Nakasakay nako ng taxi at pauwi na sana ako ng madaan ko yung tulay na malapit lang...may sira yung harang nang tulay at halatang may nahulog don na kung ano.
"Dito na lang ho!"saad ko tumingin muna sakin yung driver mula sa rare view mirror bago sya sumagot.
"Sigurado kaba ija?"tanong nito na medyo may pag alala.
Hindi ko sinagot si manong at bumaba na lang...hindi nako humarap sa taxi nya at deretsong nag lakad palapit sa tulay.
tumingin ako sa ibaba kung anong meron.Maya maya lang ay narinig ko na ang pag andar ng sasakyan sa likuran ko,nilingon ko yun at nasa malayo na ang taxi....tsaka ako muling tumingin sa pinag mamasdan ko kanina....
Isang matarik na bangin,na kung sakaling mahulog ka ay tiyak na hindi ka bubuhayin dahil bago kapaman mahulog ay mga bato muna ang tatama sayo....dag dag pa Yung huhulugan mo na tiyak ay hihiwalay ang katawan mo oras na bumagsak ka,may tubig din sa paligid nito.
lumusot ako sa butas nang tulay at may uupuan naman kahit paano...hindi ako tumingin sa ibaba at tumingala ako at tumingin sa langit humawak ako sa sandalan nang tulay.
Saglit akong napaispip,at napag pasyahan nalang umuwi nag lakad ako paalis medyo malayo pa yung bahay ni Lorenzo kaya ilang minuto din akong nag lakad sa initan....
.....bahay ......
pag ka pasok ko ng bahay ay pabagsak kong hiniga yung katawan ko sa couch, iniwan ko ring bukas yung pinto dahil wala namang ibang nandito,Ipinatong ko sa noo ko ang kaliwang braso ko habang ang kanan naman ay sa dib dib ko nakapatong.
Pumikit ako at iniisip yung mga nangyari kanina,ayoko sana yung isipin pero andito na kaya wala na akong magagawa.ilang linggo narin pala ang lumipas....nakakapagod din pala ang mag isa.
muli kong dinilat ang mga mata ,umupo ako at sumandal sa couch...inihilig ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa at Tumingala...*sigh...*
Lumipas ang oras kaya tumayo nako...nag tungo ako sa kusina ng sumagi sa isip ko yung adobong galing kay aling luisa...kinuha ko yun kung san ko nilagay at hindi na ininit,wala naman mag babago sa lasa kung iinitin kopa.
Inubos ko lang yung laman non,pinapak ko lang dahil wala naman akong kanin, tsaka ko hinugasan kasama narin yung kinainan ko...nilagay ko lang sa isang plastic bag yung mga tupperware.
......Lumabas ako......
Nasa harap nako ng gate nina aling luisa,sing laki ko lang yung gate nila na may mga patusok.
Hindi muna ako kumatok dahil medyo nag aalinlangan pako kung kung kakatok bako o hindi..
"Ahemmm... excuse me!"may nag salita sa likod ko na medyo kinagitla ko."who are you?"tanong ulit nito.
Agad akong humarap sakanya,hindi uso sakin ang slow motion,na mala k drama.
"Trinity!..."pag papakilala ko"isasauli ko lang to.."pinakita ko sa kanya yung dala kong plastic na may tupperware.
Tinagnan nya muna yun bago nya tanggapin..."thanks....!"saad nito at nilagpasan lang ako.
sa pag kakaalala ko siya yung nakita ko nung isang araw.Nilingon ko sya na ngayon ay nag bubukas na ng gate..."I'm silver by the way!"nakatalikod nyang saad at nag lakad na papasok na bahay nila.
bumalik nako sa bahay at sa second floor binuksan ko yung pinto ng kwarto ko at pumasok sa loob tumayo ako sa harapan ng salamin at isang babae ang nakikita ko,maputla,malalim ang mapupungay nyang mga mata,napangiti ako ng mapait dahil sa nakikita ko hindi dapat ganto ang itsura ng isang taong tulad ko.
YOU ARE READING
HER SECRETS
General FictionDISCLAIMER:this is a work of fiction.names, characters, businesses, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner.any resemblance to actual person, living or dead or actual events is pure...