Chapter 1

2 0 0
                                    

CHARACTERS:

ESTHER - 26 years old. Dalagang Kasambahay 

MARICEL- 30 years old. Teacher na buntis at nasa Maynila ang asawa.

MARLON - Asawa ni Maricel. 32 years old. 

LYDIA -  65 years old, mataray at malupit na byenan ni Maricel. 

LOLO -  80 years old, mysterious old man sa bangketa.

Magandang araw, Miss Gwen. Ako nga po pala si Esther. Kwarenta anyos na sa kasalukuyan. Gusto ko sanang ibahagi ang naging karanasan ko nung  minsang magtrabaho ako bilang isang kasambahay. Ipagpaumanhin  niyo sana kung hindi ko na babanggitin ang lugar na pinangyarihan  pati na rin ang probinsiya na aking pinagmulan. 

LYDIA:   Esther. Esther! Nasan ka ba? Halika nga muna rito

ESTHER:   Ano po yon, Ate Lydia? 

LYDIA:   Kanina  pa kita tinatawag. Bakit di ka sumasagot?

ESTHER:   Pasensiya na po, nasa banyo ako kanina. Hindi ko po narinig ang pagtawag niyo.

LYDIA:   O, siya. May mga ibibilin ako sayo kaya kita tinatawag, Aalis ako. Birthday ngayon ng isang anak ko. Pupunta ako dón at kasama ko si Maricel. Maglinis ka dito sa basement, ha. Pagkatapos mong linisin ang buong bahay.

ESTHER:   Opo.

LYDIA:   At itong lahat ng mga santo ko, gusto ko, linisin mo rin. Ingatan mo, lalo na itong malalaki. Galing pang ibang bansa at mas mahal pa sa buhay mo.

MARICEL:   Mama naman... ah, Esther, nagbibiro lang si Mama, ha? Pasuyo rin pala Ng kwarto ko. Pakilinis na rin.

ESTHER:   Opo , Te, wala pong  problema. Mga anong oras pala kayo makakauwi?

MARICEL:   Naku, baka gabi na. May pagkain naman diyan. Nagluto si mama kasi kailangan kong mag-almusal. May tinapay din kung gusto mong mag-meryenda.

ESTHER:   Sige po. Ingat kayo.

MARICEL:   Salamat. Ikaw muna ang bahala dito sa bahay, ha?

ESTHER:   Opo, ate.

Sa totoo lang, nagulat po ako no'n sa tono ng pananalita ni Ate Lydia, Miss Gwen. Pero naisip kong baka nga tama si Ate Marice, na nagbibiro lang ang byenan niya. Pagkaalis nila ng bahay, isinarado ko ang gate at sinimulan na ang paglilinis kahit nakararamdam ako noon ng takot. 

Hindi naman gano'n kalaki yung bahay nina Ate Lydia pero lumang disenyo kasi. Antigo. May banyo sa loob pero doon ako naliligo at umiihi sa banyo sa labas. May nakahiwalay ding bahay na dating paupahan daw. Doon ang kwarto ko sa isa pang bakanteng paupahan din na kadikit ng mismong bahay nila. May malalaking puno sa paligid lalo na sa may likod–bahay. Pero ang pinaka-nakakatakot na lugar ay ang yung basement. Ayoko sanang sundin ang bilin ni Ate Lydia dahil natatakot ako sa mga santo niya. Mayroong halos kasinlaki ng dalawang taong gulang na bata. Mayroon ding kulay itim. Habang isa-isa kong nililinis ang mga ‘yon ay umuusal ako ng taimtim na panalangin. Mula pa kasi noong bata ako ay may kakaibang takot na akong nararamdaman para sa mga rebulto.

LYDIA:   Kumusta, Esther? Nasunod mo ba lahat ng mga ibinilin ko sa'yo?

ESTHER:   Opo, Ate Lydia.

LYDIA:   Mabuti naman. May mga dala kami. Andon pa sa sasakyan at ibinababa ng manugang ko. Pakitulungan mo naman ako na ipasok ang mga ‘yon dito sa loob ng bahay.

ESTHER:   Sige po.

MARICEL:   Ah, Esther. Bago ka magpahinga, okay lang ba kung pumunta ka muna sa kwarto ko? Magpapatulong din akong magpalit ng kubrekama

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG KASAMBAHAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon