PROLOGUE

1 0 0
                                    

"Ma pasok na po ako!" sigaw ko kay mama na nagwawalis sa likuran ng aming bahay.

"Kunin mo ang baon mo sa may damitan ng papa mo anak!" sigaw naman niya pabalik. Nagtungo ako sa kwarto nila ni papa upang kunin ang baon ko, napailing ako ng makitang isang daan lamang ang laman nun.

"Ma!" sigaw ko dahil hindi ko alam kung kukunin ko ba iyon lahat dahil pag kinuha ko iyon wala ng matitira para sa kapatid ko.

"Oh anak" napahawak ako sa aking dibdib ng paglingon ko sa aking likuran ay naroon na si mama.

"Ma, bakit naman po kayo ng gugulat" sabi ko sa kanya na may nanlalaking mga mata.

"E bakit mo ba ako tinatawag, kung makasigaw ka akala mo'y nasa bundok ang iyong tinatawag." Dere-deretsong sabi niya sa akin kaya natulala ako sa kanya "Ano nanamang iniisip mo riyan?" doon lang ako natauhan ng pitikin niya ang ulo ko. Umiling nalang ako at di na nakipagtalo pa kay mama.

"Ma, may baon pa po ba si shan-shan?" seryosong na ang boses na tanong ko kay mama.

"Wag kang mag alala anak at meron pa naman." sabi ni mama na nakangiti ngunit kapansin-pansin sa kanyang mga mata na nagsisinungaling siya. Tumango nalang ako at kinuha na ang isang daan sa wallet ni papa upang ilagay sa wallet ko at nakita kong may laman pa ang wallet kong twenty pesos kaya hinugot ko iyon at ibinigay kay mama. Tinignan ako ni mama na para bang nagtatanong kung para saan iyon.

"Yan nalang po muna ang ibigay niyong baon ni shan-shan ma, alam ko naman pong nagsisinungaling lang kayo ng sabihin niyong meron pa." sabi ko at hinalikan na siya sa kanyang pisngi saka iniwan doon na di makapag salita, ganyan sila ni papa sasabihing meron pa kahit walang wala na.

Pagkalabas ko ay nakita ko si papa na nasa may kusina at nagkakape, lumapit ako sa kanya at hinalikan rin ang kanyang pisngi "Alis napo ako Pa."

"Mag-aral ka ng mabuti anak" ngumiti siya sakin kaya nginitian ko rin siya at umalis na, pagkalabas ko ng aming bahay ay saka lang ako nagpakawala ng malalim na hininga at nilingon ang aming bahay saka ako sumakay ng tricycle.

PAGKARATING ko sa aming paaralan ay dere-deretso lamang ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa aming silid. Inilabas ko ang aking mga libro upang magbasa muna habang hinihintay ang aming guro.

Limang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa rin siya at umiingay na rin ang aking paligid dahil nagsisidatingan na ang mga kaklase ko. Isinara ko ang aking libro at tumingin sa may bintana ng may nakita akong naghahalikan sa may ilalim ng puno. Abay umangang-umaga at may naglalaplapan na tama nga ang linyahan ng mga matatanda "IBA NA ANG MGA KABATAAN NGAYON" iiling-iling akong umiwas ng tingin sa kanila. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa eskwelahang ito e normal lang naman sa kanila iyan kahit pa nga siguro maghubad na sila riyan. Ipinatong ko ang aking mga braso sa lamesa saka tumungo dahil ramdam ko na ang antok sa kakahintay kay Mrs. Gerardo sa liit ng mga hiyas ng gurong iyon sigurado talaga akong matatagalan siya dahil malayo ang faculty room dito sa room naming STEM 12.

Ilang minuto pa ang nakakaraan ng may maramdaman akong nakatayo sa aking tabi ngunit diko iyon binigyan ng pansin at nagkunwaring natutulog.

"Uhm, miss can I seat beside you?" rinig kong sabi ng baritonong boses ngunit hindi ako gumalaw o sumagot sa kanya "I think that's a yes" sabi niya at basta nalang umupo sa aking tabi kasabay non ang pagbukas ng pinto kaya na paangat ako ng ulo at tumingin doon, sa paraan palang ng pagbukas ng pinto alam kong si Mrs. Gerardo na iyon kaya umayos ako ng upo.

Dere-deretso siyang pumunta sa harap ng may ngiti sa mga labi, tumingin siya sa amin at nagpakilala kahit kilala naman na namin siya dahil naging subject teacher namin nung grade 11 palang kami.

"I know you already know who I am, pero para sa mga bago rito at dipa nakakakilala sa akin" sabi nito at isinulat niya ang kanyang pangalan sa board "I am Mrs. Beatrice Gerardo your advicer" sabi nito at tamad naman na nagpalak-pakan ang mga kaklase ko.

Isa isa na nagtayuan upang ipakilalanaman ang mga sarili at nung ang katabi ko na ang magpapakilala ay napatingin kaming lahat sa kanya at nakita namin siyang nakatungo sa kanyang mesa na dahilan para hindi namin makita ang kanyang mukha ngunit naririnig ko ang mahina nitong paghilik, mukhang natutulog ata. Ayos rin ng lalaking ito at kararating palamang niya kanina ngayon tulog na. Ayaw ko man siyang gisingin ay wala akong magagawa dahil tumingin na silang lahat sa akin.

"Gising" sabi ko at malakas siyang itinulak na dahilan ng kanyang pagbagsak sa sahig at dahilan din ng pagsinghap ng mga kaklase ko ng makita nila ang kanyang mukha at gulat naman na napatingin sa akin ang aking katabi na bago para sa akin ang mukha.

"Fuck it" mura nito kaya napakunot ang noo ko "what's your problem?" sabi niya sa galit na boses.

"Introduce yourself daw" tamad kong sagot sa kanya  at saka siya galit na tumingin sa akin.

"Okay Mr. Ashford umagang-umaga palang ngunit natutulog ka nanaman. If you don't mind, can you introduce yourself?" sabi ni Mrs. Gerardo rito na may kaunting ngiti pa sa labi.

"Why? aren't you guys didn't know who I am?" sabi lang niya saka umupo. Mayayaman nga naman.

"Mr. Ashford!!!" tuluyan ng nawala ang ngiti sa labi nito at dumagundong ang boses niya sa loob ng silid kaya napasinghap ang lahat.

Tumayo naman ang katabi ko saka niya tinitigan ang aming guro "What now Mrs. Gerardo" matapang na sagot nito at biglang sumabog sa galit si Mrs. Gerardo sa inasal nito sa kanya.

"Get out!" sigaw niya kaya napangisi ang katabi ko at saka tumayo.

"My pleasure" sabi nito saka lumabas na parang walang nangyari, nahulog ang panga ko sa kanyang inasal.

"Okay next" sabi ni Mrs. Gerardo na tuluyan ng natanggal ang ngiti sa kanyang labi ng dahil sa lalaking iyon.

Tumayo ako saka yumuko "Cerys Félicité Lopez" pagkasabi ko non ay umupo na ako. Kilala nila akong lahat bilang scholar, at bilang isang scholar ay mababa ang tingin nila sa amin.

Untold Truths Where stories live. Discover now