chapter 1

14 0 2
                                    

Ayala

Kasalukuyang nasa hallway ako tinatahak ang tamang daan patungo sa walang hanggan, patungo sa aking forever... Hepp hepp jwk lang... Papunta ako sa library, para ibalik ang hiniram ko na libro noong nagdaang araw... Ginamit ko kkahapon para sa project namin...

Nakasuot ako nang black na sweat pants, naka sports bra ako na kulay grey at black sinuotan ko lang ito nang black na jacket para di ako masita nang over protective na mga guard namin...

tinnnggg

Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ko... Nang makuha ko na ay tiningnan ko lang ang notification bar ko... Nakita ko ang pangalan nang nag-message sa akin... Tinap ko ito bago lumiko sa kabilang hallway...

From: kuya jade
Arena tayo mamaya 5 pm sharp... May sasabihin si Boss...

From: kuya jade
Ipinadala ko na ang lunch mo jan sa cafeteria nyu... Kainin mo yun... Mag-ingat ka jan...

Napangiti na lang ako... Si Kuya jade o si Jaspher Devon Rosales halos limang taon at kalahati na kaming mag-kakilala... Itinuring ko na syang kuya simula noon... Well he treat me like his own sister... Walang malisya okay?

Di ko na ni-replayan si kuya jade... Sa halip ay pumasok na ako sa two story building na library... Napabaling ako sa librarian desk... Nakita ko nga dun si Ma'am Gracey nag-babasa nang libro... And i am very sure na isa ito sa mga isinulat nang favorite author nya... Lakas maka gen-z ang peg ni Ma'am Gracey ei... Jwk lng...

Lumapit na ako sa desk nya... Di nya siguro ako napansin na nasa harapan na nya ako... Kinatok ko nang dalawang beses ang desk nya...

"Good morning Ma'am Gracey..." Sabi ko at ngumiti... Inilabas ko ang libro na hiniram ko...

"Good morning din Aya..." Sabi nya at inilagay ang libro nyang binabasa sa desk nya at inusog nya sa akin Hokaido flavor na milktea large at fried chicken burger... "Here... Alam ko na di kana na naman nag-almusal..." Sabi nya at nginitian ako... Nag smile naman ako nang pabalik sa kanya...

Ang totoo ay kapatid ni Kuya Jade si Ma'am Gracey kaya malapit din sya sa akin... Sya rin yung number fans namin ni Kuya Jade... Itinuturing talaga nila akong parang kapatid nila... At nag-papasalamat naman ako kasi tinutulungan at inaalagaan ako nina Ma'am Gracey at Kuya Jade...

"And how many times na pag-sasabihan kita na tawagin mo na lang ako na Ate Gracey?" Sabi nya... Oo mag-iilang beses na nga na sinabihan nya ako na wag ko syang tawagin na ma'am dahil parang kapatid nya na daw ako... Pero di ko talaga keri...

"Hehe, sorry Ma'---... Este Ate Gracey..." Sabi ko napa kamot ako nang ulo... Tumawa naman nang mahina si Ate Gracey sa akin... "Thank you po dito..." Tukoy ko sa ibinigay nya sa akin...

"Always welcome Aya... Eat that... Mamayang lunch sabay tayong kakain... Alam ko na nadoon na ang lunch mo na pinadala nang Kuya Jade mo kaya pumunta ka mamaya sa building office ko...

"Ho? Pe--..."

"No buts... Cge na pumunta kana dun..." Sabi ni Ate Gracey sa akin... Kinuha ko na ang ibinigay nya bago umakyat sa ikalawang palapag nang library kung saan ako palaging naka pwesto...

Umupo na ako sa upuan ko at bahagyang tumingin sa katabi nang desk ko na bintana...

"Ilang taon na pala na wala kana Lola..." Sabi ko habang nag-babalik tanaw sa mga alaala namin nang Lola Emma ko... "Ilang taon na rin na gumagawa ako nang di ka-aya-aya... Alam ko na mali ito.. Pero kung di naman ako pumasok dito edi mag-kasama na po tayo jan..." Sabi ko...

Namatay si Lola Emma sa sakit na cancer... Stage four na ito kaya wala na kaming magawa... Wala din naman akong perang pambayad sa operasyon nya dahil sa ang bata bata ko pa nun... Nasa edad onse o dose anyos ako noon...

