Busy ako sa paglilinis ng mga table habang wala pang masyadong tao dito sa cafe na pinagtatrabahuhan ko malapit sa Eastern College University. Binabati ko ang ilan sa mga napasok dito. Dalawang mesa na lang ang lilinisan, kaya tinapos ko na ang trabaho ko.
Bago bumalik sa station, may mga nag-oorder na rin, kaya piniprepare pa ng kitchen staff ang kanilang mga pagkain. Minsan, all-rounder kami kapag kulang ang tao, pero dahil Lunes ngayon, mostly ang schedule ng mga nagpapart-time dito kasi mga working student din kami. Ang regular na staff dito ay mga kitchen staff, pero minsan, kapag nag-day off sila, kami ang sasalo. Kaya tinuruan na din kami sa mga gagawin.
Ako, every Monday, Friday, Saturday, at Sunday, ang duty ko ay mula 7:30 AM hanggang 4:30 PM. Pagdating ng Martes, nagtu-tutor ako sa isang grade four student, anak ng mayaman naming kapitbahay. Tapos, sa Miyerkules, 7:30 AM to 9:00 PM ang klase ko, kaya buti na lang isang araw lang ang klase sa buong linggo.
Pagdating ng Linggo, nasa mga bar ako, nagkakanta-kanta. Sa isang buong linggo, umaabot ng P4,650 ang sahod ko. Dito sa cafe, P3,150 ang sahod ko, tapos sa tinuturuan kong bata, P500 lang para sa dalawang oras, at sa pagkanta-kanta ko, kumikita ako ng P1,000 kada gig. Yung perang kinikita ko ay para sa pagkain namin at sa mga gastusin sa bahay, dahil may tatlo pa akong kapatid: dalawang babae at isang lalaki.
Yung isa, first year college na; yung lalaki namin, si Richard, at yung isa, grade eleven na si Richelle. Ang bunso naming babae, si Rhea, ay grade six na at graduating sa elementary. Si Mama Ritchie, ay labandera at kumikita siya ng P500 to P800 every week. Nakaka-luwag-luwag kami kapag ganun. Ang Papa naman namin? He went abroad pero hindi na nagparamdam sa amin.
"Rhayne, uyy! Kanina kapa tulala. Sabi ko, ilagay mo na 'to sa table number seven," tawag sa akin ni Ate Jodie, isa sa mga kitchen staff dito. Kaya mabilis kong kinuha yung order ng mga nasa table number seven.
Malapit na ako sa table nang makita ko ang mga customer namin, sina Kuya Evreux Flynn at mga kaibigan niyang sina Kuya Johnson, Ate Keithyn, at Ate Rose. Si Kuya Flynn, lagi kong nakikita dito, minsan mag-isa, pero madalas kasama ang kanyang mga kaibigan. Mas matanda sila sa akin ng ilang taon, kaya Kuya at Ate ang tawag ko sa kanila. Ako ay second year college.
Nakita naman nila na padating na ang order nila. Nagulat ako nang tumayo si Kuya Johnson at Kuya Flynn para tulungan akong ilagay ang mga pagkain sa table nila. "Hala, hindi na po, mga Sir, ako na po, thank you po," magalang kong pagtanggi habang mabilis nilang nilagay ang mga pagkain nila sa table.
Fourth year college na sila, Bachelor of Science in Civil Engineering ang course nila. Senior namin sila, kaya alam ko kasi sikat sila sa school. Si Kuya Johnson kasi babaero, si Ate Keithlyn naman playgirl; ang daming nagpo-post tungkol sa kanila sa school page namin sa Facebook, pero marami parin silang tagahanga. Si Ate Rose, maganda, kaya madaming nagkaka-crush sa kanya. Si Kuya Evreux Flynn, bukod sa napaka-gwapo, ay may lahi kasi siyang Spanish at matalino din, laging nagta-top sa bawat exam nila, lagi kong naririnig.
"Thank you," sabi ni Kuya Johnson ng nakangiti. Siniko naman siya ni Kuya Flynn bago nagpasalamat din sa akin. Nang paalis na ako, narinig ko pa ang bulong ni Ate Keithlyn sa mga kasama niya, "Diba bakla siya? Grabe ang ganda, nagparetoke ba siya?" Hindi ko alam kung bulong ba o sinadyang iparinig sa akin.
"Shut your mouth," narinig ko namang saway ni Kuya Flynn sa kanya.
Pero No, ang isang taong bakla at isang transgender na babae ay hindi pareho, bagaman may mga pagkakataong nagkakaroon ng pagkakapareho. Ang pagkakaiba ay nasa gender identity kumpara sa sexual orientation.
Bilang isang transgender woman, kung hindi ka na-attract sa mga lalaki, hindi ka maituturing na gay. Ang sexual orientation mo ay naiiba sa gender identity mo. Kung attracted ka lamang sa mga babae o wala ka pang preference sa mga lalaki, hindi ka maituturing na gay. Maaaring ituring mo ang sarili mong straight o di kaya naman ay hindi ka pa naidefine ng isang partikular na sexual orientation sa ngayon. Nasa iyo ang personal na pagkakakilanlan.
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Ate Keithlyn at nagpatuloy sa trabaho hanggang sa mag-uwian.
Pumila na ako ng napakatagal sa sakayan ng jeep pauwi sa amin. Mag-aalas sais na nang nakauwi ako dahil halos isang oras na ang itinagal ko sa pila. Pagkapasok sa maliit naming bahay, nakita kong patapos ng magluto si Mama. Nagmano ako sa kanya. Ang mga kapatid ko naman ay nanood sa maliit naming TV.
Nagbihis na ako at sakto namang naghahanda na ng pagkain sa mesa ang bunso naming si Rhea. Siguro ay inutusan ng mga nakakatandang kapatid. Tinulungan ko na siya sa paghahanda. Matapos maghanda, nagsikain na kami.
Nag-review na ako sa ituturo ko bukas kay Thomas at sinama ko na din i-review ang mga pinag-aralan namin para may maalala pa ako. Natapos ako ng 10:30 PM, inayos ang mga pinag-reviewan, at natulog.
Minsan, mahirap ang buhay bilang working student, pero alam kong kailangan kong magsikap para sa aking pamilya at sa aking kinabukasan.
YOU ARE READING
SHE FOUND LOVE
RomanceRhayne, a driven transgender woman, barely has a moment to breathe between her endless shifts. She's working nonstop-morning to night, juggling part-time jobs, often collapsing into bed only in the early hours. Love is the last thing on her mind; to...