Pamilyar ka ba sa pakiramdam na kahit masaya ang lahat ng tao sa paligid mo, kahit anong normal ng mga pangyayari sa buhay ng lahat, ikaw itong namumukod tangi na walang maramdaman?
Hindi ka malungkot. Hindi ka din masaya. Empty lang. Wala ka lang maramdaman na kahit na ano. Humihinga ka lang pero pakiramdam mo kakaiba ka kumpara sa ibang tao.
"Here, tapos ko na iyong request mo," sambit ko habang nakalahad sa harapan ni Chastine, ang isa sa mga kaklase ko—ang canvas na may pinta ng mga bulaklak na ang reference ay ang tanawin sa labas ng bintana ng aking silid—na ako mismo ang nagpinta.
Masaya at excited na kinuha niya ito sa aking palad. "Maraming salamat, Winny. Ang ganda! Ang galing mo talaga puminta!" Aliw na aliw niyang papuri sa akin habang nakapako ang kumikinang n'yang mga mata sa painting.
"Here," abot niya ng bayad. "Maraming salamat talaga!" At tuluyan na niya akong tinalikuran habang napapakanta pa na isinasayaw ang hawak nito.
Nakaawang ang aking bibig na nag palipat-lipat ng tingin sa bulto n'yang papalayo at sa dalawang libo na kanyang inabot. Ang saya niya. Hindi ko ma-gets kung bakit tuwang-tuwa ito sa maliit na bagay. She paid for the painting and for my effort of doing her a favor. Hindi ba dapat ako ang matuwa dahil isang discovery na naman para sa sarili ko na may talento ako sa pagpipinta at higit sa lahat ay kumita ako?
How I wished. Ang kaso hindi ko mawari kung bakit hindi nakakatuwa para sa akin ang bagay na 'yon. Hindi ko maramdaman ang kasapatan. Parang may nawawala pa rin na piraso na hindi ko mawari kung ano.
Tumango ako kahit huli na. Ibinulsa ko ang perang kinita ko't nagsimula ng maglakad paalis. Blanko ang diritsong tingin habang nakikinig sa mga estudyante na nadadaanan ko.
Everything around me feels like programmed emotions. Kung saan ang tuwa ay default. At lahat ng tao sa paligid ko ay naka-default mode. Kahit sa mga bagay na hindi naman sobrang nakakatawa, nakakurba pa rin ang mga labi nila upang ipakita sa ibang tao na masaya sila. It feels programmed because I can sense inauthenticity. Dinisenyo ng bawat isa ang mga sarili sa emosyon na taliwas naman sa totoong nararamdaman nila. Something I mastered too, so people around me won't take me as weirdo.
Tumunog ang aking cellphone. Tumigil ako sa paglalakad at kinuha ito sa loob ng aking sling bag.
Mi Calling...
Tumikhim ako. I prepared my self made mask and started reciting my script.
"Hello, Mi, how are you? I'm doing better here, so don't worry..."
Natawa siya sa kabilang linya.
"Silly, alam ko na maayos ka d'yan. Ikaw pa ba? Tumawag lang ako para itanong sa iyo kung makakauwi ka ba ngayong bakasyon? Next week na iyon, hindi ba? Namimiss na kita, anak." Bakas ang kalungkutan sa tinig n'yang sambit.
Nanahimik ako. Hinalugad ko sa sarili ang kalungkutan at pagka-miss sa ina kong tatlong taon ko ng hindi inuuwian ngunit bigo na naman ako. Bakit ba ang manhid manhid ng puso ko?
I gulped. "M-Miss na din kita, Mi... titignan ko po kung hindi busy sa tindahan ni Tita. Alam mo naman po, matanda na siya kaya kailangan ko siyang tulungan," tugon ko habang sinusubukan magtunog natural ang tono at boses ko.
Tumahimik sa kabilang linya hanggang sa narinig ko ang mahina at pigil na paghikbi ng aking ina. Napalunok akong muli.
"I'm sorry, Mi..."
"Naku, wala 'to anak. Naiintindihan ko naman, eh. Nagbabakasakali lang. Oh siya, papatayin ko na 'tong tawag para hindi na ako makadisturbo sa mga pinagkakaabalahan mo d'yan. Mahal kita 'nak, mag-ingat ka palagi." Mabilis at walang preno n'yang turan bago niya pinatay ang tawag na hindi man lang hinihintay ang tugon ko.