po sir! Alam po naming mahirap yung exam kaya hindi na kami nakatulog sa kaba" pilyang sabi ng isa kong kaklase.
Nagtawanan naman ang lahat, pagkatapos ay pinamigay na rin ang mga test papers. Napapakamot na lang ako sa ulo dahil number 1 pa lang ay hindi ko na alam. Hindi ko na 'to matandaan, hindi ako matalino kagaya ni Karen na kahit hindi magreview ay kayang kaya niyang ipasa ang exam.
Dahil sa wala naman na akong magagawa ay sinagutan ko na lang kung ano sa tingin ko ay tama. Pagkatapos ng isang oras ay pinasa na ang mga test papers.
"Elyse, may naisagot ka ba? "Mahinang bulong ni Karen
"May naisagot ako pero hindi ko alam kung tama, hindi ako nakapagreview," bulong ko rin.
Ilang minuto lang din ang lumipas at dumating na rin yung kasunod na teacher sa isang subject para magpa-exam. Aminado naman ako na hindi na ako umaasang mataas ang makukuha ko dahil nga ay hindi naman ako nag review.
YOU ARE READING
Grieving Hearts [On-going]
RomanceKian Luke Saavedra, a man who's passionate by pursuing his dreams to become a singer, fall in love with a girl named Elyse. Elyse is a simple woman who always seek for love. She want a man who will love her through ups and downs. Their relationshi...