1: SOYTI

23 4 0
                                    

"SOYTI"

Their on-screen pairing has taken the world by storm, but what happens when the cameras stop rolling? What's their story behind their undeniable on-cam chemistry.

Soyti = Tisoy | Mori = Morena

-

Nanginginig na ang sahig sa dami nang taong pumunta sa mall tour event namin for our upcoming movie sequel. All I hear are the loud chants for my leading lady, lalo na when she hit that last note. She's almost at the end of her performance at duet na naming dalawa ang next.

I waved at the fans na nasa gilid at kanina pang sumisilip sa pwesto ko. They are the people who made these projects possible, siguro kung hindi sila nagshow ng support, a second movie won't be possible and it'll be a low chance to work with my-

"SOYTI~" she called at her malambing na tono. 

Walang salamin pero alam ko na agad kung gaano kapula ang tenga ko, did she just called me on our endearment? If a heart could burst from too much happiness, siguro kanina pa sumabog ang akin.

Narinig ko pa itong tumatawa sa mic, grabe ka talaga chandria wala kang pinipiling oras.

I run towards the stage and saw her there putting her tongue out mocking me. Lakas nang amats ng babaeng ito, nakuha pa rin niya akong asarin. 

She looks so comfortable sa stage as if it was her home, kaya naman nahawa na rin ako.

"Tawag ako ng MORI ko?" bulong ko sa kanya at pinanglakihan ako nito ng mata, napatawa na lang ako nang mahina dahil halatang di niya inaasahang mang-aasar ako pabalik.

Lalong lumakas ang hiyawan ng fans namin, lalo na't magkasama na kami. For sure kinilig ang mga iyan, hindi naman na sikreto saming dalawa na there are fans na hindi lang kami sinu-support individually but also ships the two of us. 

Hindi na bago sa industriyang ginagalawan namin but what makes us different is we are not an official loveteam lalo't magkaiba kami ng network. 

Ang dami naming tinatawid na bakod kung baga, kaya naman I'm happy working with her, kaming dalawa ang nagbibigay ng lakas ng loob sa isa't isa. 

Kung bago lang akong artista, maski siguro ako kinuwestyon ko na kung ano ba talaga kami because even me, I'm not sure where the line blurs.

Nagsimula ng mag-play ang instrumental ng kantang idu-duet namin, nare-hearse na namin ito ka nama'y confident kaming mag-perform; "Palagi - TJ x KZ ver."

"Sa huli palagi,

Babalik pa rin sa yakap mo

Mahal sa huli palagi,

Pipiliin kong maging sa'yo

Ulit-ulitin man, nais kong malaman mong

Iyo ako palagi"

We are supposed to point at each other at the end of the choreo dahil dapat ay nasa magkabilang dulo kami. 

Laking gulat ko na lang na sa paglingon ko sa gilid ay naroon si Kath, she smiled endearingly and placed her hand on my chest.

Dilaw (KATHDEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon