Lunarine Chaves
Matapos ang ilang minutong paglalakad, iniwan ako ng babae sa harapan ng isang classroom. Pagkapasok ko, nakita ko ang mga estudyanteng nag-uusap at naglalaro, tila ang saya-saya nila. Sobrang dami ng tao-mga batang may mga iba't ibang anyo at estilo.
Wait. Hold on.
SHAPESHIFTING? Lord,
Sa kabila ng lahat, naisip ko, "Tama ba 'tong pinasok ko?"
Habang naglalakad ako sa loob ng building, may narinig akong boses mula sa likuran. "Uy, may bagong student!" Isang babae ang lumapit sa akin habang nakangiti. Siya ay may mahabang buhok na kulay green at may matamis na boses.
"Hi! I'm Olivia!" sabi niya, "You must be the new student"
Tumingin ako sa kanya at tumango. "Opo, ako nga. I'm Lunarine."
"Lunarine! What a beautiful name!" sagot ni Olivia, na tila tunay na na-excite. "Welcome to Mystria Academy! You'll love it here."
Hindi ko alam kung paano mag-react. Hindi ko pa alam kung ano ang aasahan sa lugar na ito. "Salamat," sagot ko, nagtataka kung ano ang mga dapat kong gawin.
"Come with me. I'll introduce you to my friends," sabi ni Olivia, at sabay kaming naglakad. "Alam mo ba kung saang section ka?"
"To be honest, wala akong alam. I just got admitted here," sagot ko, bahagyang kinakabahan. "Medyo kinakabahan ako kasi everything I am seeing here are surreal to me."
"Trust me, everything you see here are real," she said while smiling. "I know you're afraid, but trust me. Magugustuhan mo ang klase. Maraming mga cool na activities and even projects. At, of course, makikilala mo rin ang mga classmate mo."
Habang naglalakad kami, nakasalubong namin ang isa pang babae na may maitim na buhok. "Oh, Olivia! Who's this?" tanong niya, tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
"This is Lunarine, the new student!" Olivia introduced me excitedly. "She just arrived here!"
"Really? Nice to meet you, Lunarine," sabi niya. "I'm Sabrina. If you need anything, just ask me or Olivia."
"Thank you, Sabrina," sagot ko, naguguluhan pa rin sa lahat ng nangyayari. "Parang masyado akong na-overwhelm."
"Don't worry, we've all been there," sagot ni Olivia, habang hinahawakan ang aking balikat. "Lahat tayo ay may kanya-kanyang kwento. Magiging kaibigan natin ang isa't isa dito, and we'll help you find your place. Don't worry, we'll help you. No one here starts out knowing everything. Lahat tayo dumaan sa stage na 'yan."
"Let's go to the courtyard! Diyan kami madalas nagkukumpulan," sabi ni Sabrina. Habang naglalakad kami patungo sa courtyard, ang mga tao ay nag-uusap at nagtatawanan. May mga estudyanteng naglalaro ng mga magic games, at may mga grupo na nagtutulungan sa kanilang mga proyekto. It feels like I'm a puzzle piece trying to fit in.
Pagdating namin sa courtyard, nakita ko ang iba pang mga estudyante. Karamihan sa kanila ay mas bata kaysa sa akin, pero ang ilan ay tila mas matanda. Sa gitna ng courtyard, may isang malaking fountain na tila kumikilos sa salamin. Ang tubig ay kasing maliwanag ng mga bituin. "This is where everyone gathers," sabi ni Olivia. "You can meet other students here, and you'll see how diverse our academy is."
Habang kami ay nagkukwentuhan, unti-unti akong nagiging komportable. I shared my excitement and fears about being here. Olivia and Sabrina listened intently, and they reassured me that they would be there to support me.
"Lunarine, you're going to love it here," sabi ni Olivia, na tila talagang tuwang-tuwa na makilala ako. "You might even discover something special about yourself!"

BINABASA MO ANG
MYSTRIA CHRONICLES: The Crown of Ivory Kingdom
خيال (فانتازيا)A teenage girl named Lunarine, a Celestial wizard, a mage that allows her to summon the elements and forces tied to each zodiac sign. However, despite her dreams, she is haunted by nightmares that seem to warn of an impending danger. At a pivotal mo...