Diniin ko ng maayos ang karayom sa fabric na nasa dress form nang ginagawa kong gown. Sabay ng malalim na pagbuntong-hininga ay pinunasan ko ang namuong pawis sa gilid ng aking noo saka huminto at tinignan ang malapit nang mabuo na gown sa dress form.
I took a final glance to my work before I grabbed the bottled water to drink. Umupo ako sa sofa na puno na ng mga telang nagunting ko.
Puno ng kalat dito sa loob ng isang kwarto na ginawa kong workroom sa apartment. I chose to continue working my current piece because it's more spacious here than in my office at the shop. Hindi din ako pwedeng masyadong magpagod gaya ng pagbyahe papunta doon at pabalik sa apartment dahil ang sabi ng doktor ko ay madali daw mapuno ang katawan ko sa stress at delikado yun sa baby kaya pinayuhan niya ako na manatili nalang sa apartment.
But I didn't want to disappoint my customer that's why I brought home my work. Work from home was a new normal nowadays so hindi din masama na dalhin ko ang trabaho ko. Kaysa naman ang manatili doon sa shop na masikip at hindi na ako komportable pang magtrabaho dahil marami narin kami doon.
Isa sa mga pinagsisikapan ko ay ang makahanap din ng isa pang pwesto para sa panibagong shop ko sa ibang street, yung mas malawak na space kaysa sa shop ko dahil mas maraming nagpapatahi ay mas napapadami din ang gawa namin at syempre kailangan din ng mga tao kaya mas malaking shop sana.
Kahapon ko lang din pinadala kay Cathy yung mga gamit ko kasi hindi na ako pumunta. Galing kasi ako sa OB ko kahapon, bigla kasing sumakit ang tiyan ko kaya nagpatingin ako kahapon. Praning ako kasi first time kong mabuntis kaya pumunta ako doon.
Mabuti sana kung yung ulo ko ang sumakit kasi magkakaroon ako ng rason para tawagan si Artori Fiorel. Pero nakakahiya naman kung tawagin ko siya na masakit ang tiyan ko.
That guy really captured my attention. He seemed gentler compared to his barbaric pose. Ang unfair lang para sa mga hindi kagandahang lalaki na mga mahahaba ang buhok. Bagay kasi sa kanya ang haba ng buhok niya dahil sa itsura niya. Hindi lahat ng mga lalaki ay bagay ang may mahabang buhok. Swerte ang lalaking yun dahil ang ganda ng itsura niya.
Umikot ang aking mukha sa lamesa na nasa gilid ko. My cellphone rang and I immediately caught it. I accepted the call, and my caller was my other younger sister—Safara.
"Oh Saf, may kailangan ka?" bungad ko agad sa tawag niya.
"Nandito ako sa apartment ni Skim. May sumugod sa kanyang tatlong babae. Hindi ko maawat kasi tatlo sila at dalawa lang kami, hindi ako tumulong."
"Ano?! Sino na naman ba?" I reacted horridly.
I imagined Safara shrugged her shoulders from the other line.
"Hindi ko alam. Sigurado akong hindi mga pokpok kasi may magagarang kotse ang dala. Siguro may nakainitan na naman siya ng—Teka sandali! Nginungudngod na siya sa semento!"
Namatay agad ang tawag. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanila kasi pinatay ni Safara ang tawag. Napatampal ako sa aking noo at hindi maiwasang mag-alala. Hindi ako mapakali.
Nagsuot ako ng tsinelas na may straps dahil yung parang bakya ang sinuot ko na panloob na sapin sa paa. Hindi ko na naayos ang pagkakatali ang buhok ang buhok ko. Para na akong nanay na may limang mga anak tapos yung measuring tape ay nasa leeg ko.
Bumaba agad ako ng dahan-dahan. I was still pregnant and I had four more months before I give birth so, I needed to be extra careful.
Walking distance lang naman ang apartment ni Skim. Alas dyes palang ng umaga tapos may sumugod na agad sa kanya? Paano ang mga kapitbahay? Wala manlang may nakakapigil? For goodness' sake!
![](https://img.wattpad.com/cover/368458978-288-k557827.jpg)
BINABASA MO ANG
Leighton (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series V) Bilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya n...