Chapter 1: Where Fear Meets Excitement

2 0 0
                                    


"Finally magpapa-enroll na ako!" sobrang sayang sabi ko tsaka ako umupo at tsinek ang mga gamit na dala ko kung kumpleto na ba at wala akong naiwan na mga ka-kailanganing mga gamit para sa pagpa-paenroll.
"Kumpleto na," sambit ko tsaka bumaba sa hagdan.
"Ma, alis na po ako!" sigaw ko tsaka pumunta sa tindahan sabay kiss sa kaniyang pisnge.
"'Nak mag-iingat ka ha? Tsaka yung mga bilin ko sa'yo 'wag mong kalimutan at baka maligaw ka sa Davao!" pag-aalala pa ni mama.
"Of course Ma, una magtanong kapag hindi alam kung asan ang daan, ikalawa lumapit sa driver at ihatid sa lugar kung saan ka talaga pupunta, at panghuli tumingin sa dinadaanan. Ayun tandang-tanda ko po ma, hehe," pag-uulit ko pa sa mga bilin niya.
"Oh edi wow, remember mo pala eh. Sige na, magpahatid kana sa kapatid mo papuntang sakayan ng bayan. Basta singkwenta lang ibibigay mo ha! Tapos sa L3 naman kwarenta lang, the rest mag tanong-tanong kana doon. May tiwala ako sa'yo," tugon ni mama.
"Elias!" sigaw ko pa para makaalis na ako.
"Ma, alis na po ako. I love you po," tsaka humalik uli sa pisnge nito at umalis na ako. Wala naman nang sinabi si mama nang pag-alis ko.
*This is it pansit!* sabi ko pa sa utak ko at muli ay sumakay na ng L3 papuntang S&R kung saan ang landmark na pupuntahan ko.
Habang nakasakay ako ay pa peysbuk-peysbuk lang ako since wala akong pang-tiktok. My tummy felt all tied up in knots. I was scared and excited at the same time. Looking out the car window, everything looked new and strange. The trees and houses were different from where I lived. I wanted to know where I was going and if I would like it.
Every time the car turned, my heart would pound. I was worried about getting lost or missing the place I was going to. I kept looking out for something I knew, but there was nothing. Just lots of green trees and roads. My mind was racing, thinking of all the bad things that could happen. I felt alone and scared. I just wanted to be home.
I tried to relax, but it was hard. I kept checking the time, hoping we would get there soon. My body felt tired, but my mind was wide awake. I closed my eyes and tried to think of happy things, but it didn't work. All I could think about was the unknown.
"Diyan lang sa may tabi kuya," biglang sabi ng isang pasahero kaya tumingin muli ako sa bintana ng sasakyan at napagtanto kong andito na ako.
"Kuya S&R na po ba ito?" pagku-kumpirma ko.
(Note: Originally the language that is spoken is Bisaya, however I want my reader to understand it since DABAWENYOS are known bisaya.)
"Oo S&R na ito, bababa ka?" tugon niya.
"Ah opo," tsaka ako dali-daling bumaba.
*Grabe ang init!* bungad kaagad ng utak ko pagbaba ko. Pumunta naman ako kung saan yung tawiran papuntang kabila, inantay ko muna mag walk signal bago ako naglakad tsaka ako tumawid. Nag-antay muli ako ng ilang minuto at tumawid uli at nag-hintay na naman ng masasakyan papuntang campus.
Heto na naman yung pakiramdam na parang lumampas kana sa pupuntahan mo, grrr kainis!
"Kuya, pakihatid po ako sa Ardenvale Academy of Davao," grabe kinompleto ko talaga.

I choose this school because of its nams "Arden" signifies a peaceful, flourishing place, often associated with paradise or spiritual rest. While "Vale" can symbolize humility or a serene, nurturing environment, subtly pointing to Christian values of peace and reflection.

"Ah sige, sampung piso lang." Tugon niya tsaka ako nagbayad. Lumarga naman na si kuya at nag-tingin-tingin lang ako para maging pamilyar din ako sa daan papuntang campus na pag-aaralan ko.

"Dito na po tayo sir," sambit ni kuya tsaka ako bumaba at nagpasalamat sa kaniya.

*Grabe wala akong kilala!! Shettt!* sigaw ko pa sa utak ko at huminga ng malalim tsaka ako lumakad kung saan ang mga studyanteng nagkumpulan.

"Lady Guard, saan po ang unang pipilahan?" tanong ko tsaka naman niya itinuro kung saan ang unang pupuntahan. Medyo konti lang ang tao today kaya, I'm so glad na ngayon ako pumunta.

"Good morning po ma'am, I'm here to enroll first year po," bati ko pa kung saan ang instructor na naka-assign sa step 1.

"Good morning, maupo ka," bati niya pabalik. Medyo may katandaan na ang mga professor dito.

Soulmates or StrangerWhere stories live. Discover now