20

767 33 2
                                    


"Putcha! ganito ba sa college? first time ko gumising ng napaka aga!.." reklamo kaagad ni jan ang bumungad pagkalapit nila

Hindi kasi kami nag dorm or nag boarding house pa. Kaya naman kasi ng uwian, 'yun nga lang need mong agahan kung ayaw mo talaga malate dahil minsan punuan sa jeep.

"True! hindi nakaka ganda ang usok at stress sa jeep. Siksikan pa hanep!" si kisha na sinusuklay ang mahaba niyang buhok ngayon

Pare-pareho rin kami ng suot na t-shirt may shades of yellow. Educ din kasi ang kinuha nilang tatlo, pero lahat sila nag filipino major. Kami lang ni kian ang naiba dahil nga P.E major kami. Pero ayos lang kasi iisang building pa rin naman kami.

Lumapit naman sa akin si jess at sinukbit ang kamay niya sa braso ko.... "Teh, nakaka excite na nakaka kaba ang college no? ano kayang naghihintay sa atin dito." ani niya, hindi maitago ang pagkamangha niya ngayon

Nagkibit balikat ako.... "Ewan ko, pero sana maging masaya ang college life natin." balik ko

"Guys! Tara na, maghahanap pa tayo ng pila." lahat kami napunta ang atensiyon kay kian.

Oo nga, ang laki nitong cl, huwag naman sana kami maligaw, mga engot pa naman kaming lahat.

Inabot sa akin ni kian yung bag ko kaya tatanggapin ko na sana iyon pero agad na hinablot 'yon ni jan

"Ako na ang magdadala. Kaya ka lumiliit eh." pang-asar niyang sabi

Tinawanan naman iyon ni kian kaya mahina ko siyang siniko. Ganiyan sila, simula noong naging barkada kaming lima ay wala ng araw na hindi nila ako inasar. May gc nga kaming tropa, puro ako ang laman ng asaran nila.

"Tigilan niyo ako ah, gusto niyong suntukin ko kayo." duro ko sa kanilang dalawa pero hindi naman nila pinansin iyon at dumila lang sila sa'kin.

Inirapan ko lang sila, after noon ay pumasok na rin kami sa gate. Nauuna si jess at nakakapit naman sa balikat niya si kisha na mukhang nag iimagine na ng magiging college life nila.

Kami naman nasa likuran at sinusundan lang sila. Napapagitnaan ako nina kian at jan. Ang tatangkad nila, kumpara nung senior high kami na kaunti lang naman ang agwat. Na stock na yata ang height ko, kaiyak.

Si kian, matangkad at moreno. Laging magulo ang buhok kasi tamad magsuklay, minsan nga kung hindi ko pa ayusin ay wala siyang balak suklayin. Pero may favorite yata talaga si Lord kasi bagay sa kaniya ang messy hair.

Natuto rin siyang mag gym, minsan ay nagpapasama siya sa'kin, pero taga nood lang naman ako. Masasabi kong maganda ang kinalabasan noon dahil nahubog ang katawan niya.

Samantalang si jan, maputi at palaayos sa buhok. Kabaliktaran iyon ni kian. Lalo rin siyang tumangkad at gaya nung isa, batak din sa gym ito kaya lumaki rin at nagka hubog ang katawan.

Papasa nga yatang model ang dalawang 'to. Kaya pag kasama ko sila, masakit mang isipin ay natatabunan nila ang pagiging attractive nung maamo kong mukha dahil sila ang pinagtitiliian ng mga girls, na kung minsan may boys din.

Sa gitna ng paglalakad namin ay naramdaman ko ang pag-akbay ng kamay ni jan sa balikat ko. Sinukbit naman ni kian ang kamay niya sa kaliwang braso ko.

Inalis ko naman kaagad yung mga kamay nila... "Ano ba! Kaya ako napagkakamalang bata eh!" inis kong sabi

Ilang beses na rin kasi iyon, madalas kapag naglalakad kami ay nasa gitna nila ako at hilig nila ang akbayan o di kaya ay kumapit sa braso ko. Kung hindi bata ay kapatid ang napagkakamalan sa akin. Worst! minsan ng may nag-akala na boyfriend ko ang isa sa kanila...as in lalaking karelasyon!

