Chapter 11: FOURSOME

70 1 0
                                    

FOURSOME

Frozen POV

Wow! Nakaabot na dito ang story namin... As I remember same chapter ako binigyan ni Autho ng POV sa Infinity Love...hehehe...thanks infinityren! Tinotoo mo talaga ang special story namin ni Alas...hihihi!
(You are always welcome Frozen...As what I've said... -infinityren-)

This morning we decided to use the car of BFF, dinaanan muna namin sa condo niya.

Kasi sabi ni Eric... "Baby, we need to get your car in your pad, in case of emergency may magagamit kayo ni Frozen. Tapos na ang planning namin sa Academy. After dropping you at school, pa-office na kami ni Ace. We'll be fetching you at 4pm. Let Ace and Frozen used it ... convoy na lang tayo."

"Okay, no problem!" hahaha! Ang landi ng BFF ko may pangiti-ngiti at beautiful eyes pa sa engineer niya!

Along the way, may nakita na naman akong mga undisciplined street children. Naalala ko na naman ang Abraham's Bosom... Sana madala ang mga batang ito doon para maituwid ang mga buhay nila sa tama... Hay naku!!!
~~
~~
Grabe, andito kami magkakasamang apat sa isang mamahaling resto... No choice akong makasama itong pesteng Alas na ito, siya naman ang magbabayad e....hehehe... Umorder na si Eric ng best seller ng resto. Napakaganda ng place, overview ang lawak ng city. Pinili kasi ni Eric ang best place para makapagbonding at makapagkwentuhan pa daw kami ng unlimitted. Pinahahanga talaga ako ng engineer na ito, bukod sa sobrang dikit kay BFF, he always choose the best for us. Uhhhmmm, naalala ko na naman si Uriel... Anyway, tahimik si Alas, kanina pa sa byahe. Siguro, he is calculating already the possible expenses here. Buti nga sa kanya!

BFF got my attention... "BFF Froze, kanina when we are on our way to my pad, I noticed tahimik kang nakatingin sa labas... Is there something bothering you?" Ang BFF ko talaga sobrang sensitive sakin, mind reader talaga! But I appreciate it most, magkarugtong na talaga ang mga neurotransmitter ng mga nerve cell namin. Napatingin din saakin ang the boys.

"Actually BFF, nakakita na naman ako ng mga pasaway na street children kanina. Sana ma-lead sila sa tamang landas. Naalala ko tuloy ang Abraham's Bosom, sabi ng nakausap ko dun dati, isa sa mga advocacy nila ang gabayan sa tamang landas ang mga batang napupunta sa kanila." malungkot kong sagot sa kanya... Aba nagulat kami at sabay pang nag-react si Eric at Alas...

"ABRAHAM'S BOSOM!!! ANG ORPHANAGE DITO SA MAKATI!!!"

"Huh! Kakagulat naman kayong mag-react!!! Hinde!!! Department Store yata yun dito sa Makati... Duh!!!" pagsusuplada ko sa kanila.

"BFF, ang manners!!!" pa-remind sakin ni Chez.

"Kasi naman BFF, duet talaga sila? Kakagulat kaya!!!" reklamo ko.

"I'm sorry Let it Go ay este Miss Frozen pala.. as what you are saying? About the Abraham's Bosom." magalang na tanong sakin ni Alas.

"Oo nga ang Abraham's Bosom, charity work ng R&S Enterprises!" sagot ko uli...

Nagsabay na namang mag-react ang dalawang mokong. "R&S ENTERPRISES !!!"

"Anu ba kayong dalawa??? Kambal-tuko ba kayo at kelangan pa talagang mag-duet??? Bibigwasan ko na kayo ah!!! Magkakaroon ako ng Heart Attack sanyo eh!!! Isa pa talaga!!!" binabalaan ko na sila, kainis na talaga!

Ang mediator na namang BFF ko... "Frozen...relax...please! Oo nga ang puso mo!!!"

"I'm sorry Frozen..." hinging paumanhin ni Eric sakin... "The reason why we were surprised a while ago... Let me explain... Ang R&S Enterprises ay company namin. Ako ang CEO at si Ace naman ang Secretary ko. Yes, charity work namin ang Abraham's Bosom, sponsored by Mamita – Donya Amparo Relova Salazar,mother ko. Now, if I may ask again... Bakit mo nabanggit ang Abraham's Bossom, any relevant story about it?" paliwanag at tanong sakin ni Eric.

The Ace and the SnobbishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon