Chapter 44 --

107 2 2
                                    

Alex's POV:

"AL! DALIAN MO! Naghihintay si Zach!" sigaw ni kuya na nasa baba.

"ITO NA! BABABA NA!!" sigaw ko pabalik.

Ang aga-aga, ang ingay na agad sa bahay. Tsk. Kinuha ko na yung pinakamaliit kong bag tapos patakbong bumaba na.

I kissed Kuya Pao's cheeks, "Bye kuya!" hinatak ko na si Zach "Let's go."

"BYE."

Lumabas na kami. He opened the door for me. Sumakay na ako. Tapos sumunod na din sya.

"Relax lang chi," sabi ni Zach hbang nagdidrive.

"Baka kasi malate ta-"

"Alex, di tayo malalate," tumingin sya saken "Two hours pa bago magstart ang class."

Nagsigh ako, "Sabi ko nga."

Finals kasi namin ngayon. Hindi kami pwedeng malate. Sobrang dami na kasi naming absences eh.

Pagkatapos ng exam, summer na. Aayusin ko na muna yung magulo kong lovelife.

"Anong nasa isip mo?"

Napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin nya hbang nagdidrive.

Haay.

Umiling ako, "Wala. Pressured lang siguro sa exam."

Exams muna ang iisipin ko ngayon. Tsaka na ang lovelife. Kaya ko namang mabuhay ng wala yan eh.

Kaya ko nga ba? Kaya ko bang mabuhay ng wala si Zach? O si .. Chace?

/ROOM/

Binigay na samin yung mga test papers. Pencil ang kelangan kasi shading yung way ng pagsasagot.

I opened my bag. Hinanap ko yung pencil ko. Nakaipit sguro sa notebook ko. Wala sa pouch eh.

Nagsimula na akong magpanic nung wala akong makita. Kulang nlang ihulog ko lahat ng gamit sa loob ng bag.

Asan na ba yun?!

"Alex," bulong ni Zach saken.

"Chi .. wala akong pencil."

"Bumili tayo khapon, diba?"

"Ewan .. naiwan ko yata! TT^TT"

Naiiyak na ako. Nasaan na ba yun?!

"HERE. Use mine."

"Paano ka?"

Ang alam ko, wala syang extra eh. Dalawa lang binili namin eh.

"Hayaan mo na ako. Ikaw nlang ang magtest."

"Zach! Magiging repeater ka pag nagkataon!"

Pinipilit nyang kunin ko yung lapis pero di ko sya pinapansin.

Paano ba 'to? Nakakainis naman. Malas!

Napansin yata kami nila Goy. Pati si Yui at Dash. Sumenyas sila na wala din silang extra.

Punyemas.

"Lexy,"

Lumingon ako agad sa likod. Si Chace! *0*

"May extra ako. Ito nalang gamitin mo."

Pinaabot nya sa isa naming blockmate yung pencil.

Pagkakuha ko sa pencil, nag-thank you agad ako sa kanya.

Umayos na ako ng upo. Magsasagot na sana ako nang biglang kunin ni Zach yung lapis ni Chace. Tapos binigay nya sa akin yung kanya.

Whatever. Hinayaan ko nlang sya. Pareho lang namang lapis 'to eh.

FX Love Story.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon