🔗00 🔗

17 1 0
                                    

🔗

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

🔗

MALAKAS na ulan ang bumungad sa akin paglabas ko mula sa isang bahay ng kaibigan.

Nakakainis lang dahil wrong timing ang panahon. Wala akong dalang kahit na anong panaklob sa aking ulo bukod sa shoulder bag na nabili ko. Hindi naman kasi sinabi sa balita na may malakas na ulan palang paparating.

Pinagmasdan ko ang suot ko nang makarating sa waiting shed na malimit tinitigilan ng taxi. Basang-basa ang damit ko dulot ng malakas na buhos ng ulan.

Tinakbo ko na lang patungo rito kanina at hindi na binalak pang manghiram ng payong sa kaibigan ko. Pag-alis ko kasi'y para bang may ibang tao sa loob ng bahay. May ibang anino kasi akong nakita sa bintana sa ibaba ng kanyang apartment.

Binuksan ko ang aking bag. Mabuti na lamang at may panyo pala akong nadala kung kayat kinuha ko 'yon pagkuwan at ipinampahid sa braso. Kahit papaano'y nawala naman ang pagkabasa niyon.

Panay pa rin ang pagmamaktol ko sa kamalasang dinaranas ngayon. Kung alam ko lang na ganito kalakas ang ulan ay nagdala na sana ako ng payong kahit tatlo pa! Nakakairita!

Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan, wala naman na akong magagawa.

Pinagmasdan ko ang kalangitan. Mahahalatang makakapal ang ulap kaya tantsa kong hindi kaagad titigil ang ulan.

Muli, napabuntong-hininga na naman ako at pinagmasdan ang madilim na paligid. Poste ng ilaw na lang ang nagsisilbing liwanag sa dilim. Malamig ang ihip ng hangin na dumadampi sa aking kaibuturan.

May kalakasan pa rin ang ulan. Napakadilim ng paligid at hindi na malinaw na makita ang daan. May ilang kabahayan akong natatanaw sa 'di kalayuan at dala marahil ng ulan ay hindi ko na rin iyon maaninag nang maayos.

Ilang minuto na rin akong nakatayo at naghihintay. Nakakainip!

Kinuha ko ang cellphone sa bag at tiningnan ang oras doon — mag-a-alas dies na.

Napatampal ako sa aking noo, maaga pa nga pala ang gising ko bukas. Malayo-layo at mahaba-haba pa ang ibabyahe ko mula rito, sasakay pa ako ng taxi patungo sa LRT Station.

Napabuntong-hininga ako nang maalalang maaga nga palang kukuhanan ang unang araw namin. Nakakainis!

Sinulyapan kong muli ang kalsada. Halos magningning ang aking mga mata at umabot hanggang tenga ang ngiti nang makita ang papalapit na taxi mula sa 'di kalayuan. Sa wakas, makakasakay at makakauwi na rin ako!

Mabilis na tumigil ang puting taxi sa harapan ko. Pinapasok naman kaagad ako ni Manong Driver nang masabi ko sa kanya na sa LRT Station ako ibaba.

Sa pagpasok ko, ramdam na ramdam ko ang init sa loob ng taxi, dahilan para maging komportable ang aking pakiramdam at isandal ang likod sa upuan.

PERFECT LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon