Ilang oras ang nakalipas at lumabas ang isang lalake na naka lab gown at mask..
Nilapitan nya kami at sinabing " We did what we can sir.. I'm sorry"Ako'y napaiyak sa gilid, halos di ako makahinga sa bigat at sakit ng narinig ko..
Totoo ba to ? Patay na ang mahal ko ?
Biglang lumapit si Nigoy sakin at sinabing " Kuya sayo nga pala " sabay abot saking ng isang kahon.
"Ano to?" Tanong ko habang tinitingnan ang kahon.
"Nakita lang namin yan sa bag ni ate. Sa tingin ko iniwan nlang ng nang hold up yung bag nung nakit niya na papadating yung barkada ni ate." Agad agad kong binuksan ang kahon at may nakita ako.Isang tshirt at maikling sulat para saakin. Binasa ko ang sulat at umiyak ulit.
'
Dear Mark,Mahal na mahal kita at wala na akong hahanaping iba. Kahit minsan busy ka na sa pag lalaro ng Dota alam ko paring mahal mo ako. In Dota pa I will always support you and thank you for always carrying me. I love mahal ko.
'
Ang gago ko.. Kung nasatabi niya lang ako.. Hindi sana.. Hindi sana nangyari ang lahat ng to..