"Maurene, saan ka pupunta? Bihis na bihis ka naman?"Napalunok ako nang marinig ko ang boses ng papa ko, akmang palabas pa lamang ako ng bahay.
"Pupunta lang po kila Hazel," tugon ko. Nagpaalam din naman ako, sadyang may times lang na kahit pumayag na sila ay bigla-bigla nila itong babawiin muli.
"Anong meron?" Pinag-krus nito ang kaniyang dibdib.
Bago pa 'ko makasagot ay lumitaw na rin si tita Evelyn sa living area.
"Hi, what's going on here?" Tanong niya nang may ngiti sa kaniyang mga labi. "You look nice, MJ," she complimented me. I smiled in return.
"Aalis na naman 'tong si MJ." Marahang salita ng papa ko.
Bago pa man ako makapag-salita ay sumagot na agad si tita, "Ah, oo. Nagpaalam siya, hon, ah? She messaged us both yesterday. She's going to Hazel's para sa homecoming party ng parents niya,"
I looked at my tita and gave her an assuring look, thanking her.
"Talaga? I didn't know, maybe I forgot," he muttered. "OK, take care. Mag-pahatid ka kay Kuya Caleb."
I'm an only child. I have a really, really strict dad. He has been very overprotective yet really distant to me ever since my mother passed away. He remarried after six years after my mother's death. Hindi naman kaso sa akin 'yon, considering na mabait din naman at mapagmahal si tita Evelyn. She treated me like her own. It's just sad that my father suddenly became like that, aabot pa sa punto na minsan ay nasasakal na rin ako.
Grade 11 ako ng senior high school. I'm a TVL student, an aspiring stewardess in the future. Some of my relatives laughed at me for wanting to be a flight attendant someday, kasi raw, mahiyain naman ako, sneakers-over-stilettos. My cousin once even said, hindi ko nga alam pinagkaiba ng primer sa concealer.
Hindi na mawawala sa mga kamag-anak ko 'yan, talagang mga evil eyes ko sila. Bakit, flight attendant nga 'di ba, me-make-up-an ko ba 'yung pasahero? Hindi naman. Kaya rin siguro sila ganiyan, considering na ako lang ang nag-ibang landas sa angkan ng Sevilla. Each of everyone in our family are businessmen and a part of the Sea Villa Hotel and Restaurant. Ayoko naman niyan, puro office-office.
I wanted to travel the world someday in a way that I enjoy. That's why I chose to be a flight attendant.
"Maurene!"
Hazel. Mukhang ako pa ang bagong balik mula ibang bansa kung makayakap sa akin. Her parents came home in the Philippines after five years. Hindi ko rin alam bakit hindi siya sumama roon, 'e, California na 'yon.
"Asan sila tita? Gusto ko sila makita," I chuckled. Sa video calls ko lang din nakikita sila tita, kasi last year ko lang naman din naging friend si Hazel.
"Nag-aayos pa," she smiled. "Ang ganda mo naman! Anong kinain mo 'te?" Natatawa niyang sinabi.
It was just a simple baby blue knitted sweater and a white mini skirt. I wore a pair of white high-cut Converse shoes and had my hair down with a pear hair clip. I love cozy outfits.
"Ay, alam ko na," tinuro-turo niya ako at tsaka niya inikot ang paningin niya. "Nandito nga pala si Kai. Ha! Ikaw, huh?" Pang-aasar n'ya sa 'kin.
Si Kai? Nandito si Kai? Hindi ko naman alam!
"Aasar ka pa, hindi ko naman alam na nandito si Kai," inirapan ko s'ya.
"Hoy, OA, nandoon kaya sa invitation. Bruha." Sagot niya pa.
"Wala naman akong physical invitation!" Tinawagan lang nila ako noong nag p-plano palang sila para sa homecoming party, hindi ako naka-receive!
"Hindi ka invited," pang-aasar niya. "Sige, balik muna 'ko kila mommy, ah. Si Samantha paparating na rin 'yun, may snack bar kami, hatid kita r'on doon kayo naka-table,"
I chuckled. "Ikaw ah, alam mo talaga hilig namin,"
Hinatid ako roon ni Hazel sa table malapit sa may snack bar. It's really cool, honestly. So many varieties of snacks. May sundae area, may fries and nachos tsaka juices. Mayroon din donuts and cookies. I just took two of those chewy chocolate chip cookies tsaka isang glass ng cucumber juice.
I took out my phone to message my dad and tita Evelyn first to let them know na I'm at the venue already.
