CHAPTER 18

36 0 0
                                    

"Mahal na Diyosa! Sigurado kana ba sa iyong binabalak?!"gulat na tanong ni Alvinu ng sabihin kong pupunta ako sa Kaharian ni Thera

"Oo, dahil gusto ko nang harapin ang babaing iyon Alvinu at nais kung ipag handa mo ang mga kawal at dito lang kayong lahat at ako lang dapat mag-isa ang pupunta roon upang hindi malaman nito na tutungo ako rito"saad ko na hindi sinangayunan nito

"Ngunit Mahal na Diyosa nag dadalang tao kayo at nakakasama sa inyo ang sumugod mag-isa"saad naman nito

"Isa akong makapangyrihang Bathala Alvinu!!"asik ko rito

"Ngunit isang tusong Bathala rin ang Makakaharap ninyo"saad nito

"Tama na Alvinu! Sumunod kanalang sa sinasabi ko"asik ko rito na kinayuko nalang nito at tumahimik nalang

"Ihanda ang mga kawal at bantayan ang Kaharian!"utos ko at inilabas ang aking setro na nagliliwanag habang nakalutang

"Violet!!"tawag ko rito at agad namang lumabas ito sa katawan ko na isang napakalaking Dragon ng Tagapagwasak at Kamatayan

Agad naman akong sumakay rito at ng pagka sakay ko rito ay sabay ring pag-ibabng aking kasuotan at aking ayos mas lalong kuminang ang aking mukha at naging kulay Silver ang aking buhok na kumikinang

Sabay-sabay naman silang lahat na yumuko at lumuhod ng makita ang anyo ko

"Hinihiling at dinarasal namin ang iyong pag-tagumpay mahal na Diyosa"nakapikit habang nakayukong wika naman ni Alvinu na kinangiti ko naman rito

"Isa kang matapang at walang kapantay Heneral!"wika ko bago umalis palabas ng aking kaharian sabay buga ng kulay ubeng apoy at may halong itim na usok sa bibig ni Violet

"Humanda ka Thera paparating na ako...

...

"Mahal na Diyosa sinusugod po tayo ng nakakakilabot na nilalang"hingal na hingal na saad ng kawal nito

"Thera!!"isang malakas na tawag sa pangalan ng Diyosa ng liwanag at agad naman winasak ng Diyosa ng Kagandahan ang tarangkahan habang nakasakay sa Dragon nito

"Mukhang napa-aga ata ang dating mo Munting Bathala"wika nito habang nakangiting nakaharap rito

"Lucian!!"sigaw naman nito sa Bathala ng Kamatayan

"Ito ba ang hinahanap mo?"tanong naman ng Bathala sa kanya at agad namang niluwa ng Alagang Dragon nito ang ulo ng Bathala ng Kamatayan na kinagulat at kinaatras nito ng makita ito

"Pinatay mo ang Mahal ko!!"sigaw naman ng kasintahan ng Bathala habang nakagapos ng kadena kaya naman agad itong pinakawalan ng Bathala ng Liwanag

"Patayin mo ang Bathalang iyan!!"pasigaw na utos nito

Tumakbo namang sumugod si Nexus rito upang sugurin ang Bathala

Agad namang bumaba sa alagang dragon nito ang Bathala ng Kagandahan

Ng papalapit na si Nexus rito ay bigla namang tinanggal nito ang takip sa kanyang mukha at biglang nagliwanag ito ng nakakasilaw na halos wala kanang makita sa subrang lakas ng liwanag nito kahit na mag takip kapa ng mata ay tumatagos parin ang liwanag ng Kagandahan nito

"AHHH!!"sigaw ng bathala ng liwanag ng biglang daganan siya nito ng Dragon ng Bathala ng Kagandahan

Ng mawala na ang nakakasilaw na liwanag ay dahan-dahan namang lumapit rito sa kanya ang Bathala ng Kagandahan

Tumambad sa kanya ang Kagandahan walang kapantay sa lahat ng mga Bagay sa Mundo o kahit kapangyarihan man ng lahat ay hindi kayang tumbasan ito

Kita naman nito sa di kalayuan na nakatayong walang malay ang kasintahan ng Bathala ng Kamatayan na si Nexus

The Lost Spirit of Distraction GoddessWhere stories live. Discover now