Chapter 1

3 1 0
                                    

(Chapter 1)

"I'm Jen Fuentes. 17 years old. Nice to meet you all."

Ang mundo ay puno ng misteryo. May mga bagay na kailanman ay hindi natin maipapaliwanag. Kahit anong gawin mo, kung ang bagay na ito'y katakataka't mahirap paniwalaan, mananatili itong misteryo. Tatangayin ng hangin at makakalimutan ng mga tao.

Simula nang magkasakit ako noong bata pa ako, parang may bumukas sa looblooban ko't lumitaw ang isang kakayahan na hanggang ngayon ay pilit kong tinatago.

Ang kakayahan na ito'y isang swerte para kila Lola, pero para sa akin...ito ay isang malaking problema na dala dala ko hanggang sa mawala ako rito sa mundo.

Ganoon din ang tingin ni Mama kaya pinagsabihan niya akong pigilan ko ito. Ngunit ano ba ang magagawa ko? Kung ito mismo ang humahabol sa akin? Kung ito mismo ang sumisiksik sa isip ko?

Pero iyong nangyari kanina...hindi ko maipaliwanag. Kahit isang beses ay hindi pa ako nakakita ng...ganoong bagay.

Para akong binubusan ng malamig na tubig nang makita kong walang babae na duguan sa ilalim. Nanuyo ang lalamunan ko't napatulala. Nanginginig din ang mga daliri kong nakahawak ng mahigpit sa handrail.

Paano nangyari iyon? Totoo ba ang nakita ko?

"Hello? Miss?"

Umihip ang malakas na hangin at biglang umingay ang paligid. Para akong nakabalik sa kasalukuyan nang makarinig na ako ng mga yapak at boses sa kung saan.

Napakurapkurap ako't lumingon sa tabi nang may kumalabit sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang babaeng naiilang na ngumiti sa akin.

Umatras agad ako ng ilang hakbang dahil sa kaba. Halatang nagulat ito sa ginawa ko pero agad din naman siyang ngumiti ulit.

"Hi! Kanina pa kasi kitang napapansin na nakatulala diyan. Malapit na rin mag start ang klase. Anong section ka?" tanong nito.

Hindi ko muna siya agad sinagot dahil tumingin tingin pa ako sa paligid nang mapansin ang mga estudyanteng dumadaan. Marami na palang tao rito. Kita ko rin ang iba na labas pasok sa room nila.

Kailan pa sila dumating? Bakit hindi ko napansin?

"Uh...section A," mahinang sagot ko nang ibinalik ko ang atensyon sa babae.

Napapalakpak siya, "Great! Pareho pala tayo! Ano pang hinihintay mo? Pasok ka na," turo niya sa room na nasa likod niya. Iyon 'yong panghuling classroom, "I'm Donita, by the way! Tabi tayo, ah? If it's okay with you."

Tatanggi na sana ako pero nang makita kong ang tanging bakanteng upuan nalang maliban sa tabi ni Donita ay ang nasa huli, hindi na ako naginarte pa.

Okay lang naman siguro, 'di ba? Wala namang mangyayaring masama...

Ayon nga, dahil unang araw pa lamang, nagpakilala muna kami isa isa. Kagaya ko, bago rin ang homeroom teacher namin na si Sir Victor o Sir Vic. Bata pa rin ito. Siguro nasa mid 20s. Mabait naman ito't palabiro kaya walang problema sa mga kaklase ko 'yon.

Ang iba pa nga'y nagkakagusto sa kaniya. May hitsura naman kasi talaga si Sir Vic. Pati si Donita mukhang nahulog din.

Bigla namang tumahimik ang mga hiyawan nang biglang bumukas ang pinto. Lahat kami napabaling doon.

Umawang ang labi ko nang makita ko ang pamilyar na lalaki sa bukana ng pinto. Nilibot nito ng tingin ang silid at napako sa akin pero bigla rin itong umiwas bago inayos ang salamin niya.

"Mr. Iglesias?" ngumiti si Sir Vic at inilapag ang libro nito sa lamesa.

Tumingin ang lalaki kay Sir Vic ngunit blangko ang mga mata nito bago tumango.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Whispers Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon