CHAPTER 1: MR. MASUNGIT

9 0 0
                                    

ANDRIA'S POV

"You're Awake"

Nakaupo siya sa couch habang nakade-kwatro. He's wearing a gray sweatpants and white shirt. Naka salamin pa at halatang bagong ligo dahil basa ang buhok.

Siya nga 'yon! Siya yung bartender!

"Uh...yeah. Good morning" Hindi na ako makapagsalita dahil nakatitig siya sa'kin. Pinalibot ko yung paningin ko. Malinis ang kwarto at walang agiw. Wow ano 'yon? Kisame ba 'yan?

"I think you're hungry, I cooked breakfast" Sabi niya at lumabas na ng kwarto. Agad naman akong nakahinga ng maluwag. Ang intense nun, ah?! Hinawakan ko ang dibdib ko. Ang lakas ng kalabog ng puso ko.Inayos ko muna yung pinaghigaan ko tsaka ako lumabas. Wow! Ang ganda ng interior. Simple lang pero ang welcoming sa pakiramdam ng kulay. Brown and cream tapos mint green. May halaman sa sulok at maayos na nakahilera ang mga books sa bookshelf Makintab ang sahig at mabango ang paligid. Napangiti naman ako.

"Here. Eat this then drink this after." He hand me the plate. Nakaupo lang ako sa table, pinipigilan ang sarili kong galawin yung pagkain. Hindi dahil sa ayaw ko nung pagkain, hindi lang talaga ako kumakain ng Frozen food. Mukhang napansin niyang hindi ko ginagalaw ang pagkain ko kaya napatingin siya sa'kin.

"Ano susubuan pa kita?" Masungit na sabi niya at napahawak naman ako sa kubyertos. Agad akong sumubo ng friedrice at hindi ko alam.

"What's this?" Tanong ko sakaniya at tinaas ang brown na ulam. Nakikita ko lang 'to kina Niña at Jhanna pero hindi ko pa natitikman.

"Seriously? Hindi mo alam kung ano 'yan?" Ang sungit talaga! Nagtatanong lang, e.

I nodded.

"Skinless po, ma'am tapos ayan naman po ay Tocino" Sabay turo doon sa mapulang pagkain. Ang sarcastic niya naman! I chuckled.

"Why are you laughing?" Inis na tanong niya at sumandal sa upuan habang nakataas pa ang isang kilay. Kahit masungit, pogi parin!

"Wala... thank you nga pala kagabi" Napatingin ako sa pagkain ko. Nahihiya ako sa nangyari kagabi.

"Uh, nasaan yung mga kasama ko kagabi?" I asked.

"They are not here" Ang sungit talaga. I nodded.

Hindi naman siya nagsalita ulit kaya kumain nalang ako. Nag iisip pa ako kung anong itatanong ko sakaniya. Gusto ko sana itanong kung paano niya nalaman na nandoon ako pero pinangungunahan ako ng hiya. Tumingin ako sakaniya at nagulat pa akong nakatingin siya sakin kaya bumalik ulit ang tingin ko sa kinakain. Sumubo nalang ulit ako ng kinakain.

"Nakita kitang hinihila kaya naisipan kong sundan ka..." Pagsisimula niya. May pagkain pa sa bibig ko kaya ewan ko kung mukha ba akong chipmunks pero wala e, gulat akong napatingin sakaniya. Hinintay ko naman siyang magsalita ulit kaya tinuloy niya naman.

Nakatingin parin siya sa akin at dahan dahan naman akong ngumuya.

"D-dapat hindi na kita susundan pero nakita kong pumipiglas ka. Hindi kaagad kita nasundan kasi... may um-order.." Mukha pa siyang nahiya sa ginawa niya. Tumango tango naman ako. May sinabi pa siya pero hindi ko narinig. Ano daw?

"Ha? May sinasabi ka ba?" Tanong ko.

"Wala. Bilisan mo ngang kumain at umalis kana, istorbo ka dito e" Masungit nanaman na sabi niya at tumayo. I smiled again, ang cute niya kasi magsungit.

Dinala niya yung cup niya sa sink kaya binilasan ko na din kumain at dinala yung ginamit ko sa sink niya tsaka siya tinulak pagilid.

"Ako na" prisinta ko sa paghuhugas. Uh, paano ba 'to?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 6 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE ME HARDERWhere stories live. Discover now