Aaminin kong guwapo sila pero... Iba pa rin siguro ang kagwapuhan ni marcus-- shit! Ivo! erase..erase..erase.. hindi mo na dapat iniisip ang isang 'yon. Naka move ka na diba!!

Binalik naman ni jan ang pag-akbay sa akin at sinalubong ako ng mapaglarong ngisi... "Hayaan mo na. Cute ka naman eh....ihhhh kilig 'yan?"

Tangina talaga ng kakapalan ng mukha ang isang 'to.

"Kilig mo mukha mo!" pambawi ko, hindi maitago ang pamumula ng mukha ko

"Hoy hoy, 'di kinikilig si Ivo ah..." dahan dahan naman ang pagbaba ng kamay ni kian na nakakapit sa braso ko at tinapat iyon sa kamay ko, pinagsalikop niya ang mga palad namin.

"Kasi sa akin siya kinikilig, yieeee..." sabay tawa ng malakas at sundot sa tagiliran ko

Napapadyak naman ako ng paa ko sa lupa at pareho silang hinarap at pinagsusuntok sa balikat

"Mga gago talaga kayo! tigilan niyo sabi ako eh!!" sigaw ko sa kanila at tinakbo ang puwesto nina kisha, sa kanila na lang ako sasabay

Binalot ng malakas na tawa nila ang paligid, nakita ko na nag apir pa ang dalawang mokong.

Pero sa kamalasan talaga ay kanina pa kami lakad ng lakad pero hindi namin mahanap yung location para sa aming mga educ.

Huminto si kisha kaya napahinto rin kami.

"Shuta naman oh, school ba 'to oh ano. Kanina pa tayo lakad ng lakad. Hindi naman nila sinabi na ganito pala ang sikad!"

"Agree! baka naman may post yung page sa educ? tignan niyo nga ulit." utos sa amin ni jess

Pare-pareho naman kaming naglabas ng phone nina kian at jan. Pero walang bagong post ang educ, yung same location pa rin. Ang sabi ay malapit sa new building ng educ. Eh saan ba ang educ department?

"Alam niyo magtanong na tayo, wala tayong mararating nito eh." suggestion ni jan sa amin

Iyon ang ginawa namin, kaniya- kaniya kaming hanap ng pupwedeng pagtanungan.

May namataan akong ilang estudyante na nakaupo pero nalapitan na iyon ni jess.

Sakto dahil may papadaan na isang estudyante kaso lalaki, pero bahala na magtatanong lang naman.

"Ahhmm.. hello po!" harang at alangan kong sabi sa lalaking dumaan

Tumaas ang kilay niya pero hindi iyon para magsungit kung hindi para alamin kung anong kailangan ko.

"F-first year student po a-ako.... alam niyo po ba kung saan ang department ng educ?" nauutal ko pang sabi

Shit! ba't ganito ang kaba ko. Mula sa makapal niyang kilay, ang chinito niyang mukha at maputi niyang kutis na sinamahan ng mapupulang labi.

Si Marcus....bakit siya ang nakikita ko sa lalaking kaharap ko?

"Oh, freshie kayo. Malayo itong napuntahan niyo. Pero diretsuhin niyo lang iyan..." turo niya daang nasa harapan namin.... "Papunta na kasi kayo dito sa grad site. Doon ang pila niyo kaya bumalik muna kayo do'n." direkta niyang paliwanag sa akin

Tinignan ko naman ang tinuro niya at nagets ko na iyon.

"Salamat po.....kuya." ngumiti lang naman siya sa'kin kaya mas lalo ko lang naalala si Marcus sa kaniya dahil parehong nawawala ang mata nila kapag ngumingiti.

Bago siya tumalikod sa akin ay nakita ko ang id niya, isang maliit at malaking id ang mayroon siya.

'Kevin Iñigo Lim'

Iyon ang nakalagay sa id niya.... Lim? related ba siya kay marcus???

Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now