Lucia Guadalupe

5 1 0
                                    

Lucia

I was really upset with Isla, pero hindi ko rin siya masisi. She was raised strictly because she's untamable—mahirap siyang kontrolin; bulakbol, ika nga. But that's no excuse to leave her responsibilities hanging!

For a long time, I suspected something was off in her dealings with Tito Rojas's son, but I never expected it to run that deep. Sana pala, nang makahalata ako, ay kinompronta ko na siya. I should’ve stopped her from her foolishness. Now, itinakwil na siya ng pamilya, and I couldn't do anything about it. It was Papa's decision—worse, it was a must.

Kundi si Apong ang makakaharap namin.

Iritado akong pumasok sa aming mansyon at sumalampak sa couch. The maids approached me and handed me water. "Nakakainis siya! Hindi man lang siya humingi ng tawad! Ni hindi niya naisip tanungin kung anong nangyari pagkatapos niyang pagtaksilan ang pamilya!"

Naluluha akong uminom ng tubig. Nanatiling tahimik ang mga kasambahay, naninimbang at nag iingat sa kung anong sasabihin. Lalo tuloy akong naluha, even here! Wala akong makausap ng matino.

I couldn't find peace kahit sa sarili kong pamamahay!

"Lucilia," marahang tawag ni Manang Sirma.

I put the glass down and hugged her as soon as she was near. "Manang..." I called out, crying.

Inaalo niya ako, hinaplos haplos ang aking buhok. "Maaayos din ang lahat; kumalma ka lang. Nakakasama ito sa pagbubuntis mo."

Umiling ako. "No, Manang! Ate—no, Isla! She's selfish! Sobra na siya. Mabuti na lang at malaki yyng tyan niya nang makita namin siya ni Mama, dahil kung hindi, I might've dragged her doon sa ilog!" sumbong ko sa kanya.

That's right. I'm seven weeks pregnant after 11 months of our marriage. My marriage with Mañosca. Kinasal ako isang buwan mula noong tumakas si Isla. Pinaako sa akin ni Apong ang kasal na dapat sa kanya. Ang lalaking sinamahan niya ng apat na buwan bago ang kasal.

It was a shame for me! Kahit ang ilan kong kaibigan ay napataas ng kilay sa narinig nila. I accepted the marriage not because I wanted to face the shame, but to amend Isla's absence from her responsibilities.

"Kataksilan, Eduardo! Paanong hinayaan mo ang anak mo?!" Apong's voice roared in anger. Halos mapatalon ako sa gulat ng batuhin niya si Papa ng mga libro. "You let her run away with that bastard?!"

Papa met Apong's angry gaze. "Dad, Isla has made her decision. She was firm, and I couldn't lash out at her." sagot ni Papa, nahimigan ko ang pagkontrol niya sa galit na bumubulusok sa kanyang loob.

Apong did not back down. "Kinakailangan maikasal ang isang Guadalupe sa Mañosca, Eduardo. We have long settled our promises with their family, at kung hahayaan mong talikuran ng panganay mo ito..." Kumalabog ang puso ko, I could feel my stomach squeezing uncomfortably as Apong glanced at me.

Napayuko ako at ipinirmis ang aking kamay sa hita. Me? It's me. Ako ang ilalakad! Fuck!

Papa blocked Apong's vision. Tumayo si Papa sa harap ko at umiling. "No, no, Dad. Lucia is still young! Bakit hindi sila Kuya Emman ang kuhanan mo!? O si Kuya Eldom!" He replied angrily.

Tito Emman scoffed. And Tito Eldom too. Mommy squeezed my hand, but it was not enough to calm me down. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Tama si Papa! I just turned 23! Bakit hindi sila Tito Emman o 'di kaya'y si Tito Eldom ang hingan? Bakit ako pa?!

Apong threw another book—it was thick and hard. Hindi niya iyon itinapon kay Papa dahil nasa likod lang ako. "At sino ang ihaharap ng mga Kuya mo?! 'Di hamak na mas iskandalosa ang mga anak nila! Lucia is the perfect match for Mañosca—"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fall: A Love to GrowWhere stories live. Discover now