Chapter 2: The Clock Tower

38 5 0
                                    

Chapter 2: The Clock Tower

I was interrupted when I heard a knock on the library's old, heavy wooden door. Napabaling ako roon at marahang pumasok si Manang pagkatapos kumatok.

I didn't waste any time and asked her right away, "Manang, is there a clock tower in this place?"

Medyo natigilan si Manang sa agaran kong pagtatanong sa kaniya. "Mayroon naman... Nasa bayan. Bakit?"

Umiling ako. "Nothing. Just asking."

Tiningnan pa ako ni Manang, pero unti-unti siyang tumango sa akin. "Handa na ang hapunan mo. Bumaba ka na muna at kumain. Mamaya mo na lang ipagpatuloy ang pagbabasa mo rito..." Napatingin siya sa binabasa ko.

"Do you know about this, Manang?" I said, pertaining to the book or record in front of me.

Umiling si Manang sa akin. "Naku, hijo. Wala akong masyadong alam sa mga babasahin," she said.

I just nodded at what she said. Paglabas ko ng library, medyo nagulat ako kasi gabi na pala at madilim na nga sa labas. I remembered it was still afternoon and bright outside when I entered the library. But probably I hadn't realized the time because I got busy with something interesting I found inside my ancestor's house's library.

I had dinner, and they cooked the food I like. Siguro ay sinabihan na rin sila ni Mommy. I'm not very picky with food, pero may mga pagkain lang din ako na hindi kinakain, especially the unfamiliar ones. Napasulyap ako kay Rose; she's the younger kasambahay. Siya iyong nag-offer sa akin kanina ng snack na medyo ayaw ko. She's just quietly serving me now.

I sighed quietly and finished my dinner. Pagkatapos ay bumalik pa ako sa library before I went back to my room to get to bed and sleep that night.

But the next day, and then the next few days, I continued studying the records again until it was time for me to see the clock tower.

"Rose," I called her.

Nakita ko na naglilinis lang siya roon nang konti. Agad naman niya akong tinugunan at iniwan ang trabaho niya. "Ano po 'yon, Sir Julian?"

"Uh, I want to go to the bayan. Pwede mo ba akong samahan?"

I saw her lips part. Pagkatapos ay mabilis din siyang tumango sa akin. "Opo. Ngayon na ba tayo aalis?"

I nodded. "But it's all right. You can prepare and do what you need first... I'll wait in the car. Ah, patawag na rin muna sa driver," utos ko.

She nodded right away and called the driver for me. I can also drive, but most of the time ay nasanay na rin ako na may driver dahil palaging may kasamang bodyguards noon. At tamad na rin akong magmaneho. May driver naman, so I don't have to drive on my own.

Nang pumasok na rin naman agad si Rose sa sasakyan, sinabihan ko na si Mang Luciano, ang driver, na umalis na kami papunta sa bayan.

"Ano po pala ang gagawin n'yo sa bayan, Sir?"

"Hmm. To see the clock tower," I said.

"Clock tower? Hindi po ba ay gawa rin ng mga ninuno ninyo ang nag-iisang clock tower dito sa Santa Mariana?" Rose said.

Natuon sa sinabi niya ang atensyon ko. "Really?"

She nodded eagerly. "Oo. Iyan ang alam ko base na rin sa mga napapag-usapan ng mga matatanda rito. Marami rin talaga ang nagawa ng mga ninuno ninyo sa lugar ng Santa Mariana. Noong unang panahon, ang pamilya ninyo ang may-ari sa lugar na ito. At hanggang ngayon, kilala pa rin ng mga tao rito ang hacienda at ang mansyon ng mga Dela Torre," Rose told me.

Napatango na lang naman ako sa sinabi niya. Dela Torre was my grandmother's maiden name. Iyon ang apelido ng pamilya ni Mommy sa mother's side niya, habang Trinidad na ang surname ko mula naman kay Dad. Hindi rin tagarito sa Santa Mariana ang pamilya ni Daddy; sa ibang lugar sila at sa lugar din na nilipatan ng mga Dela Torre dati. Ang mga Trinidad din yata ang unang naging close family friend nila nang lumipat ang pamilya nina Lola doon, at doon na rin pinalaki si Mommy at mga kapatid niya.

Timeless Series #3: A Time For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon