PROLOGUE

4 1 0
                                    

"Lunarine, you are the hope of this land." sabi ng isang misteryosong babae na nakasuot ng puting kapa.

Ilang segundo ang nakalipas, may biglang lumabas na isang napakalaking portal sa likod ng babae. Maya-maya ay mga itim na kamay ay gumagapang sa lupa at kinuha ang babae.

"Lunarine! Tumakbo ka na!" sigaw ng babae. Balot ng takot, tumakbo ako paalis ng  gubat. Sinusundan din ako ng mga itim na kamay. Eto na nga ba ang kamatayan ko? Ayoko pang mamatay! May tungkulin pa ako sa Mystria!

Makalipas ang isang minutong pagtakbo, isang napakalaking pintuan ang  lumabas ng wala sa oras. Dali-dali akong tumakbo papasok sa pintuan. Nang makarating ako sa pintuan, biglang....

Nagising ako mula sa isang panaginip. Isang panaginip na tila paulit-ulit nalang. Ano nga ba ang Mystria? Eh, laking Tondo ako? Kitang-kita ko nga yung silver linings na binanggit ni Catriona eh.

"Ano ang ibig sabihin nun?" bulong ko sa aking sarili habang hinahaplos ang pendant na hugis bilog na nakasabit sa kanyang leeg. Ito yung kwintas na binigay sa akin ni lola.  "Nasa bituin ang sagot sa lahat ng mga tanong mo, Luna. Sundan mo sila."

Mula pagkabata, may nararamdaman na akong kakaiba sa aking sarili. Hindi naman ako naniniwala sa mga Horoscope, pero ako ay laging manghang-mangha sa kalangitan. It's as if the stars shine the brightest when I look at them. Char.

Bumangon ako, pilit na inaalis ang takot na bumabalot sa akin. "Anong oras? Para saan?" bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang paligid ng aking kwarto, sinusubukang kumalma. 

Pagkababa ko, nakita ko ang sulat na naiwan ko sa mesa mula sa isang lugar na tinatawag na Mystria Academy. Hindi ko alam kung bakit nila ako inanyayahan o paano nila ako natagpuan. Wala naman akong espesyal na nagawa, at wala akong ideya kung anong klase ng paaralan ito. Ang sabi lang sa liham ay, "Napili ka dahil sa natatanging potensyal mo."

"Potensyal para saan?" Hindi ko pa rin magets. Isang ordinaryong buhay lang naman ang meron ako. Hindi ako tulad ng iba na may malaking ambisyon o talento. Pero ang liham na ito, at ang mga bangungot ko, sinasabi ng mga ito na may isang bagay na hindi ko pa naiintindihan tungkol sa sarili ko. Matapos kong basahin ang sulat, may sasakyan na biglang huminto sa harapan ng aking bahay. Eto ba yung susundo sa akin? Ang sosyal ha. In fairness.

"Miss Lunarine Chavez? Inutusan po ako ng headmaster upang sunduin ka." sabi ng isang lalaking nakasuot ng suit. Sosyal. Very mindful.

Walang imik akong pumasok sa sasakyan. And besides, matagal na akong nakapagpasya na umalis sa bahay namin. Gusto kong lumipat sa lugar na walang nakakakilala sa akin. Habang tumatakbo ang sasakyan, unti-unti kong nararamdaman ang pagbabago sa paligid. Mula sa mga pamilyar na kalsada ng aming bayan, dumadaan kami sa mga lugar na hindi ko pa nakikita. Parang ibang mundo na ang pinapasok namin—mas malalaking puno, mas malamig na hangin, at ang kalangitan na tila mas maliwanag kaysa dati. 

What if...patay na ako? 

Pagdating namin sa Mystria Academy, huminto ang sasakyan sa harap ng isang napakalaking gusali. Parang Hogwarts. Agad kong napansin ang kakaibang aura ng lugar. Hindi ito tulad ng mga paaralang kilala ko. Mas malaki, mas misteryoso. Ang pader ng gusali ay tila kumikislap, at may mga ukit ng mga bituin sa bawat sulok.

Bumaba ako sa sasakyan at pumasok sa akademya. Sa lobby, isang babae ang sumalubong sa akin. May hawak siyang isang tablet, mukhang modernong device, pero iba ang liwanag na nagmumula rito.

"Ms. Lunarine Chaves?" tanong niya, tinutukan ako ng kanyang matalim na tingin.

Tumango ako. "Opo, ako nga po."

"Welcome to Mystria Academy," sabi niya, na para bang alam niya ang mga bagay tungkol sa akin na hindi ko pa alam. "May mga bagay kang matutuklasan dito. Alam kong mahirap paniwalaan ang mga makikita mo, pero trust me. Everything you see here is real."

Kinilabutan ako. Anong ibig sabihin niya Sinusundan ko siya papasok sa loob ng building. Sa bawat hakbang ko, parang mas bumibigat ang paligid, parang may mga mata na nakamasid sa akin. Hindi ko pa rin alam kung ano ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito, pero alam kong ito ang simula ng isang bagay na hindi ko pa kayang unawain.

Pagtingala ko sa kalangitan, nakita ko ang mga bituin na tila kumikislap, kahit maliwanag ang araw.

Ang tanging masasabi ko lang, OH MY GOD.


END OF PROLOGUE

MYSTRIA CHRONICLES: The Crown of Ivory KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon