There are 121 reasons why this story isn't for you but there are lessons behind my story and that happened a year ago. My friends told me that I should not tell this to anyone... But, as for mothers out there who suffering depression about family issues or mostly about financial.
***Flashback***
"Mommy pinapapunta ka po ng teacher namin sa school." Napatingin ako sa isa sa anak ko.
"Yes Mom malapit na daw po kasi yung exams namin and hindi pa daw po kami nakakabayad ng tuition for this grading kapag daw po hindi nakabayad hindi daw po kami makakapag-exam." Dugtong pa ng kakambal nito.
Napahinto ako sa paghihiwa ng sibuyas para sa lulutuin kong bistek. "Sige anak. Wag kayo mag-alala makakapag-exam kayo." Sabi ko at ngumiti sa kanila.
Ang totoo niyan hindi ko alam kung paano ko magagawan ng paraan yung mga bayarin namin simula nung iwan kami ng asawa ko.
Nalaman ko kasi na may relasyon parin sila ng ex-girlfriend niya at nung kinompronta ko siya tungkol dito siya pa itong nagalit at umalis ng bahay, simula nun hindi pa siya nagpapakita sa aming mag-iina. Kaya naman kung saan saang kakilala,kaibigan at sa iba pa naming kamag-anak ako ngayon ng hihiram ng pera para may mapakain ako sa mga anak ko.
Isang hamak na Housewife lang naman kasi ako kaya walang income na nakukuha kaya hirap ako sa pagtaguyod sa pang-araw araw na kailangan ng mga anak ko. Minsan inisip ko na ibenta itong bahay pero iniisip ko pa rin na paano kung balikan kami ng asawa ko at hindi na kami nakita rito.
Nagulat ako ng biglang hawakan ni Jeremy ang pisngi ko kaya naman nabitawan ko yung kutsilyo at napahawak na rin sa pisngi ko na basa na ng luha.
"Mom is there something wrong? Bakit ka po umiiyak? nahiwa po ba kayo?" Hinawakan niya yung kamay ko at tinignan kung may sugat ako.
"Wala anak sibuyas kasi yung hinihiwa ko kaya napaluha ako sa hapdi.. hehehe." Pagdadahilan ko, napa-iling naman siya na parang mas nakakatanda sakin.
"tsk tsk Mommy talaga akala ko kung na paano ka na e.." Sabi niya at bumalik sa tabi ni Jenna.
"Tignan mo 'tong si Kuya kung maka-asta akala mong ikaw si Daddy."
"Syempre sabi nga ni Daddy diba pag wala siya ako ang in charge sa pangangalaga sa inyo my little sister. Kayo kaya ang reyna at prinsesa ng buhay namin." taas noong sabi niya at napangiti naman ako.
Hindi ko sinabi ang totoong sitwasyon namin ng Daddy nila dahil ayokong magalit sila sa ama nila at kamuhian ito.
Napatingin kami sa pinto ng bumukas ito at nakita naming pumasok ang Daddy nila at nagulat ako ng hindi siya nag-iisa dahil kasama niya si Cynthia.
"Mga anak ayusin niyo gamit niyo may pupuntahan tayo." Bungad nito pagkapasok na pagkapasok palang niya sa kusina.

BINABASA MO ANG
Isn't Over Yet
Short StoryA story of mother who want to survive in deep depression. Let see if she'll recover to her situation or she'll choose to end her life.