Sa dulo ng malawak na dagat ay kitang kita ko kung paano magpaalam ang araw, pakonti konting nagdilim ang kalangitan at lumabas ang mga bituin na hinihintay ko.
Gustong gusto kong pinapanood ang bituin dahil naaalala ko ang masakit ngunit napasaya ako na isang pangyayari sa buhay ko.
Pumunta ako sa probinsiya namin sa bicol upang makalimot sa bigong pag ibig na naranasan ko nang makilala ko siya. Isa siyang bakasyunista sa bario namin.
Gaya ngayon nakilala ko siya dahil sa panonood ng bituin. Sa kalagitnaan ng madilim na daan sa bario namin ay naglabas ako ng bangko at umupo doon. Gustong gusto ko ang probinsiya dahil sa tahimik dito at madilim pa kapag sumapit na ang gabi, kaya kitang kita ko ang nagkikislapan na bituin.
Nakatingala lang ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Halos matumba ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat.
"Sorry kung natakot kita." paumanhin niya ng humupa na ang kaba ko. May dala siyang phone at doon kumukuha ng ilaw. Halata sa boses niya na dayo lang siya. Tinignan ko lamang siya bago tumingala muli. "Ang ganda ng stars no? sa manila hindi ko makita yan dahil sobrang liwanag doon. Saan kaya diyan 'yung bituin na hugis saraggola na sinasabi ng kaibigan ko?" Tuloy tuloy na aniya. Tinignan ko siya at gaya ko ay namamangha siyang tumingin sa bituin.
"Taga manila ka din? San ka doon?" Sunod sunod na tanong ko. Tumingin siya sa akin. "Taga manila ka din pala. Sa bandang Libertad ako, ikaw?" Aniya.
Napalunok ako ng makita ko ang mata niya. Para itong bituin na kumikislap sa gabi. "Sa Taft ako." sagot ko sakanya at nag iwas ng tingin.
Tinignan ko siya mula sa gilid ng mata ko, tumango tango siya. "Ako pala si Christian. Ikaw?" sa pagkalataong ito bumaling na akong muli sakanya. "Ella." pakilala ko.
Sa gabi na iyon ay naging magkaibigan kami. Simula noon ay nagkikita kami sa gabi upang sabay manood ng bituin. Kadalasan ay sabay kaming naliligo sa maliit na parang ilog na sulong kung tawagin.
Sa isang linggo na lumipas hindi ko maiwasan na hindi mahulog sakanya. Kapag kasama ko siya ang saya ko. Kapag kasama ko siya nakakalimutan ko ang lahat na parang kaming dalawa lang ang mahalaga. Pero tinago ko ang nararamdaman ko.
Dahil sa loob ng isang linggo ay nagkakilala kami ng maigi. Kasama na doon ang pag kakaalam ko na mayroon siyang girlfriend at mahigit tatlong taon na sila.
Magkasama na naman kami ngayong gabi pero hindi na katulad ng kahapon na puro saya. Kapag tinignan ko siya kumikislot na ang puso ko sa isipin na hindi pwedeng maging akin siya dahil pag aari na siya ng ibang babae.
Nakatingin ako sa bituin at hinahanggaan iyon. Nang tumingin ako kay Christian ay nakatingin na siya sa akin. Napansin ko na naman ang pagkislap ng mata niya. Ngumiti ako. "Tian, Ang ganda ng mata mo. parang bituin kung kumislap." wika ko. "Talaga? alam mo ba kung bakit ganyan ang kislap niyan?" umiling ako sa tanong niya.
"Dahil sayo." natahimik ako sa sinabi niya. Nakatitig lang ako sa mata niya na patuloy sa pagkislap ng kakaiba. Ang mata niya na kumikislap sa sinseridad at isang bagay na ayaw kong pangalanan dahil baka mali ako.
