3rd Year College Lesly
"Love letter ulit, Miss Romantiko." Pangungulit ng 'Bestfriend' ko habang kumakain sila at nagsusulat ako.
Nagkataon ngang pare-parehas kami ng break time pero ako, imbis na kumain, inuuna ko pa ang 'love letter'! Valentines kasi ngayon at hindi puwedeng wala akong ibigay sakanya, hearts day kaya!
"Puwede ba, tigilan mo ako. Kayo kasi, kung sino-sino lang kinakausap niyo riyan, ewan ko ba sainyo." Busy pa rin ako, at hindi sila matuonan ng atensyon. Malapit na ang uwian at kailangan ko siyang yayain mag-date kahit sa beach lang na malapit dito, favorite niya kasing pinupuntahan ang Beach, sabi ng Mama niya.
Pero red theme ang Valentines day...
Lagyan ko kaya ng food coloring na red 'yong tubig-baybay? Para naman patok sa Valentines 'di ba? Pero okay na 'yon, blue naman ang favorite color namin.
"Grabe ka naman! Wala na talaga ngayon, promise." Tinignan ko siya at umirap, hindi ko rin tinanggap ang 'pinky promise' niya dahil ilang beses na niyang sinasabi 'yon.
"Hindi na sa'kin, may date na ako 'e." Bumaling naman ako sa katabi kong ayos nang ayos ng buhok niya, baka kalbuhin na nga siya 'e 'yon lang ang ginagawa niya.
"Oo na, naniniwala na ako sa mga kasinungalingan niyo." Binalik ko na ulit ang atensiyon ko sa sinusulat ko at isinulat ang pangalan ko tsaka ko tinupi at nilagyan ng sticker na isda sa harap, signature ko 'yon!
Hinalikan ko 'yon bago ibinulsa, para isahang hila nalang!
Mamayang 3 pa ang tapos ng klase ko, buti nga at maaga ang uwi ko ngayon at hindi natapat sa 6 PM class! Ano nalang aabutan namin ni Clive sa dagat? Buhangin? Hindi nga umiilaw ang mga 'yon 'e!
Ngayon ko na-realize na hindi pala talaga masaya ang pagiging College Student. Lalo na at nursing ang kurso ko, Pedia. Si Clive naman, Surgeon, kaya malayo pa rin siya sa akin kahit parehas kaming Medical Students.
"Everlest! Tara na, labas na tayo, gutom na ako! Hindi pa 'ata tapos ang klase ng Clive mo." Tinaasan ko ng kilay si Lane nang pinaalis niya si Dylan sa tabi ko at nag-chika pa talaga, 'e may instructor sa harap!
"Malapit nang matapos 'to, ang OA mo naman. Mamaya ka na nga." Hindi ko na siya pinansin at nag-focus na sa instructor naming nagsasalita sa harapan. Ang kulit talaga ni Rissa, hindi na lang sa labas naghintay! Natulog pa talaga sa tabi namin!
"Ano? Sasama na naman kayo sa'min? Huwag na." Sabi ko kay Dylan nang mapansing tinitignan niya ang naka-dumong na Lane sa lamesa. Hindi pa namin siya ginigising, kakatapos lang din naman ng klase.
"Sasabay lang, pero sa bahay kami pupunta. We're going to the US next week, doon na kami ng pamilya ko. I don't even know how to tell her, actually." His voice were low as he told me all of those. Ayaw niya kasing umamin kay Lane, natatakot daw siya.
"Ang duwag mo naman kasi." Totoo 'yon, maraming beses na siyang may ginawang confession letter kaso laging naiiwan sa bag niya. Hayst.
"I just like her so much, it's hard to express to he---" He was caught off when someone abruptly spoke.
"Oy! Lover boy, hindi mo sinasabi sa'kin 'yan ah!" Sabi ni Lane bago humikab, sa harap pa talaga namin, kitang-kita ko 'yong gilagid niya.
"Tara na nga, hihintayin ko pa si Clive." Nauna na akong maglakad, bahala sila kung sasama ba sila o hindi.
I looked at my wrist watch as I was walking, concsious of the time. 3:20 na, 'e baka nauna pa siyang umuwi.
Tumakbo na ako noong malapit na ako sa department nila. Nakasalubong ko si Erpat, si Patrick. Bestfriend ko!