"Pahingi naman, miss ganda,"
Nagulat ako nang may mag-salita sa tabi ko. Ang ingay ng music pero nag echo sa 'kin 'yung pag-salita ni Kai.
Napasimangot ako bigla at ibinaba ang cookie sa plato. "Bakit ka nandito?"
Natawa siya. "Dahil party 'to ng kaibigan ng papa ko? Hahaha 'wag kang mag-alala, hindi ikaw ang dinayo ko rito," giit niya na ikinairap ng mga mata ko. Papansin.
"Oh, 'uy, kalma. Tampo ka agad," tawa niya pang muli.
"Alam mo, 'yong cookies ko ang nagtatampo dahil hindi ko na nakain-kain," wika ko.
"Hala, cookies? Mayroon pala niyan, favorite ko 'yan!" Sabi nito na akala mong bata na nakakita ng pagkain.
"Ayan lang, hindi mo pa nakita,"
"Ikaw 'e, kuha mo agad atensyon ko," pambobola niya. "Oh, biro lang! Wait, kukuha rin ako ng akin,"
Inilapag ni Kai ang cellphone niya sa table ko at tsaka lumingon sa snack bar, pero muli itong humarap pa sa akin—"Tabi na tayo ah, wait lang, diyan ka lang," pahabol pa nito.
I took another bite on my chocolate chip cookie as I turned my gaze off of Kai.
Honestly, this guy likes me. I noticed that already during those times na palagi siyang nakatambay sa tapat ng classroom namin na akala mo 'e walang klase. At first, I thought it was his friend na inaantay niya. Hanggang sa nakilala ko siya nang tunay at nalaman kong may dadalawang kaibigan lang pala 'yan.
We became friends after niyang mangutang ng pamasahe sa akin sa jeep, eventually, ako na ang inaantay-antay niya palagi. He did confess, it was wholesome, actually. We have a really unpredictable friendship.
"MJ,"
Kai placed a plate in front of me. It was a cookie sandwich. Ginawa niyang palaman 'yong vanilla ice cream.
"Tikman mo, masarap 'yan," he smiled at me.
"Hindi mo pa nga natitikman," I chuckled.
"Ay, ay. Gusto ata share kami, oh," pang-aasar nito sa akin.
Inirapan ko siya. "Kapag ito hindi masarap," biro ko.
I took a bite. It was nice, hindi ganoon katamis 'yong vanilla ice cream kaya balanced lang 'yong lasa niya especially chewy cookies siya at nag p-pop 'yong chocolate. I liked it. "Nangilo naman ako," I said.
"Ano ba 'yan," pag-nguso pa niya.
"Joke lang. Masarap naman. Thank you,"
We were table-mates the whole afternoon. Si Samantha, hindi naman dumating!
Buti nalang close na rin naman na kami ni Kai. Nakausap ko lang din siya about school, and dogs, and badminton. Pinuntahan din naman kami ni Hazel from time to time.
I also met tito and tita na in person. Mababait sila, no wonder bakit mabait din si Hazel, kahit ba minsan ay medyo extreme siya masyado.
It was almost dark and I had said my good byes kila tita as well as Hazel. Si Kai ay hindi ko na rin mahagilap, kaya napag-desisyunan ko na rin umuwi at baka mapagalitan pa ako ni papa. I took out my phone to message Kuya Caleb, our driver.
"MJ!" Dinig kong tawag sa akin ng hinihingal na Kai.
"Oh, hindi na kita nakita. Pauwi na ako," paalam ko.
"Sorry, nag-labas lang ako," awkward siyang ngumiti. "Nagmadali nga ako baka kasi umalis ka na,"
Natawa ako. "Kadiri naman, Kai,"
"Nag sabon ako maigi, huy! Nag alcohol at wipes pa. Gusto mo buhusan mo na ako alcohol ulit?" He laughs.
"Ay nako, bahala ka. Uuwi na ako, text ko na si kuya Caleb,"
"May motor ako, Mau,"
Napa-kunot-noo ako. "Oh, ingat pauwi," sabi ko nalang.
"May motor ako. Angkas ka, hatid na kita pauwi, Mau," pag-klaro ni Kai, may maliit na ngiti sa kaniyang mga labi.
YOU ARE READING
Reasoning Remedies
RomanceTwo senior high school students, where one is a good follower with a soft heart, while the other is an outgoing rule-breaker, but have the same distinction- inescapable parents, where both require the perfect reason to get away from the consequences...