"Pero bakit ang aga naman ata nang iniwan mo ko Lola... Excited po kayo ei..." Sabi ko... Tiningala ko ang ulap mula sa bintana... "Di nyu naman po ako inalala na maari akong masaktan kaoag iniwan nyu ako... Na excite po ata kayo..." Sabi ko... Ramdam ko ang pag-mamasa nang mata ko... "Ang tigas pa po nang ulo nyu.. Ayaw nyung magpa-check up dahil wala tayong pera... Ayan tuloy mag-isa na lang ako sa bahay..." Sabi ko uli at kumawala na ang luha sa mata ko... "Alam nyu po ba na sa tuwing uuwi ako sa bahay pangalan mo ang sinisigaw ko, ikaw ang hinahanap, hinihintay ko na muli kung makita ang mukha nyu, makita ang matatamis mong ngiti, maiinit mong yakap, mga payo nyu po sa akin, pangaral sa mga bagay bagay, yung masasarap nyu pong luto at ang pag-su-suklay nyu sa buhok ko tuwing umaga bago umalis ako at sa gabi bago matulog... Miss na miss na miss na kita Lola..." Sabi ko at humikbi lang nang humikbi... Alam ko naman na kahit anong iyak ko at hikbi ay di maibabalik nun si Lola ko ei... Di na nun ako mababalik sa dati... Hindi na ako yung dating Ayala... At di na yun babalik kahit kailan...

Nag-patuloy lang ako sa pag-hikbi... Ganito ang ginagawa ko dito sa library... Pupunta lang ako dito kapag kailangan ko nang peace of mind, space sa mga tao, at syempre ang hiningahan ko nang mga problema ko... Kung pwede lang nga siguro na mag-reklamo ang library nagawa nya na... Halos lahat kasi nang galit, lungkot at problema ko ay dito ko inalalabas...

Habang humihikbi ako ay may yumakap sa akin... Dito ko na kailangan mag-isip kung sino ito.. Kaya humarap ako sa kanya at niyakap sya nang pabalik... Sana'y na sana'y na ako kapag nanjan na sya sa tabi ko kapag ganitong oras...

"Umiiyak ka naman..." Sabi nya at hinagod hagod ang likod ko... Naka siksik lang ako sa dibdib nya... "Shhh... Tahimik na..." Sabi nya habang hagod hagod parin ang likod ko...

"Di ko parin pala malimutan ang nangyari kay Lola Emma... Di ko sya maalis sa utak ko..." Sabi ko at lalong humikbi sa dibdib nya... "Gustuhin ko man na makasama si Lola Emma pero paano?" Sabi ko at mas hinigpitan ang yakap ko sa kanya...

"Anong makasama? Iiwan mo ko dito? Di naman yan pwede... At sure na sure ako na di papayag si Lola Emma na sumama ka sa kanya..." Sabi nya... Natawa ako sa sinabi nyang 'iiwan mo ko dito'...

"Hayyyssst thank you talaga... Kung wala sina Kuya Jade, Ate Gracey ang gang at syempre ikaw saan na kaya ako ngayon... Buhay pa kaya ako ngayon kung sakali?" Sabi ko at lumayo sa dibdib nya... Nakita ko ang pagka-basa nang t-shirt nya dahil sa luha ko...

"Pinag-sasabi mo? Andito kana sa tabi namin, sa tabi ko kaya tumigil kana nga jan sa mga bad thoughts mo..." Sabi nya at pinahid ang luha na nasa mukha ko... "Papangit ka kapag di ka tumigil sa pag-iyak..." Sabi nya... Kaya hinampas ko sya sa dibdib bago sabay na tumawa nang mahina...

"Thank you... Thank you sa lahat lahat..." Sabi ko... Thankful din ako na nakilala ko sya dahil sya lang ang nag-papatawa sa akin... Kapag bad mood na bad mood na ako... Natatawa parin ako sa kanya... Kaya thankful talaga ako sa kanya...

"Asussss... Your welcome... Palagi mo lang tandaan na palagi lang ako nadito kahit anong mangyari..." Sabi nya at niyakap na naman ako... "Pangako iyan Fiere..." Sabi nya na parang may assurance na di iyon mapapako ang promise na yun...

Pero sana hindi nga... Sana hindi dumating ang araw na kailangan nya iyon baliin... Mababali ko talaga likod nya kung sakali... Nag promise pa sya kung di nya tutuparin? Aba ang angas nya ahhh... Siguraduhin nya lang na valid ang reason nya para baliin ang promise nya... Mawawalan talaga sya nang mga kamay kung nagka-taon...









ILLICITWhere stories live. Discover now