Kung Nauna Lang Ako ...

30 2 0
                                    

Patay na patay ako sa kanya. Sa tuwing dadaan sya sa harap ko para bang naglalakad sya sa altar at sa mismong kasal namin haha xD Langit sya, Lupa lang ako. Ang ganda nya sobra. Tipo ng babae na ang hirap lapitan dahil alikabok ka lang sa paningin nya pero iba pala sya.. akala ko suplada sya yun pala ang sarap nyang kausap, simpleng maganda at dahil dun lalo akong umibig sa kanya. Pero biglang may pumasok sa maganda naming pag sasamahan na sobrang pinang hihinayangan ko. Magbabago kaya ang takbo ng kwento namin kung nauna lang ako? ...

4th year highschool tayo ng una tayong nagkakilala pero alam mo ba Ciara? 1st year pa lang tayo.. Kilalang kilala na kita. Syempre stalker mo ko ay hindi.. ang panget pakinggan kaya admirer mo ko. Sobrang saya ko ngayon dahil sabay nanaman tayong uuwi. Yan naman ang palagi nating ginagawa. Sabay tayong gagawa ng assignment, sabay tayong kakain kapag breaktime, tayo palaging mag kausap at sabay tayong umuuwi. Syempre ayokong mapahamak ang babaeng minamahal ko. Gustong gusto ko sa tuwing kinakantahan kita ng mga favorite songs mo kasi nasisilayan ko yung mga ngiti mong sakin lang pinapakita. Palagi mo kong sinasabihan na special ako sa buhay mo na sobrang ikinatutuwa ko.Hindi pa rin ako maka paniwala na yung dating babae na pinapangarap ko eh kaharap ko na ngayon. Araw araw kong kinakausap ang sarili ko kung aaminin ko na ba sayo ang feelings ko para sayo pero naglalaban ang puso at utak ko ... parang ganito oh,

Heart: Hoy Luke! aminin mo na ang nararamdaman mo para kay Ciara para maging masaya ka naman. Paano kung mahal ka na rin pala nya?

Brain: Wag mong aminin.. Paano kung kaibigan lang pala ang tingin nya sayo edi sayang ang paghihirap mo para lang mapansin ka nya at sayang lang ang friendship na iniingatan mo?

Haaaaaay! Tama na. Basta masaya na ako na ganito tayo.. Bahala na si Batman.

Tapos dumating yung araw na tinanong mo ko kung ano ka ba sa buhay ko? Nabigla ako kaya ang nasagot ko lang ay bestfriend.. Tanga diba? Katorpehan ko lumabas nanaman. sorry!

Simula noon parang lumayo ka na sa akin. Hindi na tayo madalas magusap pati na rin sa pag uwi ... Nasaktan ka ba sa sinabi ko? Mahal mo na rin ba ako kaya ka umiiwas?

May bagong transferee sa school. Ang malupit pa, classmate natin sya. Naiinis ako. Bakit? dahil halata namang gusto ka nya. Nagpapa cute pa ang loko. Sino ba naman ako? wala akong laban sa mala adonnis nyang mukha at sa dami nyang fans dahil nga famous daw sya!!

Ayoko ng ganito. Ok naman tayo kapag nag uusap pero hindi na katulad ng dati.. parang may kulang.

Isang araw nag open ka sakin ng mga nangyayari sayo kasi lately hindi na rin tayo nakapag uusap dahil busy tayo para sa graduation. Kwinento mo sa akin na masaya kasama si Kyle yung transferee at yung taong mahal mo. Tinanong kita kung bakit hindi mo nasabi sakin yan dati ang sagot mo lang private kaya mo kinekwento ngayon dahil malapit na rin ang graduation. Ang unfair mo. Yun na nga, may mahal ka pero hindi ka naman mahal dahil kaibigan lang ang tingin nya sayo. Pareho pala tayo ng nararanasan pero teka paano ko masasabing hindi moko mahal kung hindi ko pa naitatanong? may pag asa ba o hanggang kaibigan na lang? aamin na ko sa graduation natin.


Lumipas ang araw at graduation na natin . Andito tayo sa likod ng building kasi sobrang daming tao sa school. Aamin na ko.. Ipagtatapat ko na ang nararamdaman ko na inipon ko sa matagal na panahon.

"Hoy! Luke ano ba sasabihin mo at dito pa sa likod ng building?"

"Gusto ko lang sabihin na mahal kita. Dati pa lang nabihag mo na ang puso ko. Ikaw ang babaeng gusto ko makasama habang buhay.. Nung tinanong moko kung ano ka ba sa buhay ko, ang sabi ko bestfriend lang pero ang totoo.. Special ka sa buhay ko kasi mahal na mahal kita. Na torpe lang ako noon kasi natatakot ako na baka hindi mo ko mahal at mapahiya lang. Kaya ngayon, Ciara? may pagasa ba akong makapasok sa buhay mo hindi lang kaibigan kundi maging kabiyak mo habang buhay?"

"Minahal kita pero kung mas maaga mong sinabi ang nararamdaman mo at kung hindi ka nagsinungaling sa tanong ko sayo baka siguro masaya na tayong dalawa ngayon. Alam mo ba Luke na nasaktan ako sa sagot mo noon kasi ako? mahal na kita noon kaya pinili kong iwasan ka para hindi na ako masaktan pa lalo hanggang sa dumating sa buhay ko si Kyle. Alam nya ang lahat kaya tinulungan nya akong makalimutan ka at habang tumatagal pinaramdam nya sakin ang pagmamahal na hinahanap ko sayo. Nag tapat si Kyle na mahal nya ako at ako naman, nahuhulog na rin ako sa kanya kaya sinagot ko sya. Kaming dalawa na ni Kyle. Siguro hindi lang talaga tayo ang nakatakda na magsama. Mahal kita noon pero mahal ko sya ngayon."

"Ang sakit pero tama sya. Kung naging matapang lang akong harapin ang kahihinatnan ng pagamin ko sa kanya. Siguro nga kami ang magkasama ngayon at hindi si Kyle. Kung nauna lang akong mag tapat ng nararamdaman para sayo, hindi sana magiging ganito ang ending natin. Kung nauna lang ako ...


A/N: Salamat sa pagbabasa :) Sa may napangitan sa flow ng kwento, Sorry po!! at sa mga naka appreciate kahit papaano.. Salamat dahil kayo ang dahilan sa patuloy kong pagsulat ng mga kwento ♡

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Kung Nauna Lang Ako"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon