HIM

180 4 5
                                    

"Ikaw nanaman?! You're following me don't you?!" Naiirita kong tanong sa kanya.

"No, I'm not " Umuling-iling siya tapos sinimulan niyang kumain.

Sa tingin naman niya kombinsido ako dun? Panong hindi eh, Nameet ko siya kahapon. Seatmate ko siya. Tapos ngayon, nasa iisang table pa talaga kami?! He's a stalker! Naaw. Mali. Mali. Alam kong gwapo siya pero ... shit? Alam niyo naman yung ginawa niya diba? Hinalikan niya ko! At nakaw lang yun! Ang masaklap pa, in PUBLIC PLACE! Pwede namang sa Private eh diba? Eww. Syempre, Joke lang yun!

"At anong ginagawa mo dito aber? Bakit dito ka pa umupo?" Tanong ko ulit. Nag pipigil lang ako ng inis ko, sa totoo lang gusto ko na siyang sakalin!

"Sabi ko nga diba? Wala ng ibang table. Puno 'tong Canteen. First day of school eh." Diretcho naman niyang sagot. Para namang wala siyang atraso sakin nuhh?

"Okay FINE!'' Nag pout ako. Sakto namang dating ni Lady Nerd.

"H-heto po Miss Kyushoo. Yu-yung pinabibili nyo. " Nilagay niya sa table ko, I mean NAMIN, yung isang tray.

4 na order ng French fries, 2 drinks, 1 plate spaghetti, and 2 hamburger. - Yan yung binili ni Nerd sakin. Yan rin naman ang madalas kong binibili noong 3rd year pa ko.

''Okay thanks!" Saka ko sinagi yung Nerd. Sign na pwede na siyang umalis. At yun, umalis na nga siya. Bumalik sa table niya.

Nilantakan ko na yung pagkain. As in. The way na kumain ako kahapon, ganun din ngayon.

Hmmmmmm~ Ang sarap talaga! Bakit ganun? Kahit araw araw ko pa tong kainin, di ako nag sasawa. SARAP!

"Di ka nag dadiet?"

Napatigil ako sa pagsubo nun nang marinig kong may nag tanong.

Napatingin naman ako sa Aaron na'to. Tinaasan ko siya ng kilay, as in taas talaga!

At pakelam naman niya sa akin kung nag dadiet ako o hindi aber?!

"PAKELAM MO?" Kumain ulit ako. Pakelam ko sa kanya. Tse.

"Nag tatanong nga lang eh. Kaya mo bang ubusin yan?" This time, nakatingin lang siya sakin, kasi wala na siyang kinakain. Ubos na agad. Ang bilis naman?

"Kaya ko kahit ilang pagkain pa yan. Pwede ba? Tumahimik ka diyan? Kumakain ako eh. Wag kang magulo." Continue ulit. Tsk. Ang laking istorbo talaga nito.

"Di ka naman gutom eh noh?" Tapos nilabas niya yung Cellphone niya saka ....

"Oyy! Ang cute mo oh! Parang kakainin mo pati wrapper ng hamburger! HAHAHAHAHA!"

GOSH! Pigilan niyo ko! Masasapak ko 'to! Promise! Di naman kami ganun ka close para kunan niya ako ng picture habang kumakain! Saka, wala siyang karapatang gawin yun! =______=

"Bwisit ka talaga! Burahin mo yan!" Sigaw ko sa kanya habang pilit na inaagaw yung cellphone. Nakatayo na kami parehas ngayon at nag aagawan. Ang hirap nga eh, kasi medyo alam niyo na ... Yung height koooooooo~ Medyo cute >_______<

"HAHAHAHA. Hindi pwede! Remembrance ko 'to! HAHAHAHA"

PAKSYET. NAIINIS NA TALAGA AKO!

"Akin na sabi yan eh! Saka anong remembrance?! Di tayo close okay?! Wag kang baliw! Akin na yan! *talon* *talon* " Naaawa na ko sa height ko T^TT Wala naman akong kalaban-laban sa height ng sira-ulong ito!

"HAHAHA. Okay lang yan! Para may picture din ako ng babaeng hinalikan ko kahapon!"

-__________________________-"

Napatigil naman ako nun. Parang nawala yung inis ko. Di ko alam kung bakit.

Napatingin din ako sa paligid. Ang tahimik at lahat nanaman naka-tingin samin.

"Anong tinitingin-tingin niyo?!" Saway ko sa kanlia. Nag act naman agad sila, yung normal lang at iniwas ang tingin samin, binalik nila sa kung saan yung atensiyon nila.

"Hey, ito na buburahin ko na. Niloloko lang naman kita eh." Lumapit si Aaron sakin saka ipinakitang binura na nga niya.

Tinignan ko naman siya ng masama.

"Hoy, Aaron Kevin. Hindi ako natutuwa sa mga pinag-gagawa mo. *irap sabay walkout* "

Umalis ako ng Canteen at dumeretcho sa School Garden.

At dahil sinwerte naman ako konti, Walang tao dun.

Umupo ako sa isa sa mga bench, saka binuklat-buklat ang Notebook kong wala namang sulat. Simula pa lang naman kasi ng klase at wala naman akong dapat isulat. Di rin ako mahilig mag take-note. Waste of time lang yun. Pssh. Wala akong magawa sa totoo lang. Naiinis kasi ako. Ewan ko naman kung bakit >___________<

"Sobrang sikat mo na ngayon ah." Boses mula sa likuran ko.

I turned around at nakita ko si ...

"ARTHUR???"

"Yeah it's me. Buti napansin mo ko."

Bigla akong nanginig. No no no no no no no! Not him! Noooo pleeaaaaasseee! TT.TT

My Mother's Step SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon