CHAPTER 8

20 4 0
                                    

-WENDY

Nakahalumbaba ako sa table rito sa may library. Pinili ko talaga na tumambay rito and what worse ay sumama si Maddison na parang may problema. Hindi talaga ako makapaniwala na ikakasal na ako sa Friday. Alam na rin namin ang misyon namin kaya ganʼto ang mukha ni Maddison.

“I really hate them. Kung puwede lang na ako ang tumapos sa kanila,” sabi ni Maddison at padabog na binitawan ang hawak nʼyang cup ng milktea.

Katatapos nʼya lang kasi uminom ng milktea. Agad ko naman sʼyang sinita dahil sa pagdabog nʼya sa cup na lumikha pa ng malakas na ingay. “Nasa library tayo, baka nakakalimutan mo,” sabi ko at pinanlakihan sʼya ng mata.

Napatingin sa aming puwesto ang mga tao sa library. Mukhang narinig nila ang malakas na pagdabog ni Maddison. Agad naman nag-peace sign sa kanila si Maddison habang ako naman ay napailing.

“Pasensiya na, nakalimutan ko bigla. Naiinis talaga ako,” sabi nʼya at bahagyang nagmura sa mahinang boses.

Kinuha ko na lang ang hiniram ko na libro at sinubukan magbasa pero hindi pumapasok sa isipan ko dahil sa naiisip ko tungkol sa kasal.

“Bakit ka naman naiinis?” mahina kong tanong at napangiwi sʼya sabay ayos ng sout nʼyang black sweater.

Tinakpan nʼya pa ang kamay nʼya ng maayos gamit ang sweater na parang may tinatago sʼya na ayaw nʼyang makita ko.

“Naiinis ako sa mga lalaking ʼyon lalo na ʼyong isa roon,” naiinis na sambit ni Maddison at pinandilatan ko sʼya agad ng mata noʼng magdadabog na naman sʼya.

Pinigilan naman nʼya ang kaniyang sarili. “Sinong isa ang tinutukoy mo?” mahina kong tanong at tinaasan sʼya ng kilay.

“Basta, ʼyong akala mo na mabait pero hindi pala.”

Hindi na ako nagtanong pa kasi nirerespeto ko ang desisyon ni Maddison. Mukhang may isang tao na ayaw na ayaw nʼya. Mas nag-focus na lang ako sa binabasa ko pero hindi talaga pumapasok sa isipan ko.

“May napapansin ka bang kakaiba sa kanila?” tanong ni Maddison kaya tumingin ako sa kaniya at tinigil ang pagbabasa.

“What do you mean?”

Napansin ko na tumingin muna sʼya sa paligid na tipong ayaw nʼyang may makaalam sa usapan namin. “I think they are hiding something,” bulong sa akin ni Maddison.

Lumipat pa talaga sʼya ng upuan sa tabi ko. Napakunot naman ang aking noo sa narinig. “What? Lahat naman ng tao ay may tinatago,” sagot ko pero umiling si Maddison.

What does she mean? Wala akong naitindihan sa ibig nʼyang sabihin. Nakita ko pa ang panakaw-nakaw na tingin sa amin ng isang nerd na babae sa dulo. Natatakpan ng bangs nʼya ang kaniyang mga mata. Sumasakit din ang mata ko sa kaniyang porma na parang rainbow.

Iniwas ko ang aking tingin sa kaniya noʼng tumingin ulit sʼya saʼmin. “I know that everyone has a secret. But their secret is dangerous to us. What if they do something dangerous to us?” nag-aalalang tanong ni Maddison.

Bigla ko rin ito naisip. Possible rin na may plano sa akin si Khifiro. Impossible rin na mapatawad nʼya ako agad. I know na may balak sʼya gantihan ako noon dahil sa ginawa ko. Hindi ko maiwasan na magalit sa aking naiisip pero may kasalanan din naman ako sa kaniya.

“Youʼre right, I donʼt trust them. They are just waiting for a perfect time to make us  suffer,” sambit ko habang naiisip ang plano ni Khifiro.

Kaya pala desperado sʼya na pakasalan ako dahil may plano sʼya sa akin. I need to protect my heart. Napatayo ako bigla dahil naalala ko ang tungkol kay Stephanie. May balak pala sa kaniya ʼyong leader nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FALLING FLOWERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon