Ako si Ren
at meron akong twin brother si Len
sobrang close namin sa isat-isa
para na nga kaming mag jowa sa closeness naming dalawa ehh
Magkatabi kami matulog..
sabay kumain at sabay din pupunta sa school
Halos pareho kami ng hilig at gusto
wala ring oras na hindi kami magkasama
Yung bang pag wala siya, hindi kumpleto ang araw ko at hindi ako masaya
Pag may problema ako siya agad ang nilalapitan ko
At pag may mga kaaway ako siya palagi ang kakampi ko.
Sa sobrang kulit nga namin nasubukan na namin mag palit ng classroom sa school kasi hindi kami classmate
Maski isa wala talagang nakahalata kasi Identical twin kami.
Pag may assgt. or project ako. tinutulungan nya ako.
Kaya sobrang sarap sa feeling na may kambal...
......
Pero lahat ng iyon ay nagbago dahil sa isang pangyayari...
Ganito kasi yun...
May nagustuhan kasi akong girl sa Schoo namin.
Ultimate Crush ko talaga siya.
Pag nag smile lang siya sa akin parang biglang titigil ang mundo.. hehe
Dahil sa gusto ko talaga siya, nilapitan ko siya at hiningi ang cp number nya.
Lumipas ang mga araw naging kaibigan ko siya at mas naging close kami sa isa't-isa..
Pag vacant ako, pumupunta ako sa classroom nya para yayain siya mag snack
Lumipas ang mga buwan sinabi ko talaga sa kanya ang tunay kong nararamdaman at niligawan ko talaga siya.
Sobrang saya ko nung mga araw na iyon dahil sinagot niya ako agad.
Dahil matagal narin pala siyang may lihim na pag tingin sa akin.
Lumipas ang mga Oras, araw at buwan mas minahal namin ang isa't-isa.
Sobrang excited nga naming dalawa dahil ilang araw nalang 1st Anniversary na namin.
*FAST FORWARD*
Bago mag Feb. 28 2005
Hinintay talaga ng Mahal ko ang 12:00 am para lang tawagan ako
At i greet ng Happy First Anniversay.
Ganyan namin kamahal ang isa't-isa
*FEB 28, 2005 8:34 AM*
Nagising ako dahil tumawag ang mahal ko, Sabi niya...
''Mahal wag kang magpuyat ha? Para makarating ka mamaya sa Date natin.. Love You''
At sa mga oras na yun nag iisip ako ng mga bagay na pwede kong Gawin para ma surprise sira.
Pero may biglang pumasok sa isip ko..
Na ang twin ko ang papapuntahin ko sa date namin mamaya para malaman ko kung gaano talaga ako kakilala ng Mahal ko.
Tinawagan ko agad si Len...
''Len may Favor sana ako''
''Ano yun kapatid?'' -Len
''Pwede ba ikaw ang pumunta sa Date ko ngayon?''