"Clive?" Tanong niya kaagad kaya tumango ako at nginitian siya ng kaunti habang hawak ang papel na ibibigay ko sakanya.
"Umuwi na, kanina pa 'atang alas-dos. Hindi ba nasabi sa'yo?" Takang tanong niya kaya napakunot ako kasi wala naman siyang sinabi.
"Ay, ganon ba? Sige, salamat." Ngumiti ako at aalis na sana nang may ilahad siya sa harapan ko.
"Oh ito, green flower kasi mabantot ka. Paki-bigay kay Lane itong red, maganda siya." Sabi pa niya, tinignan ko siya na parang nandidiri. Ang arte nito, may codings pa talaga.
Medyo kumulit na si Patrick nung nag-college kami, lalo na ngayong third year. Nakakapanibago nga kasi hindi naman siya ganito noon, pero kahit ano pang personality niya, mahal ko siya, as a friend!
"Kapal ng mukha mo, Shrek." Inirapan ko siya at umalis na, hawak ang dalawang rosas. Baka naglalakad palang si Clive, kaya pa 'to! Hindi pwedeng hindi ko maibigay 'to.
As expected, nakita ko sina Lane at Dylan sa isang flower shop, nag-aamoy. Kaya pala hindi na talaga sila sumabay, okay na rin 'yon.
Lumapit pa rin ako sakanila, sakaling nakita nila si Clive.
"Lane, Dylan. Nakita niyo si Clive? Maaga pala siyang umuwi." Umaasang tanong ko, kapag kasi maaga ang uwi non ay tumatambay muna sa katapat na shop nitong flower shop, pero wala naman siya roon.
"He was with Allysa, in that study café." Sabi ni Dylan at itinuro ang Café. Nakalimutan ko na kung sino si Allysa pero nabanggit na ni Clive sa'kin.
"Hala ka! Baka may iba na 'yon!" Pangungulit kaagad ni Lane nang mapansin ang mood ko, pero hindi muna ako nag-iisip ng kung ano-ano.
"Wala namang kami ah. Kayo ba? Mayroon bang kayo noong iniyakan mo? 'Di ba wala?" Walang emosyon kong sumbat sakanya, napaawang ang labi niya at umirap bago bumalik sa pwesto nila kanina ni Dylan.
Lumayo muna ako at tumabi sa gilid para tawagan si Clive. Palubog na ang araw! Naiinis na ako!
Nag-ring ang phone at sinagot naman niya kaagad.
[Clive, nasaan ka?] Bungad ko kaagad. Nakangiti pa ako dahil excited na akong ibigay 'tong letter sakanya.
[Sa beach...] My smiled dropped as I heard his low, uncomfortable tone in my ears.
I immediately ran, malapit lang naman 'yon mula rito. Nag-aalala na ako sakanya, palagi naman siyang masigla 'e.
I was panting, looking around at the beach, looking for him. And when I saw him sitting on the wooden bench near the seashore, I ran.
"Clive." I called out when I was already infront of him. "Why? What's wrong?" I frantically asked when he didn't answer.
He looked up to me, his eyes were flooded with tears as his cheeks were wet from the tears streaming down, nonstop.
He didn't say anything so I just went in and hugged him, yumakap din siya kaagad sa'kin at humihikbi.
"Mom and Dad are divorced. Without even asking us. Lest, I can't deal with this. They've kept it a secret since last year, they were with us for the sake of showing us that we were fine, and it hurts me even more." He cried even more and I immediately felt a tear on my cheeks.
"I'm sorry, Clive. I'm sorry." Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko, gusto ko na lang makiiyak sakanya pero siya ang nangangailangan ng suporta ngayon.
"I don't..." Hindi niya matuloy ang sinasabi niya dahil hindi niya mapigilang humikbi.
"You don't need to speak, I understand, everything. It's not okay but It's going to be, alright.. " I slid back the hair strand on his face and made him look at me with my two hands.
"Hindi ka okay, kaya ibuhos mo lang ang nararamdaman mo." I wiped his tears and hugged him.
BINABASA MO ANG
Blue Letters Written in Waves - Cs7
RomanceDo you think we're alike? Well I believe that true love exists, I believe that waiting is worth it. I bet you also admire someone, who you think hates you. Well yeah, you're not wrong to think that I like someone who is seriously had enough of my l...