MINE ONLY

63 5 2
                                    

Request by Cyreneivisry

Narrator:

Sa Bayan ng Bamban Tarlac ay may nakatirang isang dalaga na si y/n, nakatira siya sa isang maliit na tahanan kasama ang kanyang mga magulang at isang kapatid na lalaki.

Isang umaga may natanggap siyang isang invitation mula sa secretary ni Mayor Alice na gumawa ng isang pinta ni Mayor para sa kanyang dadating na kaarawan.

Nakita na ni y/n ng Mayora pero hindi pa nakakausap ng personal kaya siya ay subrang natakot na baka hindi maging maganda ang magiging kinalabasan ng kanyang pinta para sa Mayor ng Bamban.

Y/n's pov:

"Hindi ko kayang gawin to ma kinakabahan ako baka hindi niya magustuhan ang painting ko" bakas sa boses ko ang kaba at takot.

Bumuntong hininga na lamang si ina at umupo sa tabi ng ko "anak ,y/n kung hindi mo susubukan pano mo malalaman na hindi magiging maganda at maayos kung hindi mo gagawin eh kung hindi nagustuhan ni mayora edi galingan mo sa susunod pag aralan mo pa ,diba sabi ng iba, try ng try until you succeed" tumingin ako sakanya at niyakap siya.

"Thank you mama" tumayo na ako at pumunta sa kwarto ko at kumuha ng canvas at nag simula na gumuhit.

Natapos ako ng dalawang araw dahil dalawa ang aking ginagawa isang formal at isang hindi para may regalo rin ako sa Mayor ng Bamban.

Dumating na ang araw ng Mayora, nag hihintay na lang ako ng tricycle papunta sa venue kung saan gaganapin ang selebrasyon.

Nakasuot ako ng isang dress over knee na color cream at na ka cardigan (diba soft girl haha).

Nakarating na ako at kinakabahan na kumatok, pinagbuksan ako ng isang guard tinanong kung ano ang pakay ko pero bago pa ako makapagsalita tinawag ako ng secretary ni Mayor at pinapasok.

Akmang ibibigay ko na ang painting pero sabi ng secretary niya na ako na ang magbigay at umupo muna sa isa sa mga lamesa na nandon umupo ako sa gilid ng likod para medyo tago.

Wala ako kakilala dito sa kadahilanang hindi ako palabas at ang iba ay mga taga ibang bayan pa, kinuha ko ang cp ko at nag basa na lang ng kung ano-ano, ng may tumapik sa balikat ko kaya ako ay napalingon at nagulat.

"Hi ano pangalan mo?" Tanong ng isang dalagang babae na si Mayor Alice, napatulala ako ng nakita ko ang nasa harapan ko 'ang ganda pala niya sa personal' na isip ko habang na tulala pa sa kagandahan niya,natauhan na lamang ako ng bigla siya napatawa.

"Wag ka na po tumitig sakin baka po ako matunaw" tawa pa niya, naramdaman ko na umiinit ang aking pisngi dahil sa kahihiyan.

"Wait hulaan ko name mo hmm...how about Mary?" Hula niya habang nakalagay ang kanang kamay sa baba.

"Hindi po" sagot ko habang nag iisip pa siya "hm how about Ashley?" Sumagot ulit ako ng hindi hanggang sa nagsabi na siya ng ibat ibang mga pangalang.

"Bigo na ako, suko na" sabi niya habang may lungkot sa mukha.

Napatawa na lamang ako habang siya nakatingin sakin "ang pangalan ko ay y/n" sabi ko habang unti-unting lumitaw ang kanyang mga ngiti.

"Ang ganda ng pangalan mo....y/n" sinabi niya habang inuulit-ulit ang aking pangalan.

Umupo siya sa bakanteng upuan, nagkukwentuhan kami ng biglang siya tinawag para umupo sa unahan at magsisimula na.

"Sorry y/n pero kailangan ko na po umupo sa unahan at magsisimula na" sabi niya habang natayo sa pagkakaupo.

Umiling ako at sinabi "wag po kayo mag sorry hindi n'yo po kasalanan" ngumiti siya "sana po makita at makausap ulit kita y/n" nagpaalam na siya at naglakad pa puntang upuan niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alice Guo (ONESHOT) Where stories live. Discover now