1

7 0 0
                                    

Panibagong araw panibagong pilitan nanaman. Nandito nanaman kasi si Sam sa bahay na'min at hinihingkayat niya nanaman ako gumawa ng roleplay account. Eh hindi ko nga alam gagawin ko sa mga ganiyan argh.

"Bakla"  sabi niya sa'kin, alam kona pakay neto rito.  "Ano nanaman ba yun, samsamie?"  iritang sabi ko "Ito naman laging galit sa'kin" ani niya na tunog na nasasaktan. "Pero baks, ayaw moba talagang subukan yung rp? Magiging masaya ka naman dun eh, promise!" pangkukumbinsing sabi niya. " Sa totoo gusto ko pero baka mamaya wala akong maging kaibigan don no!" pagsasabi ko ng totoo sakaniya "Jusko! Akala ko kung ano. Sige akong bahala sa'yo, iaadd kita sa gc na'min." sabi niya sa akin. "Gumawa kana ng account mo bilis!" Pagmamadaling sabi niya sa akin. Gumawa na ako ng account at ang pangalan ng account ko ay Jaycee. Hindi ko alam bakit Jaycee, dahil kaya nickname ko ito sa bahay? Ah basta Jaycee ipinangalan ko.

Maya-maya inadd niya na ako sa gc na sinasabi at ikinikwento niya sa akin. Nang maadd na ako sa gc na iyon natuwa ako sa mga tao.

Ambabait nila.

Ramdam ko ang mainit nilang pagsalubong nila sa akin. Natutuwa ako dahil mayroon na akong mga kaibigan sa rp kaagad.

Makalipas ang mga araw na nagdaan, nagiging OA na ako. Oo OA na ako, akalain mo yun diba? Dati nonchalant lang ako tapos naging oa na'ko dahil kina Dei at sa iba pang nasa gc. Paano naging comfortable na'ko sakanila tapos sakanila kopa nakuha pagiging oa ko. Hay nako.

Ngunit habang nakikipag-usap ako kina Dei at Ani sa gc may biglang sumulpot na account. Parang

tumigil ang mundo ko.

"Hello! sorry inactive ako ng ilang araw kasi sobrang dami na'ming ginagawa sa school, bawi nalang ako hehe. atsyaka pala may bago bang member?" tanong niyang sabi sa group chat. " Meron uno, si  @Jaycee"  sabi ni dei kay uno

" Hi @Jaycee! I'm uno nice to meet you and welcome :) "  sampung mga salita na dahilan ng pagtigil ng mundo ko.

Hindi kona alam gagawin ko parang natutulala ako sa message niya. Gusto kong magwala pero may tulog na rito sa bahay. Parang sasabog na yung puso ko GANON! Dahil doon tinakpan ko ang mukha ko ng malambot na unan at sumigaw-sigaw dahil sa kilig. Nanlalambot ako dahil lang sa kilig argh!

" hello po! I'm jaycee nice to meet you rin po. (⁠≧⁠▽⁠≦⁠) "  reply ko sa gc na'min pagtapos ng ilang segundo ng pagsisigaw at kilig.

Sa hindi ko inaasahan ay may biglang sumulpot na notification sa aking cellphone at dahilan ng aking pagkagulat. 

 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The one we once loved Where stories live. Discover now