Chapter 2

5 0 0
                                    

“EVERYTHING is set?” malumanay na tanong ni Carter habang tinitingnan nito ang gamit nila sa loob ng kanilang sasakyan na Van.

Lumabas naman si Lexter mula sasakyan at tiningnan lahat ng myembro.

“Okay na kami.” Sagot ni Isagani habang inaayos ang kanyang bag.

“Nagdala ka ba ng pangpahid dyan sa rayuma mo?” birong tanong ni Homer.

Agad na umismik si Isagani at akmang sasapukin si Homer nguti umiwas ito.

“Wag kang magpapahabol sakin!” asar na sabi ni Isagani

“Malamang naman. Baka sumakit kasukasuan mo ako pa ang may kasalanan HAHAHA” malakas na tawa ni Homer.

“Di ba iba ang mission nyo? Bakit dito kayo sasakay?” tanong ni Mia kila Isagani

“Ah, nakaugalian lang namin na sabay sabay kami pupunta sa mission or ihahatid kami sa lugar na kung saan magaganap ang mission.” Sagot ni Isagani sa kanya.

Napatango lamang si Mia sa sagot ni Isagani. Ang weird nila, sabi ni Mia sa kanyang isip.

Lumingon sya sa paligid. Pero hindi nya mahigalap si James. Ito na lang ang kulang para makaalis na sila.

“Wala pa si James. Kanina pa wala. Nasaan ba yun?” tanong ni Mia at tinawanan ito ni Homer.

Nagtaka naman sya sa inakto ni Homer.

“Kagabi pa wala yun. Nauna na sya sa mission” nakangiting sabi ni Lexter sa kanya.

“Tara na. Sa passenger seat ka na umupo. Usually si Isagani ang nandyan pero dyan ka na umupo” sabi ni Lexter at sumakay na ulit ito sa Van.

Sumakay na rin si Mia sa passenger seat. Nang makasakay na ang lahat nagsimula na si Carter magmaneho.

“So, Ivy, bakit ka sumali sa organization namin? Madami din dyang iba. Bakit sa organization ka namin sumali?” puno ng  curiosity na tanong ni Isagani na nasa likuran lang nya.

“Because my father was an agent. He used to train me back then. He was the one who taught me everything about being an agent. And he is my reason why I’m here. I choose here because he said it with no reason at all” sagot ni Ivy habang tumitingin sa mga evidences na hawak nya.

“Nice answer. What about you? Anong rason mo? Wala ka bang ibang rason kung bakit ka nandito? Hindi dahil sa sinabi ng father mo? Hindi ba ako kasama sa rason mo kung bakit ka nandito?” puno na tanong ni Homer.

“Asa ka, dud!” biro ni Lexter

“Si Papa lang talaga ang rason ko” nakangiti sabi ni Mia

“Tama na yan, Homer. Napakababaero mo talaga” sabi ni Carter habang nagda-drive

“Nagbibiro lang eh” nakasimangot na reklamo ni Homer.

Tinawanan lang ito ni Isagani. Wala namang reaksyon si Euclid na nasa likod ng Van na sinasakyan nila.

“Saan ba kayo, hyung?” tanong ni Carter

“Dito na lang” sagot ni Isagani

Agad namang tumigil si Carter para makababa ng Van sila Isagani.

“Okay, we’re here. Ingat kayo” sabi ni Isagani

“See you later” sabi ni Carter.

Magkakasama sila Isagani, Homer, at Euclid sa isa na namang mission.

“Yeah. See you later” sabi ni Isagani

“Date tayo pagkatapos ng mission, Ivy” sabi ni Homer at kinawayan pa sya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UndercoverWhere stories live. Discover now