Lia's POV
It's already 6PM. 1 hour before the GRAND family meeting. At heto ako, nakahiga sa aking malambot na kama.
"Anak, can you just go with us? Kailangang buo ang pamilya natin sa dinner mamaya. Hindi mo ba kami kayang pagbigyan para sa Ate mo?" Pakiusap ng aking butihing ina.
"Ma, I really can't. Marami akong kailangang asikasuhin. Madami akong assignments. Then yung thesis namin. Bukas na ang pasahan ng chapter 1, 2, and 3. I'm so sorry Ma. Babawi ako next time"
Wala naman talagang thesis, wala ring assignments. Ayoko lang talagang sumama, di ko feel. Parang ang bigat sa loob. And ayoko ring makita ang lalaking papakasalan ni ate na alam kong hindi naman nya mahal. Sana naman kasi gumawa ng paraan si kuya Arthur.
"O sya sige. Mukhang di kana talaga namin mapipilit. Sayang naman yung mga dress na naisukat mo kaninang umaga. Aalis na kami"
"Ok po ma. Sorry po talaga ha..." Oh yeah the dress. Isa rin sa mga dahilan kung ba't ayaw kong sumama.
"Ok lang, makikita mo naman sila soon."
My parents and sister already left.
Tama ba ang desisyon ko na hindi sumama? Ay naku. Baka masapak ko yung lalaki kung sumama ako. Maigi na nandito lang ako sa bahay. Nakakaawa talaga si Ate. Asan na ba si kuya Arthur. Mahal ba talaga nya ang ate ko? Sya sasapakin ko e. Hay naku!Ang sabi ni Papa, 26 years old na daw yung mapapangasawa ni Ate. Named Jonathan Krad Liu. Eldest son ng the greatest business partner ni papa. Dapat sila nalang magpakasal e. De, joke lang.
Ano ba kasing iniisip nila papa. Alam naman nilang may boyfriend si Ate. Para ba sa business? Para hindi mapahiya? Mahal na mahal ko parents ko pero minsan di ko sila maintindihan. Ang sabi nila, ito lang daw ang tanging hiling nila samin bago sila mawala sa mundong ito. Pwede namang lumago ang kompanya ng walang kasalang nagaganap. Sumasakit lang ang ulo ko kakaisip. Itutulog ko muna to, bukas nalang ulit.~~~~~
Nagising si Lia sa ingay ng sasakyan. "Andyan na sila Ate"
Nag antay sya ng ilang minuto at agad na bumangon. Dumiretso sya sa kwarto ng kanyang ate.
"Ate, ano? Kumusta? Panot ba ang mapapangasawa mo? Pandak ba?" Yan talaga ang ineexpect ko."Pagod na ako Lia. Bukas nalang kita kukwentuhan. Basta hindi sya panot at pandak." Malungkot na sabi ni Ate Lara.
"O sige. E Ate, pano na kayo ni kuya Arthur?" Oh no, wrong question.
A sad Ate Lara faced me. "Wala e, hindi ako tinatawagan o tinetext man lang ni Art. Di ko sya macontact. Maybe he already gave up on me. Mabuti na din siguro yun. Di na ako poproblemahin nila mama. I've really been a bad daughter. Panahon na siguro para bumawi ako sa kanila."
Ate was the rebellious type. She got the course she wants, got a boyfriend in an early age, got everything she wants. Di sya nakikinig kela mama. Once na gusto nya, gusto nya. Ngayon lang talaga dito sa arranged marriage na to. Bakit kaya? Dito pa sya sumuko.
Ako naman, masunuring anak. Umaayaw ako, sinsabi kong ayaw ko pero sumusunod ako. Ewan ko, ang lakas sakin ng parents ko e."Ate, kung ayaw mo, Sabihin mo kela papa. Pakikinggan ka naman siguro nila. Nagtataka nga ako sayo bakit pumayag ka lang nung sinabi nila na ipapakasal ka sa anak ng bestfriend ni papa. May boyfriend ka e."
"I was out of my mind that time. Magkaaway kami ni Arthur. I was mad at him. I thought kaya kong magpakasal sa ibang lalaki, but I realized I can't. I love Arthur." Naiiyak na paliwanag ni Ate.
"Ate, kausapin mo si papa. You can't sacrifice your happiness."
"Pero ayaw kong biguin sila mama at papa. Masyado na akong naging pasaway dati. Kailangan ko nang bumawi. And besides, di nadin ata ako mahal ni Arthur. Hindi sya nagpaparamdam sakin simula ng sabihin kong magpapakasal ako at wala na kaming magagawa."
"Mahal ka ni kuya Art, Ate. Alam ko yun!" Nagpromise sakin si kuya Art na hinding hindi nya iiwan si ate, at alam kong totoo yun.
"Kung mahal nya ako, asan sya?! I really can't take this anymore Lia." Humahagulhol na usad nya.
Oo nga naman. Naaawa ako kay Ate. Nawawalan na tuloy ako ng tiwala kay kuya. Ako nalang kaya magsabi kela papa? Kaso, ayokong masaktan din sila. Ang hirap naman ng posisyon ko!
Alam ko na! Kokontakin ko si kuya Art at sasabihin kong sya ang mahal ni Ate! Baka sya na mismo ang kumausap kela papa! Problem solb!Kinuha ko ang phone ko at minessage ko si kuya Art sa lahat ng apps ng phone ko na may contact sya.
<Kuya! Ikaw ang mahal ni Ate Lara! Asan kana ba?! Ano na mangyayare sa promise mo?>
Sana mabasa nya!!TING!
May message ako! Sa Imessage, sosyal. Nagreply si kuya.
<I know Lia, I know. I'll prove my love for her.>
Prove, prove. Prove mo muka mo. Ang pangit na ng Ate ko kakaiyak. Ni hindi mo man lang tinetext. Ekis ka!Dito na ako natulog sa tabi ni Ate ko. Sinamahan ko na sya. Baka magpakamatay to e. Joke lang.
Hay!!!! Yun naman kasing Jonathan Liu na yun pumayag agad magpakasal! Dapat tumanggi e! Hay naku! Makatulog na nga lang!!
BINABASA MO ANG
I do, if it's You
RomanceDahil sa Ate ni Lia na biglaang nakipagtanan sa lalaking mahal nito, kinailangang sya ang magpakasal sa lalaking itinakda ng mga magulang nila para dito. She got her self married in an instance, protected their family's name, and got a good-looking...