Lia's POV
"Hoy bakla! Nakasimangot ka nanaman! Ang aga aga e! Makita ka ni Sir Mathew my loves! Baka mahawa sayo!" Malakas na sigaw ni Lily habang naglalakad kami sa hallway ng school building.
Maingay talaga kahit kailan at talagang naisiningit pa sa dialogue nya si Sir Mathew. Di naman sya pinapansin kahit anong pacute nya.
"Manahimik ka nga. Mainit ang ulo ko." Kalmadong sabi ko sa kanya. Lily have been my best friend since pre school. At ngayong 4th year college na kami, tinitiis padin namin ang isa't isa -__-"Ano nanaman ba ang sumira sa umaga mo girl? Kinindatan ka nanaman ba uli ni manong guard? Dapat kinindatan mo din para tabla. Haha!"
Reyna talaga ng kakornihan. Kung di ko lang mahal to, matagal ko na siyang tinulak sa bangin. Oh well.
"Nakakainis kasi sa bahay! Pinipilit ako ng nanay ko na magsukat ng mga bestidang de laso. Alam naman nila na di ko trip yun. Gigisingin nila ako para lang dun. Nabitin tuloy ang tulog ko, badtrip!" Reklamo ko.
"Magsusukat ka lang pala Lia, anong mahirap dun? Pati pagbigyan mo na ang mama mo, naglalambing lang yun."
Lily is a girly girl. A fine woman. Unlike me, I'm a in the boyish side. Pero babae ako, really. I just don't want to wear that uncomfortable dresses and shoes. Mas ok ako sa jeans at shirt with my chucks.
"Naglalambing? E para lang naman yun sa meeting mamaya. Di naman ako sasama, bakit kailangan ko pang magsukat?!"
"Kilala kita bakla, masunurin kang anak, kaya alam kong sinukat mo parin yung mga damit at sasama ka mamaya sa meeting na yun. About san pala yung meeting na yun at kailangan kasama ka?" Binabawi ko na, di pala sya fine woman, babaeng bakla pala to, lahat tayo nalinlang.
"Nagsukat ako, pero di ako sasama. Para yun sa kasal ni Ate. Magkikita na ang bride at groom for the first time. Kailangan daw nandun ako. E hindi naman ako yung magpapakasal, bakit ako kailangan dun?!"
Yes, my sister will be in a fixed marriage. And it is all because of that damn business. Naaawa ako sa Ate ko pero wala akong magawa. Siya ang panganay kaya sya ang kailangang magpakasal. Mababait ang parents namin, it's just that they love their business as much as they love us. And my sister and I understand it. We love our parents and we don't want to disappoint them.
"Natural, kapatid ka. Dalawa lang kayong magkapatid kaya kailangan andun ka. Teka, diba may boyfriend ang ate mo? Pano yun? Bye bye boyfie? Hello hubby ang peg ni sisteret?" Nagtatakang tanong ni lily.
Hay, kawawa naman si kuya Arthur, my sister's boyfriend, and true love. "Ayun broken hearted si kuya arthur. Si Ate ilang araw ng balisa. Wala naman silang magawa, sila papa at mama ang batas."
And suddenly, tumigil si Lily sa paglalakad at humarap sakin na parang may magandang naisip.
"Best, ikaw nalang kaya ang magpakasal? Wala ka namang boyfriend, at martir ka namang anak at kapatid! Diba? Great idea? So bright ko talaga! Haha!" Nababaliw nanaman sya..."Pag ako ang magpapakasal, isusumpa kong hindi ka na talaga titingnan ni Sir Mathew kahit kailan. Magiging alikabok ka nalang sa paningin nya. Wala kang magiging forever." Seryosong babala ko sa kanya.
"Ayyyyy!!! Don't say bad words kaibigan! Baka magkatotoo. Sino ba kasi nagpauso ng fixed marriage na yan, iharap mo sakin at kakausapin ko."
Baliw na talaga.
"Tumahimik ka nalang dyan at malelate na tayo. Si Sir Mathew pa naman ang prof natin ngayon"
At walang sabi sabing hinila ako ni Lily sa room namin... Ano ba kasi nakita nya kay Sir Mathew? Pogi nga suplado naman. Bahala sya, goodluck nalang sa love life nya.
Nathan's POV
"You'll be having your meeting at 2PM with Mr. Osawa. And a family dinner with Mr. Vega's Family at 7PM. Nothing follows Sir"
"Thank you Miss Ana" Ana Bautista, a 50 years old single woman, my trusted secretary.
"You can go home now, I can now manage" I said to the old lady."But Sir, it's only 1 o'clock in the afternoon. It's still too early"
"Don't worry, it won't affect your salary. I really don't mind. You can go home now.
"Thank you sir"
I nodded "Bye"
Silence prevails in my office when Miss Ana left. I almost forgot about the wedding. Ikakasal na ako sa susunod na buwan sa panganay na anak ni Mr. Vega. One of my dad's best partner in the business industry. I really don't mind marrying someone if it is for my business. Love isn't really a big thing on me. My Company is more important. I date girls but I don't take them seriously. It is all about business, my business.
I wonder what would my bride looks like? I don't really care, as long as hindi sya makikialam sa trabaho ko. Yeah, that's right.
Maybe I should buy some flowers for her? Should I? I think I should. Oh yeah I would.
BINABASA MO ANG
I do, if it's You
RomanceDahil sa Ate ni Lia na biglaang nakipagtanan sa lalaking mahal nito, kinailangang sya ang magpakasal sa lalaking itinakda ng mga magulang nila para dito. She got her self married in an instance, protected their family's name, and got a good-looking...