Grabe na tong si mama, akalain mo ni reject yung labis na nag kakagusto sa kaniya,"tigilan mo na kakatitig kay mommy, baka matunaw na yan" sabi ni Ate Rosie
"ma, bakit niyo po nireject si Jacksone Winstone?" tanong ko kaya nabulunan naman si mama habang iniinom ang kaniyang kape
"kanino mo nalaman yan?" takang tanong niya,
"sa kay Mr. Winstone" sabi ko
"kaibigan ko kasi anak niyang lalaki" dagdag ko"what?, hahaha small world" sabi niya bago nag seryoso ang muka "paano mo nakilala?" tanong niya
"nung unang araw ng bakasyon ko, lah akala ko haysstt, na kwento ko na sayo yun, bakit hindi mo na naalala?" inis na tanong ko na ikinatawa ni mama
"ops haha sorry, nalimutan ko" sagot naman nito
Nakuwento ko sa kaniya ang mga nangyari sakin dito, halos lahat nga na kuwento ko tapos pinangbanggit ko pa yung mga panagalan ng mga bago kong kaibigan tapos limut niya na agad
Anyare?
"oh, 2 weeks ka na lang dito, sulitin mo na gala mo" sabi ni mama at inabutan ako ng credit card
"enjoy your vacation" sabi naman nito at parang nakaramdam ako ng kaba sa mga sinabi niyaWeird,
Parang may gustong sabihin sakin si mama na hindi ko ma intindihan
Kasi kahit alam niyang may sakit ako hinahayaan niya lang ako, kahit na sabi ng doctor ko na mas mainam kung mag homeschool ako, pinapasok ako ni mama sa school, sabi daw kasi niya ayaw niya na sa bahay na lang ako palagi,
May times din na overprotective siya, gaya na nga ng pag papasama niya sakin ng ma maid, na tig tatlo or apat may dalawa pang bodyguard yan
At alam kong gusto niya lang akong protectahan, dahil nga sa sakit ko
But this past few days, hinahayaan niya na lang ako na lumabas mag isa
Hindi na din siya parang praning
* * *
Akiro
Hirap talaga kapag isip bata yung mga kaibigan mo, mag tutulakan hampasan sisihan, asaran tapos pikunan
Katulad na lang nang nasa harap ko ngayon
"uy tama na yan hahahah" awat ni Jairo
"joke lang naman yun eh" ani ni Hiro habang hinihimas ang batok
Pano ba naman kasi, inasar nila si Ashtone ayun napikon muntik nang masapak si Jaylord mabuti na lang the flash si Hiro kahit hapon siya
"hoy ikaw Akiro! Hindi ka ba tutulong?" naiinip na tanong ni Hiro
"okay" sabi ko at hinawakan si Hiro, pati siya nagulat
"what the fuck? Sabog ka na ba?" inis na tanong nito
"no" mabilis na sagot ko "akala ko ba kailangan ng tulong?" sarkastikong tanong ko
"gisingin niyo nga muna si Akiro! Lutang pa eh ilang Katol ba nasinghot mo at nagkaganyan ka?" tanong ni Jairo
"our house don't have any mosquitoes, so bakit ako sisinghot ng katol?" inosenteng tanong ko dahilan para mapasapo na lang sila sa sariling noo
"alam mo Aki, tama ka na tama na to tigilan na natin to ayaw ko na ng gulo" sabi ni Jaylord
Ay wow, siya nag aaway siya na yung aayaw? Sabagay baka ngayon lang nag function utak ng lalakeng to,
Madalas—palagi kasing hindi nag iisip ang lalakeng to kapag may gagawin kaya napapaaway,
Pagkatapos ng away dun na lang niya napagtanto mga mali niya, dahil kahit sino babanggain niya, lakas ng amats
"yaan niyo na yan, miss na siguro niyan si Tulips" sinadyang lakasan ni Ashtone ang pangalan ni Tulips
Na may kung anong pumitik sa utak kong sabihing "puntahan natin siya" wala sa sarili kong sabi
"tsk sabi ko na nga ba"
"yan tayo eh"
"kaya pala lutang"
Commento nila Ashtone, Jairo at Jaylord saka tinignan nila si Hiro
"what?" mayhalong taka at inis sa tono nito
"wala ka man lang sasabihin?" tanong ni Jairo
"ano pa bang sasabihin ko?" balik na tanong ni Hiro
"Ibalik sa Japan!" sigaw nila Ashtone at Jaylord na parang susugod sa away
"tsk. Let's just go" sabi naman nitong Hiro
Grabe talaga tong hapon na to, mood Swing talaga, baka may sikreto tong lalaking to
Wait! Di kaya??
Tomboy siya? Hala tapos...
Pero hindi naman halata, lakaking lalaki siya, sa aming Lima siya ang may pinaka malalim na boses
Nakitaan ko na din siya
(a/n: waring, wag madumi sasakalin ko kayo)
"Aki, kanina ka pa nakatayo dyan, hindi ka ba kakatok, gusto mo ako kakatok?" tanong ni Jairo "gamit ulo mo?" dagdag pa nito
"wala, may iniisip lang ako, naisip ko na hindi pala kailangan iangat ang kamay para kumatok ng pinto" sagot ko at kumatok na sa pinto
Sakto at may bumukas naman kaya hindi kami natagalan sa labas
* * *
Tulips
"maam may mga bisita po kayo, maam tulips" sabi ng yaya
Ha? Sino eh 7:30 am ang aga aga
"sino daw po?" tanong ko
"kaibigan mo daw po uhmm... Mga lalaki sila" sagot naman niya
Sila. Akiro
"oh, papasukin mo nandito pala mga kaibigan mo, need ko na sila makilala" boung galak na sabi ni mama
Kaya pinapasok naman ng maid sila Akiro, nga lang napaka ingay nila, yung malakas na tawa? Alam ko kung sino yun Jaylord
At siya nga
"morning po" sabay sabay na bati nila Akiro, Jairo, Hiro, At Ashtone pero tong si Jaylord hindi ata nakikiramdam kaya siniko ng kambal niya
"HAHA–HA?, ay Good morning po" sabi ni Jaylord, mabuti nakiramdam din matapos sikuhin
"good morning din, breakfast?" alok ni mama "maupo kayo" sabi niya
"yaya paki kuha ng plato para sa kanila" utos naman niya"bakit kayo nandito?" tanong ko
"ah ano kasi–" bago pa man dugtungan ni Akiro ang sasabihin inunahan na siya ni Hiro
"gala tayo" sabi niya
"ganun?, sige pagkatapos kumain" sabi ko naman
"Pakilala nga kayo isa isa" utos naman ni mama sa kanila
"hi po im Akiro"
"hi po im Hiro"
"hi po im Jaylord"
"Hi ako po si Jairo mas pogi sa kambal ko"
"and im Ashtone, Ashtone Winstone"
Pagkasabi nun ni Ashtone ay nabulunan si mama
Pak! Confirm
"ang ganda niyo po pala, sabi ni papa, pati sa picture bata pa po kayo tignan dun pero pag sa personal napaka ganda niyo po talaga" sabi naman ni Ashtone na ikinapula ng pisngi ni mama
Parang, blush? Yieeee hahaha
YOU ARE READING
I found love in Tulips Field
RandomEVERY BODY DESERVES A TRUE LOVE. AND A GREAT LOVE STORY PERO PAANO KUNG ANG LOVE OF MY LIFE MO HINDI KA NA MAALALA? MAY MAGAGAWA KA BA??