Prologue

12 0 0
                                    


Blood. There's blood all over my body.  But I'm not hurt. I don't even feel any pain. 

My body was beyond exhausted, I can see it but I can't feel it. Kanina pa ako tumatakbo at nagtatago. I was running for my life. Sa loob ng isang mansyon na hindi ko pa napuntahan sa buong buhay ko. 

Hindi ko na matandaan kung gaano na katagal. Minutes? Hours? Tila naging magulo na ang oras habang ang mga anino sa paligid ko ay humahaba, gumagalaw, parang gusto akong lamunin ng mga ito.

Hindi ako pamilyar sa lugar, pero tila alam ng mga paa ko kung saan ang dapat puntahan. 

It's coming. I have no idea who it was. But it's close.

Naririnig ko ang mga yabag niya sa likod ko, mabilis, malakas, palapit nang palapit. Nagwawala ang puso ko sa kaba, pero sa kabila ng lahat, walang takot. Parang malayo, manhid ang utak ko. Gusto ko lang tumakbo.

"Celestina!" isang boses ang umalingawngaw sa tabi ko, boses ng isang lalaki—hindi ko siya kilala. Ngayon ko lang naalala, kasama ko siya sa pagtakbo at pagtago. 

Hinila niya ako palayo mula sa isang madilim na sulok ng mansyon. Pumasok kami sa isang kwarto, ang mga dingding ay nakababalot sa lumang papel at ang ilaw ay mahina, nagbigay liwanag sa masalimuot na mga anino. Naghanap ako ng mga paraan para tumakas, pero ang isip ko ay nalilito. 

"Hindi ko naitago ang mga dokumento. Hindi ko na-abisuhan ang mga empleyado na..." Hindi ko alam kung anong sinasabi ko. Naputol ang pagsasalita ko nang hinawakan niya ang kamay ko. Ang takot ay nag-uumapaw sa aking boses, pero wala akong maramdaman. Para bang ang lahat ng ito ay isang masalimuot na pagkakamali.

 "Hindi mawawala sa atin ang hacienda." 

Naramdaman ko ang pag tulo ng luha sa aking mata at panginginig ng mga kamay ko. The man beside me, reassuring me that everything will be all right, was holding me tight. His dazzling eyes were enough to comfort me. That he's there. That he won't be going anywhere. I suddenly felt shiver. It's like a familiar feeling. 

"Confía en mí," he said, ang tinig niya ay kalmado at tiyak. Para bang ang mga salitang iyon ay isang sumpa na nagbigay-diin sa hindi tiyak na hinaharap.

But things are bound to go down. The door busted open. And I heard a scream. It was me. 

My vision became blurry. Baka dahil sa pagbuhos ng mga luha sa mata ko. Pero wala na akong maintindihan sa nangyayari. All I can see is a distorted image of the room. But I can still hear the screams—resentful screams, fearful screams. 

Ang mga boses ay nagiging mas malakas, naglalakbay sa aking isip, bawat tunog ay parang isang piraso ng masakit na katotohanan na hinahanap ang daan palabas.

I closed my eyes, fighting against the encroaching darkness. I could feel my heart racing, every beat echoing like a war drum in my chest. Preventing myself to pass out, I focused on the rhythm, trying to anchor myself to something real. My breaths were shallow, panic tightening its grip around me.

My whole body was trembling. I want to move, to run, to escape, but my feet were frozen, as if glued to the floor. It felt as if the weight of the world was pressing down on me, heavy and unyielding.

"Celestina!" The voice broke through the chaos, sharp and urgent. .

I opened my eyes. 

At sa pagdilat ng mata ko. Tumahimik ang paligid. Nawala ang mga anino, ang mga sigaw ng takot at galit, at ang kwartong puno ng kaba ay napalitan ng poot at lumbay. 

I saw the man lying on the floor, blood all over him. I rushed onto him, my heart pounding in my chest.

Tears streamed down my face as I shook my head, unable to accept the reality unfolding before me. The crimson stains spread across the floor, a gruesome testament to the violence that had erupted around us.

Hinawakan niya muli ang kamay ko. And for the first time since I've been through this hell hole, I felt scared. 

His hands dropped. 

Beyond the HourglassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon