Prologue

4 0 0
                                    


"IT WILL NEVER CHANGE, ME AND YOU".

 After I sang the last part of the song ay nakita ko na ang mga customers na nagpapalakpakan sa amin. I miss this, I miss singing infront of everyone, being appreciated by people, ang sarap sa pakiramdam. "Thank you so much everyone for staying, we are so happy that you like our performance tonight but it's time for us to say goodbye. Again, this is STELLAR and I hope that you enjoy the rest of the night." Nag paalam na agad kami sa mga tao dahil tapos na rin ang last set namin. Marami din kaming naihandang songs dahil malaki ang inoffer sa banda na labis naman namin ikinatuwang lahat. Ako ang vocalist ng grupo ngayong gabi dahil hindi naka attend si Bry, masakit daw yung lalamunan. Okay na rin to kasi may income pa rin naman ako, sakto kasi day off ko ngayon sa cafe kung san ako nagtatrabaho. 

"Celene, ito pala yung share sa gig kanina. Dinagdagan na namin yung sayo, pasasalamat na rin sa pagsalo mo sa banda. Kung hindi dahil sayo hindi kami makakatugtog alam mo ba yon?" pasigaw na sabi ni Gio sakin. Ang OA naman, kaya naman kumanta ni Cole, yung bahista ng banda, gusto lang nila talaga akong makasama ulit. charizz
 Nagpasalamat nalang muna ako bago ko binilang yung pera. Grabe instant 5k ako ngayong gabi. Sino ba naman ang hindi matutuwa? Hindi mo kayang kitain to sa loob ng isang araw, este sa loob ng ilang oras lang, unless maganda na talaga ang trabaho mo, pero para sa akin na magsisimula palang sa kolehiyo, hindi pa ako ganon ka privileged para makakuha ng trabahong may malaking sahod. 

" Bakit ba kasi hindi ka nalang bumalik ulit sa banda namin Celene? hindi mo ba alam na malaking kawalan ka sa grupo? Paano ka ba namin mapipilit? Bumalik ka na pleaseee!" pagmamakaawa sakin ni Leandro, drummer ng banda.  "Hindi pwede, alam niyo naman yung dahilan diba? tsaka kayo lang din mahihirapan sakin sige kayo,  mauna na ako, may pupuntahan pa ako. Byeee!" Agad akong lumabas ng bar pagkatapos kong magpaalam sa kanila. Alam kong hahaba pa ang usapan kapag nagtagal pa ako roon. Isa pa may isa pa akong part time ngayon, nagkataon kasi na kailangan umalis ng may ari nung malapit na convenience store sa bahay namin, dahil 24/7 yun, hindi siya pwedeng isarado kaya nakiusap na muna sakin si ate Jo na bantayan muna. Tiwala naman siya sa akin dahil matagal na niya akong kilala. 

" Oh Celene, medyo maaga ka ha, alas dose palang, alas dos pa naman ako aalis." bungad sa akin ni ate Jo. "Maaga naman po natapos yung gig kaya dumiretso na ako dito." sabat ko naman sa kanya. Maging si ate Jo ay suportado ako sa pagkanta. Kaya hindi ko mawari kung bakit nagagawa ng ibang taong suportahan ako pero hindi ng aking magulang. Grade 8 ako nang malaman nilang sumali ako sa banda, alam kong menor de edad ako nun pero hindi yon ang naging isyu sakin ng mama ko. Ang sabi niya ay wala daw kwenta yung ginagawa ko at hindi magtatagal ay magiging pabigat lang din daw ako sa pamilya kung ipagpipilitan ko pa yung gusto kong gawin. Masakit man sakin, pero inisip ko nalang na baka may gusto lang ang nanay ko para sakin. Baka gusto lang niyang may marating ako sa buhay at hindi makakatulong sa akin ang pagtutugtog sa banda. Iyon ang dahilan ng pagbitaw ko sa STELLAR, ang bandang ako rin mismo ang nagpangalan. Natutuwa ako kung paano nag i-stand out ang banda sa tuwing nag peperform kami, kaya tulad ng mga bituin sa langit, pakiramdam ko ay isa rin kami sa nagbibigay ng buhay sa mga lugar kung san kami tumutugtog. 

"Miss, tutulala ka nalang ba dyan? hindi mo ba ipupunch yung order ko?" baling sakin ng isang impaktang nanggugulo nanaman sa tindahan.
"Gusto mo ikaw ipunch ko? sa mukha nga lang" banat ko naman sa kanya
" Aba miss, baka nakakalimutan mo kung sino akoo!" sigaw niya sakin 
" Bakit sino ka ba?" 
" Ako lang naman ang dyosang bestfriend moooo!" hiyaw niya. Madaling araw na pero yung energy niya talo pa rin ang battery ng cellphone mo. 


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Melodies of the Moon (ONGOING)Where stories live. Discover now