Dahil baka masaktan lang ako.Inangat niya ang palad niya at hinaplos ang pisngi ko. Pagkatapos ay inabot ng hinlalaki niya ang labi ko. Bigla kong nahigit at paghinga ko, naramdaman ko ang pagtibok ng malakas ng puso ko sa dibdib ko at biglang may nagkagulo na kung ano sa sikmura ko.
Pakonti konti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko at ilang sandali lang ay pinaglapat niya ang mga labi namin. Nang makadampi ang labi niya sa labi ko ay inalis niya din agad iyon at tinignan ako bago hinalikang muli. Iginalaw niya ang labi niya sa ibabaw ng labi ko. Bawat pag galaw noon ay isa lang ang nasa isip ko. Ang girlfriend niya.
Pinutol ko ang halik at nag iwas ako ng tingin. "Okay ka lang?" nag aalalang tanong niya. Bahagya akong tumango at yumuko. Naguguluhan sa nangyari. "Hindi ba may girlfriend ka? bakit mo ako hinalikan?" itinanong ko ang tanong na simula ng hinalikan niya ako ay gumugulo na sa isip ko. "Hindi ko alam..." sagot niya.
Tinignan ko siya. "Hindi mo alam?" balik tanong ko. "Hindi ko alam. Ewan ko!? naguguluhan ako! Basta ang alam ko gusto kita." Aniya na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Mabilis akong nag iwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay namutla ako at baka makita niya iyon kahit na ang sinag sa buwan at sa mga bituin lang ang nagsisilbing ilaw namin.
Kinagat ko ang labi ko at yumuko. "Hello?" napa angat ako ng tingin at nakita kong nasa tainga niya ang cellphone niya. "Im sorry Abby." aniya. "Sorry kasi nag ka gusto ako sa ibang babae at makikipag hiwalay na ako." sa gabing iyon ay nakipag hiwalay nga siya sa girlfriend niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero ikinasaya ko ang pakikipaghiwalay niya sa girlfriend niya. Nakakapagtaka dahil ipagpapalit niya ang mahigit tatlong taon na relasyon nila para sa akin na kakakilala pa lang niya. Hindi kaya malalim na din ang nararamdaman niya sa akin?
Naging kami pagkatapos ng isang linggo at hanggang sa makabalik sa manila ay magkasama na kami.
Nang mag isang taon kami ay nag disisyon siyang ipakilala ako sa magulang niya.
Habang nasa sala nila ay kinakabahan ako. "Ma tawag ka ni kuya." sigaw ng nakababatang kapatid ni Christian.
Napatingin ako sa hagdan nila ng makita ko ang paa ng isang babae na patuloy na bumababa. Sobrang kalabog ng puso ko. Hanggang sa ang paa ay naging buong katawan na. Pinagmasdan ko ang mukha ng mama niya hanggang sa makilala ko siya. Nanlaki ang mata ko ng maalala kong siya ang ipinakilala sakin ng lola ko na asawa ng pinsan niya.
Naglandas ang luha ko sa alalang iyon. Tumingala ako para bumalik ang luha ko pero walang nagawa iyon kaya pinanood ko na lamang ang langit habang konti konting nawawala ang bituin at nagiging pula iyon.
Bumagsak ang ulan at isa isang nawala ang mga tao sa sea side. Dahan dahan akong tumayo at pinahid ang luha ko bago nilisan ang lugar na iyon.
Sa naranasan ko na iyon habang buhay pala talagang hindi ka pwedeng masaya lang dahil kaakibat lagi ng saya ang sakit.
Pumara ako ng taxi at sumulyap sa langit bago ako sumakay doon.
Habang buhay kong maaalala ang pangyayari na iyon. Ang pag ibig na pinasaya ako ngunit binigyan ako ng labis labis na sakit.
Ang pag ibig na sa simula palang ay bawal na. Ang pag ibig na hinding hindi para sa akin. Ang kislap ng mata niya na para sa akin man aniya, pero bawal.
----
July 7, 2015
9:54 A.MMyka Baladjay
